CHAPTER 5

4K 80 1
                                    

PAG-UWI ni Airabelle sa bahay nang madaling-araw na iyon galing sa trabaho, hindi muna siya tumuloy sa kuwarto niya upang matulog. Para kasing may humihila sa paa niya patungo sa kuwarto ni Linkurt.
Pagdating niya sa tapat ng pinto ng silid nito, ipinihit niya ang seradura ng pinto. Sinasabi na nga ba niya bukas iyon. Hindi pa rin nagbabago ito. Hindi pa rin nito nila-lock ang pinto ng kuwarto nito.
Natukso siyang buksan ang pinto at tingnan kung ano ang ginagawa ni Linkurt. Nang makapasok siya ay natagpuan niya itong gising pa. Nakaupo ito sa kama nito, nakasandal sa headrest ng higaan. Nagbabasa ito ng libro. Mukhang nawiwili ito sa pagbabasa kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya.
Wala itong pang-itaas at natatakpan ng kumot ang katawan nito mula baywang pababa. Sa pagkamangha niya ay natakpan niya ng palad ang bibig niya. His body was really nice. Parang kaysarap nitong yakapin, parang kaysarap din makulong sa mga bisig nito. Napatingin siya uli sa bahagi ng katawan nitong natatakpan ng kumot. Bigla siyang na-curious kung ano ang suot nitong pang-ibaba. Shorts? Boxers? Briefs? Or... nothing? Pakiramdam niya ay nag-init ang mga pisngi niya sa naisip.
Tulad ng pagpasok niya kanina ay tahimik din siyang lumabas.  Pero nakadalawang hakbang pa lamang siya ay napahinto siya nang magsalita ito. “Naliligaw ka yata ng kuwarto.”
Patay! Nagkukunwari lang yata siya kaninang hindi ako nakikita. Magkukunwari rin akong walang narinig. Pero hindi niya kayang hindi humarap dito. “O-oo, eh. Sa sobrang antok ko, hindi ko na alam kung kaninong kuwarto ang pinasok ko,” pagdadahilan niya. “Sige, ha. Matutulog na ako. Ang sakit na talaga ng ulo ko,” aniya habang hawak ang ulo.
Tatalikod na sana siya nang makita niya itong tiniklop ang binabasang libro at tumayo mula sa kama. Namilog ang mga mata niya. Boxers lang kasi ang suot nito. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya itong iyon lamang ang suot. She could see his hairy legs.
Bumalik ang tingin niya sa dibdib nito. Parang gusto niyang dakmain iyon at pagapangin ang kamay niya roon. Natutop niya uli ang bibig niya nang mapansin ang bumubukol sa gitnang bahagi ng harap nito. Parang gusto rin niyang hawakan ang pinakasensitibong parteng iyon ng katawan nito.
Nag-init ang buong katawan niya sa mga naisip. Napalunok siya. Kung may abilidad lang siguro itong makabasa ng isip ay napahiya na siya. Paano ba naman kasi, parang nangse-seduce ito.
“Are you telling the truth?” tanong nito na nagpabalik sa kanya sa realidad.
Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. “Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi ako nagsasabi ng totoo?”
“Ikaw ang nagsabi niyan, Airabelle.”
“Tinatanong lang kita, Linkurt.”
“Tinatanong din kita,” balik nito. “Ano, totoo ba ang sinabi mo? Na dahil sa sobrang antok mo kaya ka napadpad dito sa kuwarto ko?”
“Oo na. Aaminin ko na. G-gusto kong... tingnan kung... kung nandito ka. Baka kasi nasa ospital ka at wala akong kasama rito.”
“Gano’n ba?” Sa itsura nito, parang hindi ito kontento sa isinagot niya. “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita sa labas na bukas ang ilaw ng kuwarto ko? That means, nandito ako. At ibig sabihin, may tao, hindi ba?”
Patay ka na naman, Airabelle! Pero kaagad siyang nakaisip ng rason. “Hindi ako bulag. Oo, nakita ko. Aba, malay ko ba. Kahit naman nakabukas ang ilaw, posible namang walang tao, hindi ba?” Idiniin niya ang “hindi ba?”
Hindi na ito nakasagot. Tinawanan niya ito sa sarili. Magaling yata siya!
“Kaya, sige na, matutulog na 'ko. Matulog ka na rin,” aniya, saka muling tumalikod dito.
Napahinto na naman siya nang muling magsalita ito. “Hindi pa ako inaantok. Mauna ka na lang. O baka... gusto mo pa akong samahan dito?”
Mabilis siyang humarap dito. “Ha? A-ano’ng sinabi mo?”
“H-ha? M-may sinabi ba ako?”
Naku, kunwari ka pang lalaki ka. “Pasensiya ka na, ha? Baka guniguni ko lang 'yon,” sabi na lang niya at muling tumalikod at humakbang palabas. Sana pigilan niya ako at itanong uli sa akin kung gusto ko siyang samahan dito. Pero nakalabas na siya sa kuwarto nito ay hindi natupad ang hiling niya.

PAGKASARA ni Airabelle ng pinto ng kuwarto niya nang makalabas ito ay hindi mapakali si Linkurt. Gusto niyang buksan uli ang pinto, lumabas at kausapin si Airabelle. He wanted to say sorry to her. Pero parang may pumipigil sa kanya na hindi niya alam. Pride, naisip niya. Ang taas ng pride mo, Linkurt. Inaamin naman niya iyon. Kaya nga galit siya sa kanyang sarili dahil doon.
Ini-lock niya ang pinto at bumalik sa higaan niya. Dumapa siya roon at isinubsob ang mukha niya sa unan.

My 24/7 Piece of Heaven [PUBLISHED under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon