3:07 pm
Ang bilis talaga ng oras. Hindi ko na namalayan. Hapon na naman pala.
Lagi nalang ganito ang routine ko araw araw simula nung iwan ako ng lalakeng minahal. Mali. Mahal ko.
Si Alfred Santos.
Bakit kaya ganun?
May mga bagay naman na nasanay tayong wala sila noon, tuloy parin ang ikot ng ating mundo. Tuloy parin ang buhay natin.
Pero bakit kaya, pag may dumating na isang bagay. Pag nakita na natin yung bagay na inaasam asam natin. Ayaw na nating pakawalan. Ayaw nating makita na gamit ng iba.
Aalagaan,iingatan,mamahalin lahat na ng klaseng pag aaruga ibibigay natin. Para lang hindi masira.
Parang tao din pala noh?
Minsan sa buhay, bago sila dumating. Bago natin sila makilala. Masaya na tayo. May direksyon ang buhay, may sari-sariling pinag kaka abalahan.
Pero dahil minahal at inalagaan natin.
Napaka hirap para intindihin. Napaka hirap para tanggapin.
Na darating ang araw,
na iiwan at mawawala din sila sa ating buhay.
Gaya ng mga bagay, kahit gano pa natin iningatan ang mga to. Darating din talaga sa puntong masisira at masisira ito.
Oo nga pala.
Walang permanente sa mundo.
3:46 pm
Asan na nga ba ako? Ang layo na naman kase ng isip ko.
Di ko na namalayan, nasa park na pala ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero kapag tuwing nalulungkot ako.
Dito ako dinadala ng mga paa ko.
Andito ako ngayon sa paborito kong upuan. Tanaw na tanaw ko dito yung mga batang nag lalaro. Mga masasayang magkasintahan na namamasyal at mga pamilyang masayang nag sasalo sa kanilang dalang merienda.
Hayyy. Minsan talaga di ko na maisip kung ano ba dapat ang gagawin ko.
Tanggap ko naman lahat ng nangyari samin e.
Sadyang mahirap lang talaga.
Wala. Tapos na.
Nangyari na.
Maka idlip nga muna.
4:37 pm
Tagal ko atang nakatulog. Di ko na namalayan may katabi na pala ako.
Ngayon ko lang sya nakita dito ah.
Habang tahimik akong nag mamasid, nagulat nalang ako ng biglang magsalita ang katabi ko.
"In every ending, there's always a new beginning"
Weird ha. Pero may sense naman ang sinabi nya.
Ngayon ko naisip, nakalimutan ko na palang mabuhay ng mag isa.
Nakalimutan kong maalala na meron paring pag asa.
Na kapag may umalis, may bagong darating
Yung mas maayos, mas mamahalin tayo, mas aalagaan.
Mag papasalamat sana ako kay kuya e.
Kaso pag lingon ko ulit.
Wala na sya.
San na kaya sya nag punta?
~~~~~~
A/N: Hello. Sna po mgustuhan nyo to. May npaka habang mgandang part dito na alam kong makakatulong sa inyo. Pero habang wala pa. Sna subaybayan nyo parin.
BINABASA MO ANG
Echoes of our hearts (One shot)
Short StoryDoes our hearts have really echos? Does it shouts what our hearts really feel? Or is it just our own imagination that tells us hearts has its own kind of echo? A one shot story about life and love realizations and lessons.