ÿþ
One Shot
THE DEBUT
By: Yumitchiestar
Ilang araw na lang magde-debut na ako. Noon excited ako, ngayon parang natatakot na ako tumuntong sa edad na 18 dahil alam kong pagtapos ng araw na un, haharap ako sa bagong yugto sa buhay ko at alam kong haharap ako sa maraming pagsubok at responsibilidad.
September 18.
Walang bago. parang ordinaryong araw lang. Gumising ako ng maaga at nagpunta sa simbahan para mag simba. Oo kaarawan ko na ngayon. Ang bilis ng araw hindi natin mapipigilan ang panahon.
"Happy 18th birthday Chie!"
Yan ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng school. Kumanta ung mga classmate ko at dumagsa rin ang mga text message at greetings sa fb ko. Hayst ang sarap din sa pakiramdam. Ang saya ko rin naman.
"Ui guys meron akong small celebration sa bahay bukas after class diretso kayo dun ha, mga 3pm, the party will start"
Tama ang nabasa nyo, may gaganapin na party bukas sa bahay namin, ngayon ang birthday ko pero bukas ang handaan. May pasok kasi ngayon, at gabi na rin ang uwi, sinabi ko sa sarili ko na gusto ko makasama ang mga taong mahahalaga sa buhay ko. Gusto ko rin SIYA makasama.
SIYA. un ung taong gustong- gusto ko at taong mahal ko, pero ewan ko kung ganun din ba ang nararamdaman niya sa akin. Sinabi ko sa sarili ko na sa special na araw ko na ito, sasabihin ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Wala akong hinihinging kapalit, i just want to know what he feels for me and to clear some mess in my mind. Handa ako sa lahat ng possibilities na maaaring mangyari after kong mag confess.
"ui Chie, nabati ka na ba ni Chao?
"Hindi pa nga eh" :(
Nalungkot ako nung itanong yan sa akin ng friend ko. Oo nga pala lahat ng taong nakapaligid sa akin nabati na ako pero siya hindi pa niya ako binabati.
Malapit na matapos ang araw na ito pero hindi pa rin niya ako binabati. Hindi ko mapigilan ang malungkot.
Nag-inom ako kasama ang mga pinsan ko. Gusto kong magsaya at lunurin itong kalungkutan na nararamdaman ko pero imbis na makalimot ay lalo kong naalala ang mga araw na masaya kaming dalawa hanggang sa unti unti ay mawala ang mga araw na un.
*****
Nuon lagi kaming magkasama, sweet siya at mabait. Nagbibiruan at nagkukulitan kami. I really feel special when Im with him. Yung tipong alam kong safe ako at ramdam kong special ako sa kanya. Hanggang sa unti-unting mahulog ako sa kanya. Ayaw kong aminin sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya dahil ayoko ng masaktan.
Hanggang isang araw, bigla na lang siyang umiwas at lumayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero isa lang ang sigurado ako nasasaktan ako sa pag layo niya at hindi ko kayang makita siyang masaya kapag may kasamang ibang babae at siguradong sigurado ako mahal ko na siya.
*****
I made a decision that this day I will let him know my feelings. Alam kong may tama na ako ng alak pero alam ko pa rin naman ang ginagawa ko. I get my phone and text him.
TO: Chao
"ui nakakatampo ka nman, ndi mo man lng aq binati ngaun,lhat sila bnati aq pero ikw wla ka man lang paki. nakakainis hndi dapat ako nasasaktan eh, bkit ba pkiramdam ko umiiwas ka sa akn? hndi mo ba alm sa pag iwas mong un lalo akong nsasaktan. I really dont want to admit it at hndi ko alam kung kelan pa toh nagsimula. You know what I think Im falling for you, I really dont want this feeling coz I know I might get hurt, I dont expect anything in return, I just want to let you know my feelings, Im sorry Im drank, pero hndi ko lng talaga mapigilan ang sarili ko sabhin sau toh.. pagkabasa mo neto pki delete na lng ha hehe..wag mo na lng masyadong pansinin ung mga nkasulat dito. goodnight."