"Tanga agad? Hindi ba pwedeng hindi ko lang alam?"~
Siya 'Yun.
Siya 'yun, siya yung babae'ng tumabi sa'yo nung 1st day of school, siya yung babae'ng kumausap sayo at kinaibigan ka dahil hindi ka namamansin. Siya yung babae na sinabayan ka nung lunch at recess dahil bago ka sa school niyo. Siya yung babaeng pala-ngiti at pala-biro. Siya yung babaeng madaling kasama.
Siya 'yun, siya yung babaeng hihintayin ka sa school araw-araw, siya yung babaeng papatawanin ka, siya yung babaeng hahampasin ka, tatadyakan ka, kukulitin ka, mapasaya ka lang. Siya yung babaeng naging bestfriend mo.
Siya yun, siya yung babaeng kakamustahin ka araw-araw, siya yung babaeng mag-aalala sayo tuwing wala ka, siya yung pupunta sa bahay niyo para tumambay, siya yung kasama mo lagi.
Siya yun, siya yung babaeng nag-tataka kung bakit nawawala ka na, siya yung babaeng naiinis dahil may kasama ka'ng iba. Siya yung hahanapin ka tuwing lunch or break time dahil hindi ka niya makita, siya yung babaeng hahabulin ka pag naiiwan siyang mag-isa. Siya yung babaeng nag-tampo nung hindi mo siya sinipot, siya yung babaeng naiinis tuwing hindi ka na namamansin sa mga text niya, siya yung babaeng nandyan habang may kasama ka'ng iba.
Siya yun, siya yung babaeng nag-hintay sayo sa labas ng school dahil sabi mo, pero nung nakita ka na, may kasama kang iba. Siya yung babaeng kasama mo sa park, siya yung babaeng nasaktan nung sinabi mo'ng may mahal ka'ng babae. Siya yung nag-panggap na masaya nung sinabing mo'ng may liligawan ka na.
Siya yun, siya yung nag-prepare para sa first date niyo ng girlfriend mo. Siya yung humalik sa pisngi mo at nginitian ka bago ka i-offer sa kamay ng ibang babae. Siya yung nangalay ang pisngi kaka-ngiti kahit nasasaktan siya. Siya yung nag-excuse sa C.R. nung nirent mo'ng lugar dahil umiyak siya.
Siya yun, siya yung babaeng akala mo naninira sa relasyon niyo dahil sabi niya, two timer ang girlfriend mo. Siya yung babaeng hindi mo pinaniwalaan. Siya 'yun, siya yung naiwang mag-isa dahil tinaboy mo siya. Siya yung sinigawan mo dahil akala mo, traydor siya. Pero ang tanong, siya ba talaga? Or ikaw, dahil parang hindi mo siya kilala?
Siya yun, siya yung nasa tabi mo nung mag-isa ka. Siya yung yumakap sayo nang buong puso kasi iniwan ka na ng girlfriend mo. Siya yung ngumiti para sa'yo nung binalik ka sa kanya ng luhaan. Siya yung tumanggap ng sorry mo, di tulad ng iba na nag-iinarte pa. Siya yung naka-limot ng lahat ng sakit na binigay mo sa kanya.
Siya yung niligawan mo at ginawa mo'ng rebound. Siya yung naniwala sa'yo kahit alam niyang hindi ka pa okay. Siya yung umasa na makaka move-on ka kapag kapiling mo siya. Siya yung umasa sayo kasi pinaasa mo siya.
Siya yung babaeng sinagot ka na may kasamang takot, siya yung naniwala sa sinabi mong mahal mo siya. Siya yung pinaka-masayang babae nang naging official na kayo na. Siya 'yun, siya lang 'yun.
Kaso siya ba ang mahal mo?
Hindi siya ang kasama mo sa park nuong isang araw, hindi siya yung niluhuran mo para balikan ka. Sino pa ba, edi yung ex mo'ng sinaktan ka.
Siya yung nasaktan sa pangalawang pagkaka-taon nang iwanan mo ulit siya. Siya yung sinampal ka dahil sa sakit na ibinigay mo sa kanya. Siya yung parang nagpakamatay nang pangalawang beses nang malaman niyang kayo na ulit ng ex mo.
Siya yun, siya yung babaeng natutong lumaban. Siya yung babaeng nag-bago dahil nasaktan. Siya yung tangang natuto na ngayon.
Siya yun, yung babaeng usapin na sa school. Siya na yung babaeng hinahabol-habol ng madaming lalake. Siya yung babaeng ngumiti, ay hinalikan ng isang lalake, isang lalake na hindi ikaw.
Eh sino ka ba? Ikaw lang ay isa sa mga bangungot na dumaan sa buhay niya, isa ka na lang sa mga lalakeng nag-aabang sa kanya. Isa ka na lang sa mga nagkaka-gusto sa kanya. Samantalang date, ikaw lang naman ang gusto niya.
Siya yun, yung ngumiti sayo nang sinabi mong nag-sisi ka. Siya yung babaeng niyakap ka nang sinabi mong sinaktan ka lang ulit. May pake siya sayo bilang tao, pero hindi bilang taong may gusto sayo.
Siya 'yun, siya yung tao na hindi katulad mo. Nakaka-limot kapag may bago.
Siya 'yun, yung babaeng dinadaanan ka na lang ngayon. Siya yung babaeng wala nang oras na tinira para sayo. Siya yung babaeng sayo na sana, kaso sinayang mo.
Siya 'yun.