c. FORTY SEVEN

227 3 0
                                    

Vanyce's Point of View

bumaba na ako at nadatnan ko si Aj na naka-upo sa mahabang couch.

"Anong kailangan mo?"

"Sungit. Ano, ready ka na?"

pinagsasabi nito?

"Not really. Wala pa akong agahan. Di ba obvious?"

inirapan ko nalang sya. Saka nag-cross arms ako. Bwesit na umaga 'to!

"Good. Tara na."

naningkit talaga mga mata ko sa sinabi nya.

Anong good ka dyan? Papatayin nya ba ako sa gutom?

"Haha, sa labas tayo kakain. Ikaw talaga."

"Oh, libre mo?"

umiling iling pa sya.

"Kala ko di ka na babalik sa dati e. Tara na. Di ba gutom ka na?"

sumunod nalang ako sa kanya. Gutom na din naman ako. At ayos 'to! Makakalabas ako nito! May asungot nga lang akong kasama. Pero wag ko na nga lang yan pansinin.

Pinagbuksan nya ako ng pinto. At bumaba na kami ng hagdan. Pinagbuksan din nya ako ng pinto ng gate. Hindi ko nalang pinansin yung mga butlers na nadadaanan namin at bumabati sa akin. They're not that special anyway.

Pinagbuksan din nya ako ng pinto ng sasakyan nya. At nasa passenger seat ako naupo.

Gusto ko sana sa likod para magmukha syang driver, kaso, fiancé nga nya pala ako. Tss! Suck this fixed marriage!

"Bad morning ka ata? Anong meron?"

tanong ng tanong e. Bakit kaya di nalang sya mag drive di ba?

"What is it to you then?"

"I'm your fiancé."

kapal ng mukha!

"Anong konek?"

seryoso, naalibadbaran talaga ako sa mukha nya. Napatingin pa ako sa side mirror at nakikita ko ang sarili kong sobrang salubong ang kilay at straight na straight ang mukha pero nakabusangot. Still, maganda pa rin. At para mas gaganda pa lalo, inayos ko yung sarili ko saka nginitian ang sarili ko sa salamin.

Wag mo lang pansinin ang isang epal dyan. Okay na.

"Haay. Nga pala. Saan pala si Vanyce?"

oh? Anong kailangan nya sa akin at hinahanap nya ako?

"Miss mo?"

Am I sounded like, I care? Psh!

"No. Pero may namiss ako. Yung dating ikaw."

kita kong medyo lumingon pa sya sa akin.

Wala akong masyadong alam tungkol sa kanilang dalawa ni Anasthasiah kung paano sila nag-uusap.

Kaya naman, mangangapa ulit ako. Baka magkahinala pa 'tong isang 'to.

"This is the real me. May problema ba?"

Yumuko muna sya saka nagpatuloy sa pagsalita.

"Oh, I thought you're sweet to every men."

as in, tumaas talaga ang kilay ko.

Hindi ko alam kung paano sya itrato ni Anasthasiah noon. Pero isa lang ang nasisiguro ko.

Alam kong di nya nagustuhan ang arrange marriage na 'to, even me naman siguro.

At pati na rin yung ginawa nitong isang 'to sa kanya.

Panigurado, una pa lang, di na nya ito binigyan ng magandang trato. Pwera nalang kung may isang dahilan para pagkatiwalaan sya ni Ansthasiah.

Casanova's Tale 1: The Meeting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon