Banat 1

43 2 0
                                    

"MARISSA!!!!!!!" Biglang napadilat ang aking magaganda at bilogang itim na mga mata.

Isa kasing malakas na sigaw ang gumimbal sa aking pananahimik. Nanggaling ang sigaw sa unang palapag ng bahay namin sa labas ng kwarto ko. Hindi two-story ang bahay namin, one-story lang siya na katulad sa kwento ko na nag-iisa lang sa puso nating lahat. Nasa loob ako ng bath tub este sa isang malaking palanggana na nakapatong sa mga malalakas kong upuan kaya ko nasabi na nasa unang palapag nanggaling ang sigaw.

"Nay! Hindi pa nasusunog ang pagmamahal ko sa inyo kaya huwag muna kayo tumawag ng bombero!" Dali-dali na akong bumaba sa aking creative bath tub na pasasalamat ko sa aking creative mind. Nagtampi na ako gamit ang aking makapal na towel na kasya lang sa creative body ko.

"Kanina ka pa naliligo bata ka! Mag-iisang oras ka na diyan at hindi mo pa din nabibili ang sandok na pinapapabili ko sa 'yo." Nakita mismo ng mga matatalas kong mata kung paano magsilabasan ang mga ugat ng Nanay ko sa leeg niya dahil sa kunsomisyon sa kanyang napaka-creative na anak. "Ano nalang ang ipanluluto ko dito?!" Tumatalak pa din ang aking pinakamamahal na Nanay habang ako'y nagbibihis.

Pagkatapos ng 30 minuto na pagbibihis ay lumabas na ako. Naglakad papunta sa kinaroroonan ng Nanay ko, sa tinatawag namin na kitchen. Niyakap ko ang aking Inay mula sa likod niya para kung may balak man siyang pingutin ang napaka-creative kong tenga, eh, hindi niya magagawa.

"Inay kong minamahal." Simula ko sa malambing na boses. "Hindi ko kailanman ninais na ibili kita ng sandok, ibibili lang kita nito kung pati ang puso ko sasandukin mo rin sapagkat ito'y lumulutang sa pagmamahal sa iyo." Kinulong ko din sa yakap ko ang mga braso ni Nanay para hindi niya maabot para kutusan dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya.

Nagpupumiglas si Nanay sa mga yakap ko kaya alam ko na kailangan ko nang umalis bago pa niya mapagpasyahan na patayin ang kanyang bunso sa limang anak nila ni Tatay. Humanap ako nang tamang pagkakataon para tumakbo at makalayo kay Inay.

Ang aking creative mind ay nagkakalkula na kung gaano ako dapat ka bilis kumulas sa pagkakayakap ko sa nanay ko at sa pagtakbo ko papunta sa pintuan namin na hindi naman kalayuan. Isang maliit na bahay lang naman kami nakatira. Merong dalawang kwarto, isa sa akin na nagiisang babaeng anak at ako rin ang pinaka bunso, iyong isa naman ay para sa aking mga magulang. Ang dalawa kong kuya ay natutulog sa tinatawag naming living room at dalawa naman ay nasa saya ng mga asawa nila.

Ito na ang pagkakataon. Binitawan ko na si Nanay at tumakbo papunta sa pintuan tumigil muna ako ng sandali lang saka ko niyuko ang crocs kong tsinelas na binitbit ko nalang at nagpatuloy sa pagtakbo palabas. "MARISSA CARLOTA BANATERA HUWAG KA NA UMUWI NG BAHAY KAILANMAN!" Rinig ko pang sigaw ng Nanay ko. Lumingon ako at nakita kong nasa pintuan na si Nanay at ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa bewan niya.

"I LOVE YOU TOO, INAY! MAMIMISS DIN PO KITA!" Balik kong sigaw sa Nanay ko. Bilbilhan ko nalang siya mamaya ng sampung piraso ng fishball na paborito niya kina Mang Isi sa kanto para patuluyin ako sa bahay pag-uwi ko.

Naglakad nalang ako kasi nakakahingal kapag nagpatuloy pa ako sa pagtakbo na wala naman na may humahabol sa akin. Tumingin-tingin ako sa paligid, wala masyadong tao ang kalsada maliban nalang sa mga ilaw ng tahanan ng mga bahay, nagwawalis kasi sila sa harapan ng bahay nila habang nagchi-chismisan. Sa skwater kami nakatira kaya ganyan ang mga tao. Dito sa skwater namin, eh, madadaanan pa naman ng mga jeep at kung ano pa, hindi siya makipot katulad ng ibang skwater. Itong lugar namin ang pinakamalinis at pinakatahimik sa buong lungsod ng Pasig. Walang gulo dito maliban nalang kung may mga okasyon katulad ng fiesta o chirstmas o new year. Sa katunayan nga ginawaran kami ng certificate dahil doon, narinig ko lang 'yan sa office ng baranggay namin, dati akong tambay doon noong highschool ko at college.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BANATERA (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon