Shane's POV
Wahhh. Late na ko. Si Mama kasi eh. Di ako ginising ng maaga. Yan tuloy. Takbo ako ngayon. Daig ko pa si Flash sa pagmamadali.
* takbo takbo takbo takbo *
Blagggg !!!
Aray.
"Ang sakit" yung ulo ko nakalog ata.
"Pasensiya na hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko."
" Ay. Sorry din. Nagmamadali kase ako eh." Ang bait naman nito.
"Pasensiya pa din. Para makabawi. Ihahatid na kita. Mukang late kana din eh." Kuyang mabait.
"Ay. Thank you. Wag na."
"Sige na. Halika"
"A-ah okey?"Ang bait naman nito. Pero late na talaga ko. Ano naman kayang palusot idadahilan ko ngayon. Hayy. Sa pag iisip ko ng palusot. Di ko napansin nasa tapat na pala kami ng room. Hingang malalim.
"Thank you ulet"
"Ako na magbubukas." Kuyang mabait
"Ah" speechless ako.
"Mam. Sorry she's late. Its my fault. Nabunggo ko po siya."paliwanag niya
"Oh Tristan. Its okey. Ms. Delas Salas you may take your seat"Whoah. Nakaligtas ako dun ah. Thanks to Kuyang mabait slash Tristan sabi ni Mam. Kilala ba yun dito sa school? Parang di ko naman napapansin. Bahala na nga.
--
Break time na.
"Huyy. Ikaw ha? May pahatid hatid ka pa. Si Tristan pa." Tina
"Kilala mo din si Kuyang maba- este Tristan pala?"Nagtataka ako pati si Tina kilala siya?
"Baliw. Transferee yun. Kilala nga yung ng halos lahat dahil mabait na pogi pa." Sabi ni Tina na parang kinikilig kilig pa.
"So nakalimutan mo na yung walang kuwentamg Troy na yun at kinilig ka diyan?" Ako.
"Loka. Hindi no. Kay Troy lang ako. Di kita inaagawan. Girl. Baka ito na yung boylet para sayo. Para makain mo yung mga pangaral mo saken" tsss.
"Hoy. Wala akong balak intindihin yang pinagsasabi mo dahil una sa lahat ayoko at pangalawa, gutom na ko. Kain na tayo. Tara sa cafeteria."
"Owkey."Loka loka talaga tong babaeng to.
--Cafeteria
Ang daming tao. San naman kaya kami uupo nito. Si Tina kasi eh. Daldal pa ng daldal. Naubusan tuloy ng upuan.
Ayun may isa pang table.
"Tina. Tara na dun."Sarap talaga kumain.
"Hi girls. Pwede ba makishare ng table? Wala na kong maupuan eh."Tristan.
Ahm. Tutal niligtas niya ko kanina.
"Sige." Sabi ko. Para namang may mali sa sinabi ko at kung maka ngiti tong si Tina kala mo mamamatay na.
"By the way. Di ako nakapagpakilala sayo. Ako si Tristan Valdez. Transferee." Sabay lahad ng kamay.
" Thank you kanina. Im Liana Shane Delas Salas"
*Shake hands*Kung makangiti na naman tong si Tina kala mo nakakita ng pera. Kumikinang ang mata eh.
Habang nagkukwentuhan sila tungkol sa buhay KO. Oo. Buhay ko ang pinag uusapan nila. Kinukwento ni Tina kung gaano daw kaboring ang buhay kong walang love. Puro tawa at ngiti lang naman ang response ni Tristan. Kakain nalang ako dito.
"Shane. Totoo ba sinasabi ni Tina? Wala ka bang nagiging boyfriend?" Tristan
"Ah. Oo. At wala rin akong balak magkaroon." Ako
"Bakit naman?" Tristan
"Wala lang"Puro ganun lang tanong. Tss. Walang kuwenta. Hanggang matapos ang break time yun pa din ang topic nila. Hanggang nagpalitan na ata ng numbers. Ewan.
Pagkatapos non. Balik classroom.
Teacher: Okey Class. We will have bla bla bla bla bla.Wala na ko maintindihan. Gusto ko na umuwe. Buti nalang friday na. Gusto ko magpahinga.
-- Ringggggg!!!!!
Whoo. Uwian na. Gusto ko nang makasama ang kama ko.
"Tina. Tara na."
"Sige. Una kana Shane. May gagawin pa ako eh"Tss. Hihintayin niya lang yung Troy na yun eh. Hayy. Martir.
"Okey. Bye."
Di ko talaga maintindihan yung babaeng yun. Nagpapaka ewan sa taong di naman siya pinapahalagahan.
"Hi. Anong iniisip mo? Mukhang malalim ah?" Tristan
"Oh. Ikaw pala. Wala naman. Bakit ba may mga taong martir?" Ako
"Sino?" Tristan
"Si Tina kasi eh. Niloloko na siya ng Troy na yun. Ayaw pa din iwanan" Di ko alam kung bakit ko sinasabi sakanya to. Gusto ko lang kasing malaman.
"Ah. I see. Alam mo. Nagmamahal lang si Tina. Sabi nga nila love is blind." Tinignan ko lang siya at hinintay yung sasabihin niya.
"Minsan nabubulag na tayo na hindi na natin alam ang tama sa mali. Ang tunay sa hindi. Nagmamahal lang siya ng todo. Kaya kahit nasasaktan siya ayos lang kase pag nakakasama o nakikita niya yung taong mahal niya nawawala ang saket. Nagiging masaya siya. Ganun yun. Pagmamahal. Lahat pwede maramdaman."Natulala ako sa sinabi niya. Siguro nga tama siya. Love is blind.
"Sige na. Tama na yang pag iisip mo. Bye. Ingat."Nanatili lang akong nakatayo hanggang makalayo si Tristan. Hayy. I want my bed now.
----
Please support. Thank you very much.

BINABASA MO ANG
This Time
RandomMinsan natatanong natin sa sarili natin. Kelan ko kaya makikita at makikilala ang para sa akin? Kelan ko kaya mararamdaman ang magmahal at mahalin din? Aasa nalang ba ako na balang araw dadating ang taong yun? O aasa nalang ako sa wala? Kelan kaya...