Chapter 5

330 12 0
                                    

Sa bawat oras na lumilipas na nawawala si Snow ay mas lalo lamang lumalakas ang pintig ng puso ko, nangangamba ako, nanginginig ang mga kamay ko, mga pawis na namumuo sa noo ko, dinilaan ko ang aking nanginginig labi dahil sa kabang nadarama.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil sa takot, hindi na ngayon si Snow ang nawawala kung hindi ay pati na si Frost, hindi ko ito naabutan dahil sa bilis nitong tumakbo sa kung saang lugar.

Pinunasan ko ang luha ko, kailangan kong magpakatatag, hinarap ko si Winter na kalmado lamang na nakatitig sa isang shop malapit dito, kumunot ang noo ko.

"Baby, are you ok? Don't worry, mahahanap din natin si Baby Snow ok?" Saad ko upang gumaan ang loob nito ngunit tila ba ay para sa akin iyon dahil sa nararamdaman ko.

Umupo kami sa isang malapit na bench, patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko dahil baka ay hindi ko na mahanap ang anak ko.

Tumingin sa akin si Winter ngunit hindi ako nginitian, lumapit ito sa akin saka pinunasa ang luha ko.

"Don't cry mom, I think kuya Frost already found Baby Snow." Nagtataka man ay nilingon ko ang lugar kung saan nakatingin si Winter kani-kanina lang.

Doon napahinga ako ng malalim ng makita sina Snow at Frost na mgakahawak ang kamay habang naglalakad...

NAndito pa rin kami sa Ice cream parlor shop, kung saan patuloy pa ring kumakain si Snow sa Ice cream nito.

Pinakatitigan ko ang batang ito at hindi maiwasang lumipad ang aking isipan sa twing nakikita ko ang kanyang mukha.

Kanina ng matapos na itong magpakilala sa kanya ay tumatak sa isipan nya ang apelyido nitong Fernandez, malaki rin ang hawig nito kay Freeze na syang nakadagdag sa pagtataka ko, ilang minuto pa lamang akong nakatitig ay nagulat ako ng bumukas ang pintuan ng Ice cream shop, pumasok roon ang isang batang lalaki.

Hindi ako nagulat sa kung ano man ngunit dahil sa itsura ng batang lalaki, tila ba ay nakita ko ang aking sarili sa isang salamin, tumitig ito sa akin.

Tila ba ay nakaramdam ito sa aking paninitig kung kaya ay gumanti rin ito ng titig sa akin.

Nagtataka namang tumingin sa akin Snow, ng makitang nakatulala ako sa likod nito ay tuluyan na rin itong tumalikod sa akin at humarap sa likod nito.

Nagulat ako ng sigaw ito at tumalon mula sa upuan nito at tumakbo patungo sa batang lalaki na nakatitig pa rin sa akin.

"Kuya Frost!" Masigla nitong saad saka nagpakarga sa batang lalaki habang nakayakap.

Ngunit mas lalo kong ikinagulat ang tinawag nito sa akin...

"Daddy..." wika nito na syang ikinatulala ko.

Natulala ako sa gulat ng sabihin ng batang lalaki ang mga katagang iyon, ng makita nito ang aking gulat ay nag iwas ito ng tingin saka kinuha si at mabilis na umalis.

Napabalik ako sa wisyo ng makitang dali dali itong umalis palabas ng Ice cream shop habang dala dala si Snow.

Pinakatitigan ko ang dalawang bata na mabilis ang lakad palayo sa lugar kung saan naroon ako, muling lumingon sa akin ang batang lalaki na gamit ang malamig nitong titig.

Nilapitan ako ng waitress sa table ko na dahilan ng pagkakawala ng titig ko sa mga bata, iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang mga batang iyon at tuluyan ng umalis sa lugar matapos magbayad.

'May kalook a like ata ako...'

NAkahinga ako ng maluwag ng kami ay nakarating na sa bahay at nakauwi, dito kami pansamatalang naninirahan kasama si mama, mula ng umuwi kami galing sa Cebu.

Wife's Decisions Where stories live. Discover now