Umaga na, napatingin ako sa bubong at napabuntong hininga. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at itinupi ang kumot at banig na ginamit ko.
"Ernesto naman, ano bang balak mong gawin samin? Wala ka na namang trabaho?"
Dinig ko mula sa labas ang pagtatalo ni aling Martha at Mang Ernesto.
Mukhang nawalan ito ng trabaho."Sawang sawa na ako Martha! Ikaw ang lumagay sa posisyon ko!"
Napahinto sila sa pagtatalo ng hinawi ko ang kurtina ng aking maliit na kwarto.
Dumeretso lang ako sa mesa at tahimik na kumain ng almusal. Ramdam ko na pareho silang nakatitig saakin.
"Kanina ka pa ba gising Rica?" Tanong ni Aling Martha.
"Sige po, Mag-away lang kayo, kakain kang ako dito" Sagot ko. Para Naman silang nahiya at lumabas sa likod bahay si Mang Ernesto. Sinundan Naman siya ni Aling Martha.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako dahil may pupuntahan pa ako.
Paglabas ko ng bahay, para parin akong nasa loob ng bahay. May nag-aaway, naglalaba sa unang kanto, nagsusugal sa harap ng bahay, mga nagkukwentuhan sa mga tindahan.
"T*ng*na mo Raul! Muntik mo na akong mahagip sa bike mo! Tumingin ka nga sa daan!" Mabilis na akong lumakad. Normal na to sa pang-araw araw naming pamumuhay.
Pumara na ako ng jeep paglabas ko sa kanto. Mabilis naman ang pagdating ng jeep.
Dinamdam ko ang hanging na nagmumula sa maliit na bintana ng jeep. Umaga palang ay punuan na.
Napatingin ako wrist watch ko. Hindi pa naman ako late sa pupuntahan ko. Sana lang ay may magandang kapupuntahan ang araw ko ngayon.
Sa kabilang Banda.....
"Kailangan mo siyang mahanap, sa lalong madaling panahon" pagmamakaawa saamin ng matanda. Napaubo pa siya dahil sa kanyang pagsasalita kaya mabilis na lumapit sakanya ang private nurse nito.
"Papa, Matagal ng patay si Anastasia, Alam nating lahat yan. Kaya bakit mo pa ibibigay ang oras mo sa patay na dapat sa mga ibang apo mo inilalaan." Suwestyon ni Auntie Laura, Nandito kami ngayon sa kwarto ni Master Dutch. Pinatawag Niya kaming lahat, akala ko nga ay napano na siya.
"Laura, ang mga apo ko dito ay nakita Kong lumaki, naigugol ko ang mahabang oras sakanila. Panahon na siguro para si Anastasia naman. Naniniwala akong buhay pa siya" Nanghihina na ang matanda. Pero pinipilit padin magsalita.
"After what her mother did? It's not our fault kung ano man ang nangyare sakanya" Malditang sabat ni Mikaella. Kaya pinanlakihan siya ng mata ni Auntie Laura.
"Wala siyang kasalanan sa mga nagawa ng magulang niya. I want her back here as soon as possible." Sabay tingin nito saakin. Alam ko Naman na ako at ang dalawa Niya pang Apo na lalake ang inaasahan niya tungkol dito.
"Will you excuse us Papa? May pag uusapan lang kami ni Mikaella" Nagmamadali silang lumabas sa malaking pintuan ng kwarto.
"Alfred, Ricky and Pablo, I want my grandchild to come back here, after 20 years of her life, gusto kong bumawi sakanya sa natitirang oras ng buhay ko" makuha luhang Saad ni Master Dutch.
"Lo, Makakaasa ka samin" maikling sagot ni Pablo
"Yes master, just let us know when to start. We will bring her back here." Pag sang ayon ni Ricky. Napatingin silang tatlo saakin na para bang naghihintay ng sagot.
"Of course, I will do everything, Makakabalik po siya dito."
Kahit nasaan ka man Anastasia. Hahanapin kita.
BINABASA MO ANG
UNTOUCHED HEIRESS
Romantik"Sometimes you don't know who you can and cannot trust" UNTOUCHED HEIRESS Date started: January, 26, 2020 Written by: Jhelila Cayanan