chapter 1

7 0 0
                                    

"Zea, Break na tayo" sabi ni Ace habang nakayuko sa harapan ko.

"H-h-uh-h?" nauutal ako, hindi ko alam anong sasabihin ko.

Wala naman akong ginawang mali, Ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya. Di pa ba yun sapat?

"Zea, I'm sorry"

Tumalikod ito at lumakad saakin ng palayo. Ganun nalang ba? iiwan lang ako ng ganun? Gusto ko pa siya makasama, Mahal ko siya ng sobra. Please naman Ace. Ace! Ace!

"Aaaaaceeee"

Bigla akong napasigaw na hindi ko alam nakatayo na pala ako sa inuupoan ko at nasa loob pa ako ng klase.

"Miss Conard, natutulog ka nanaman sa klase ko?"

Aaahhh nakakahiya, nakatingin lahat ng mga kaklase ko. Sa lahat na pwede ko maging bangungot ba't yun pa?

"Pumunta ka sa Principal's office ngayon na"

Sumbat ng guro namin sa Filipino. Eh pano naman ako di makatulog parang lullaby ang kanyag boses pagnaglelesson.

"Opo ma'am, sorry po" tinignan ko siya at ngumiti

"Pangiti ngiti ka pa, Labas na"

Nakataas yung kilay ni Ma'am Alfonso at nakapoint yung stick niya saakin

"hehehe opo, bye po"

Tinuloy niya na ang paglelesson at lumisan na ako sa klase.

Lagot nanaman ako neto kay tita, juuuusko ilang punta na ako sa kanya. Tatlo? Hmmm apat ata? Hindi eh parang Lima? Aahhh anim. Bat kasi yun pa.

"oy Zea!"

Parang kilala ko yun ah

"ZEAAAA!"

Tumalikod ako at yun nga si Trixie, yung bestfriend ko na palagi kong kasama parati papuntang Principal's office. Di ko alam kung ano ang ginagawa niya sa klase niya na palagi siyang pinapunta.

"oh? Ano nanaman dahilan mo?"

Nakakailang tanong ko nato sakanya, noon pa at nakakaamaze kasi iba't iba yung mga dahilan niya.

"Wala, nasesense ko lang na pupunta ka ng Principal's office kaya lumisan din ako ng klase"

Maypagkaweird din itong si Trixie kahit ganyan siya. Bestfriend ko parin siya.

"aber aber"

"Huwag ka na diyan, Dailla alam namin na pupunta ka din ng Principal's office dahil makikain"

Ang weird talaga ni Trixie, Di ko nga alam na sinundan pala kami ni Dailla sa likod. Parang may super powers.

"A-a-a-anong m-makikain, hindi n-noh. Gusto ko lang k-k-kayo makasama. Bawal b-ba?"


Makikain nga Isip ko


Makikain talaga Isip ni Trixie

"Oo na, halika na kayo"

Sabay sabay na kaming papuntang Principal's office. Matagal na din kami dito sa Vix University parang dito na din kami lumaki since kindergarten pa.

"Zeanna Keyt Conard, Ano nanaman ang ginawa mo ba't ka nandito sa office ko?"

Tanong ng Tita ko, este ng Principal habang nag aayos ng libro sa bookshelf niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon