~PROLOGUE~
"Inside the fire"
By: Haring BinataNOTE: ERRORS AHEAD!
(Kamasig Comprehensive High School, 7:36 am, June 8, 2020, Monday, Sunny day)
"Bagong school nanaman" reklamo ni Thanos habang naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa kanyang bagong eskwelahan.
Actually, 7th school na niya ito na palipat lipat dahil lagi siyang nasasangkot sa mga away at gulo.
He is a gangster, kahit ang nanay niya ay halos mamatay sa pagsigaw araw-araw sa kanya.
/Broooom!!!! Brooom!!!!!/ Mga umalingawngaw na tunog ng mga motor.
"Ha?" pagtataka ni Thanos ng lampasan siya ng dalawang lalaking naka motor.
Huminto ang mga ito sa harap niya at bumaba sa kanilang mga motor at kumuha ng mga bakal na tubo.
Nakilanlan agad ito ni Thanos sapagkat nakalaban na niya ang mga ito dati pa.
"Thanos!" pangutyang sigaw ng isang matangkad na lalake na nasa 6'2 ang taas at matipuno, pati na rin ang kasama nitong halos kasing tangkad niya.
Pero si Thanos ay matangkad din, nasa 6'00 ft. at maskulado ang katawan, sanay at batak kase sa trabaho doon sa palengke bilang kargador at taga sibak ng kahoy sa mga ulingan kapag nasa probinsiya tuwing isasama siya ng kanyang amo.
Huminto si Thanos at nilapag ang bag sa lupa kasunod ang paghubad niya ng puting school uniform.
"Wala kayong ka dala dala mga unghang!" ngumisi lang si Thanos sa kanila at makikita sa mukha niya na hindi siya nasisindak.
"Wala talaga hangga't hindi ka namin nalulumpo!"
Tumakbo pa atake ang isang siga at tinaas ang tubo nito na handa sa pagpalo."Tsk tsk"
Nanatili lang si Thanos sa puwesto niya.
"Hetong sayo!!!!!"
/Waak!!!/
Nakailag si Thanos sa unang hampas pero patuloy pa rin ang kalaban niya sa paghampas at pinuntirya niya ang ulo.
"Hay nako!"
Ilang beses nakaiwas si Thanos sa paghampas sa bawat parte ng katawan niya.
"Tang ina!!!! hu... hu... hu.."
Hingal ng kalaban at nangalay na ang mga braso sa kakahampas ngunit walang tinamaan.
"Yan lang ba? tsch!"
Dinuraan ni Thanos ang mga paa ng kalaban na nasa harap niya.
"Tang ina mo Thanos!!!!"
Humampas ulit siya ngunit dinakma ni Thanos ang tubo. Hinugot ng kalaban niya ang tubo ngunit malakas si Thanos at hirap na hirap siyang bawiin sa mga kamay ni Thanos ang sandata niya.
"Akin to Thanos!!!"
"Edi solohin mo!!!!!!"
/Baaaakkkk!!!!!/
"Agghhhhhkkk!!!!!!!"
Daing ng kalaban niya at natumba sa lupa matapos sipain ng malakas ni Thanos ang tiyan niya, ngayon ay namimilipit sa sobrang sakit. Gumulong sa kinatatayuan ni Thanos ang tubo at pinulot niya ito.
"Aaahhhhhh!!! walang hiya ka!"
Sigaw ng isang kasama nito na nasa malayong distansiya.
"Come here doggy"
BINABASA MO ANG
WAIT AND BLEED (ACTION)
ActionNo retreat, No surrender. Such a high walls to Climb.