ako si Lyra at nag karoon ako ng crush sa kaklase kong si Sol. Siya yung tipong ideal guy mo, mabait na medj may minsan pagkabad boy, palabiro, kalog, matalino, gwapo, magaling sa lahat ng gawain basta yon hehe. Close kami ni Sol, sa totoo nga ih ako lang ang kinakausap niyang babae. Kahit na sobrang close kami hindi ako naamin sa kanya. Two years ko na siyang crush at parang may pa fan club na bang nagaganap dahil school crush siya. Madami siya naging jowa simula pa nung 1st yr high school kami, saksi ako sa lahat ng pinag effortan non at syempre nagseselos crush ko siya ih at nung humakbang kami ng 4th yr highschool kinagulat ko nung tinanong niya ako kung pede siyang manligaw, like ako? Liligawan ng heart troub ng school??!! Oemji??! Umo-o naman ako. After 8 months ng panliligaw niya sinagot ko na siya. Nag tagal kami ng 1 yr dahil nalaman kong may iba pa pala siyang babae, nakipag break ako. Nawala na pagiging close namin pero umaasa parin ako na baka bumalik siya kahit na alam kong hindi na..
-3 years later-
Nasa mall ako ng may humigit sa kamay ko habang naka talikod ako "Lyra??", ang pamilyar ng boses pagkatinggin ko sa nakahawak ng kamay ko si Sol pala yon. Walang kupas ang kagwapuhan niya, "aba hello sol, musta na?" Wika ko sa kanya "ayos lang ikaw ba?" Tanong niya pabalik, "ayos lang din" "tara coffee?" "Sige"
Nag coffee kami at umuwi na kami
-Sol's POV-
Wow d ko ineexpect na makikita ko ulit siya, tangina ang ganda niya, siya parin ideal girl ko.
--nag simula akong mag plano ng reunion ng batch namin para makasama ko siya, pag katapos kong mag plano nag tanong na ako sa mga kabatch namin at lahat sila ay pumayag na gawin ito.
-reunion-
-Lyra's POV-
Miss ko na mga kabatch ko hehe, tamang swimming, kain pati laro
3 oras na akong nakikisama sa iba at pagod na ako
Tumayo ako at pumunta sa may hallway ng may biglaang yumapos saking likuran
"Lyra? I missed you" -Sol
"namiss rin kita"
"Lyra can I have you back? could u be my girlfriend again? I was dumb for entertaining another girl while we were still a thing"
"Sol, pasensya ka na at di ko na rin madama" "tagal kitang hinihintay, napagod na akong umasa" nag tutubig na mata ni Lyra habang naiyak na si Sol
"Pasensya ka na kaya ko ng mag-isa" sabay alis ni Lyra sa yapos ni Sol
"D ko na kailangan mga kamay mo malaya na ako" ngumiti ako kay Sol at pinunas ang luha, pumasok na ako sa kwarto ko at napaiyak nalang ako
bakit kasi kailangan pa ulit kitang makita? makamove on na ako for God's sake. Ayaw ko ng bumalik masaya na ako ngayon, hindi ko na siya kailangan maxado na akong nasaktan sa kanya noon.
-Sol's pov-
Tanga tanga ko kasi huli na ang lahat bago ko sabihin sa kanya na mahal ko parin siya.
Hindi ko na mapipilit, wala ng babalikan. Ang liwanag niyang nakakaakit, ayaw na niya masaktan, ayaw ko na siyang saktan!!
Natulog na ako
-Kinaumagahan-
"Goodmorning Lyra"
"Morning"
"Lyra" sabay yakap ko sa kanya "nakikiusap ako sayo"
"Wag naman ngayon Sol agang aga"
"Patawarin mo lang ako please" "ramdam ko ang galit mo dahil sa kagaguhan kong nagawa sayo noon"
"Di ba ikaw na rin nag-sabi, tapos na ang lahat!!"
"Lyra, wala akong sinasabing ganon"
"Sol, sinabi mo, sinabi mo noong nag kita tayo, noong nahingi ako ng closure, sabi mo, uunahin mo muna sarili mo, makuha mo lang ang sapat" paiyak niyang sabi-- "na wag sana ako mag tampo, mas mabuti kung ikaw ay lalayo"
"Sol putangina, ang tagal tagal kong hinintay na bumalik ka! Tas kung kelan ka babalik kung kelan wala na akong nararamdaman sayo, tangina Sol 3 years Sol!! 3 fucking years" katapos niyang sabihin to tumakbo na siya palabas, hindi ko na siya naabutan
"LYRAAA!! Tingnan mo dinadaanan mo!!" Sigaw ko sa kanya ngunit lumingoy siya sakin at lalo ng hindi tumingin sa daan ng biglaan siyang nasagasaan
-Lyra's POV-
nagising akong nasa ospital
"Anong nangyari?"
"Nasagasaan ka, buti nalang wala maxadong nangyari sa iyo" sabi ng nanay ko
--huli kong tanda sa pangyayari ay hinahabol ako ni Sol tas d ko na alam sunod na nangyari
" 'nay nasan po si Sol?"
"Nasa labas iha"
"Pede nyo po ba siya tawagin?"
Lumabas si nanay at pumasok si Sol, naiwan kaming dalwa sa kwarto. Kitang kita sa expresyon niya na nag aalala siya at iyak siya ng iyak
"tahan na, ok na naman ako ih buhay parin ako" sabi ko sa kanya
"Oo nga pero hindi ka mag kakaganyan kung hindi ko yun ginawa"
"Okay lang yun Sol, pinapatawad na kita sa lahat :)) mag pahinga ka na rin"
Ngumiti na lamang siya at hinalkan ako sa noo tsaka umalis ng kwarto, pagkaalis niya ng kwarto napapaluha na ako tsaka naman pumasok si nanay
" oh ano nangyari sa inyo?" Tanong niya sa akin
"Wala 'nay" ngumiti na lamang ako at natulog muli
Paunti unti akong gumagaling at napapadalas na din ang pagpunta ni Sol. Hindi nag tagal ay naging malapit na ulit kami sa isa't isa tulad ng dati ngunit ngayon wala ng nararamdaman. Nag kapamilya na siya ng kanya pati na rin ako at dun na mag tatapos ang storya namin
The end
=============================================
sana may mag basa hehe masaet yata? d ko sure HAHAHSHHSH
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Di Tinadhana
Короткий рассказone shot story tagalog, mapanaket mga pre Author: -follow me for more oneshot stories, leave your suggestions in the comments