Chapter II

784 25 2
                                    

Pa dabog kung isinara ang pinto ng sasakyan ng makababa ako.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ni Yaya Belinda ng maka salubong ko siya sa pintuan namin.

Mukha bang akong okay? Hanggang ngayon pikon na pikon ako sa ginawa ng Edward na 'yon sakin!

"Yeahh obvious ba?" Sarkatiko kong tanong sa kanya at marahas na binuksan ang double door kung kaya't mabilis siyang gumilid sa dinadaanan ko.

"Ano kayang nangyari kay Selene?"

"Bakit maiinit ang ulo ni Ma'am?"

Hanggang dito sa bahay ay hindi na tatapos ang bulungan ng mga tao tungkol sakin na lalong ikinaiinit ng ulo ko.

Mabilis akong umakyat sa hagdan para mag tungo sa kwarto nila mommy at ng mapunta sa tapat nito ay walang pag aalinlangan ko itong binuksan.

"What is your problem Selene?!" Iritang tanong ni mommy na ngayon ay bakas sa mukha ang inis habang naka upo sa swivel chair ng working table niya.

Well parehas ang inis na nararamdaman namin ngayon.

"You're my problem!" Sigaw ko sa kanya na ikinatigil niya.

Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya at umayos ng upo "Dahil ba 'to sa nangyari kanina?" Tinatanong pa ba yan?!

May iba pa ba akong dapat na ikagalit?

"Bakit iniisip mo ba na pupunta ako dito para mag pa salamat sa ginawa mo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Yeah because I just got you a good tu---"

"I don't fucking care mom! I don't need a good tutor! Kaya pwede bang bawiin mo nalang ang pagiging tutor niya sakin at pumili ka nalang ng iba!" Umaalingawngaw sa buong silid ang boses ko.

Well I'm really pissed right now!

"You're being disrespectful to me Selene." Seryosong sabi niya na ikinangisi ko.

"You tought me to be like this, remember?" seryoso kong sabi kung kaya't mabilis niyang kinalampag ang mesa niya.

Bakas sa mukha niya ang galit sakin, the feeling is mutual.

Ngayon alam niya na kung ano ang na raramdaman ko.

"I'm doing what's best for you! don't you understand that? Selene since you're kid me and your father always sacrifice everything f---"

"Shut up mom!" Putol ko sa sinasabi niya.

I'm tired of listening to her dramas!

Mukhang wala akong mapapala sa kanya, kung patuloy pa akong makikipag sagutan, siguradong inadadaan niya na naman ako sa drama niya.

"Fine! Panalo kana pero hindi mo masisiguradong mag tatagal siya sakin.." seryoso kong sabi sa kanya at akmang lalabas na sa kwarto niya.

Bumuntong hininga ako at mariin na ikinuyom ang kamay ko bago muling bumaling sa kanya.

"You didn't sacrifice anything mom, baka nakakalimutan mo.." seryoso kong sabi at muling lumakad pa labas ng kwarto niya.

Bata palang ako ay hindi na naging magandang ang relasyon ko sa mommy at daddy ko.

Akala nila lahat ng ginagawa nila ay para sa ikabubuti ko, kahit hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako patuloy parin silang nag dedesisyon para sakin.

Naka kulong sila sa kaisipang bata pa ako at hindi ko parin kaya ang sarili ko.

Nang makapasok sa kwarto ay agad akong nag tungo sa cabinet at binuksan ito para kunin ang natago kong pera.

My Pervert Tutor (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon