Dear Diary,
Alam kong wala akong karapatan patawarin si Leandro, dahil hindi naman ako ang totoong Carmelita na babaeng mahal niya.
Pero wala din akong karapatan ipagdamot sakaniya ang karapatang maging maligaya.
Siguro nga tama si Maria... dapat kong bigyan ng pagkakataon si Leandro, para kahit hindi man masuklian ni Juanito ang pagmamahal ni Carmelita sa kaniya...Nandiyan parin si Leandro na handang magmahal sakaniya ng totoo.
Nagmamalasakit,
Carmela