Ngumuso ako nang agad niya itong kinalas.
"Magandang umaga? Hindi mo ba alam kung anong oras na, Sherielle?" Usal nito. Umiling ako. "Alas-dose!" Halos lumuwa ang aking mata. Alas dose?!
Pinuntahan ko ang bintana at hinawi ang kurtina. Tirik na tirik na ang araw. Hindi siya nagsisinungaling.
"Oo. ALAS-DOSE NA NG TANGHALI AT IKAW'NG GAGA KA, NGAYON LANG NAGISING!"
"Pasensya na Nay." Tanging naiusal ko dahil naisip ko nanaman ang panaginip na kung umasta ay masugid na manliligaw. Persistent at consistent, beh. Pero sa totoo lang, ha, habang dumarami ang araw na nauulit ang parehong sinaryo ay hindi ko na mapigilang mag-alala lalo na't parang totoong totoo. Pakiramdam ko'y pamilyar sa akin at talagang nandoon ako.
Ganito talaga siguro pag masyadong ma-pantasya.
"Kaya nga may dalawang buwang pahinga sa klase, para makatulong kayo sa mga magulang niyo, hindi para matulog ng hanggang alas-bwisit-na-dose!" Hindi pa pala tapos. May bala pa ang machine gun. Hinayaan ko lang si ina sa kaniyang sermon. Naiintindihan ko dahil napapadalas na ang pag-gising ko ng tanghali bagaman'y ngayon ang pinakamalala. Bakit kasi inabot ng alas dose, Sherielle.
"Dapat nga mas responsable ka ngayon dahil nariyan ang edukasyong nagtu-turo ng maraming bagay. Hindi...
Nalunod ang kaniyang mga sermon nang ipikit ko ang aking mata dahil sa kumirot na sentido. Isa pa 'to. Palagian na rin ang pag-sakit. Siguro dahil sa sobrang tulog. Hay.
"Aray!"
"At talagang napipikit ka pa! Kulang pa ang hanggang alas-dose? Nako talaga. Maaga akong mamamatay dahil sa'yo, Sherielle." Ani niya habang hawak ang walis tingting na siyang kalalatay lang sa akin. "Kumilos ka na! Baka nakalimutan mong tutulak pa tayo pa-merkado para maglako!" Kung bulkan lang siya'y siguradong puno na ng abo ang buong bahay.
"O-opo. Opo inay." Usal ko at hinimas ang namanhid na puwetan. "Sakit. Galet na galet, mam?" Mahina kong sabi.
"Ano, ano, may binubulong ka? Sumasagot ka na?!" Baling niya.
"Wala po! Hindi po." Agap ko kasabay ng mabibilis na iling. "Bihis lang po ako saglit." Wala nang ligo ligo ay nagpalit ako ng damit; isang luma at ordinaryong t-shirt na pinartneran ng abot-paang sayal. Mabilis kong tinirintas ang mahabang buhok at ibinuhol ang dulo dahil walang tali.
Nang makalabas ay lumapit ako sa banggera kung nasaan ang mga nakabalot na tuyo at nagsimulang maglagay sa bilao. Pagkatapos ay nauna nang naglakad palabas.
"Saglit lang, ito pa!" Sigaw ng inay bago pa man ako umabot sa pintuan. Kinuha nito ang sitaw na sapat na nakahanay para sa presyong tig-sampu at inilagay sa bilao.
"Sana maubos." Umaasa niyang bulong.
Ngumiti ako. "Huwag po kayong maga-alala, hindi ako uuwi hanggat hindi nauubos ang lahat ng nakalagay dito."
Huminga lamang siya ng malalim at tumango bago bumalik sa lamesa upang kunin ang kaniyang basket na naglalaman ng malulusog na kalabasa, kamatis, sibuyas, luya at bawang na lahat ay pinag-hirapan niyang itanim sa maliit naming bakuran.
"Hoy, Lusia! Grabe ka naman talaga oo. Ang lalaki nanaman ng sibuyas mo!" Salubong ng matalik na kaibigan ni inay na kapwa niya rin manlalako habang titig na titig sa kaniyang dala. "Ano ba talagang meron diyan sa lupa mo't ang lulusog lagi ng mga pananim?" Dagdag pa nito.
"Nay, maglalakad lakad ako ha," paalam ko "doon ako banda." Tinuro ko ang lugar kung saan kumpol ang mga tao. Tinanguan niya lang ako at naupo na sa tabi ni Aling Maring na ngayoy may chinichismis na sa kaniya.
YOU ARE READING
Kingdom Naegleria
FantasyAko si Sherielle. I live a normal and simple life at the feet of the mountain. At times, I'd ponder how it feels to be among the Royalties. How it feels to breathe the air of luxury - no, no, don't get me wrong. Kontento ako sa buhay. Hindi lang tal...