"Alis nga! Ang haharot nyo! Maghihiwalay din naman kayo!"Talaga naman tong si Chasty. Walang paawa kahit mga high school na bata pinapatulan! Ganun ba talaga pag bitter?! Tsk tsk. Yan tuloy umalis nalang ang dalawang magshota na kanina ay sobrang sweet na nag HHWWPSSP sa daan.
Mwuahaha. Tama yan! Maghiwalay na kayo ang papanget nyo! Pwe! Bulong niya sa isip niya. Tsk tsk. Dakilang inggetera talaga to!
Dont get her wrong. Tulad ng ibang bitter na pakalat kalat sa mundo, nasaktan din ito kaya nagkaganyan sya.
"Oh kailangan mo?" mataray na sagot niya sa cp niya. Aba tumatawag na pala ngayon ang cp? Loka loka din tong isang to eh!
"B-bes-s. W-wala n-na k-kami Waaaahh!!"
Napapikit naman si Chas habang inilayo sa tenga niya ang cp niya. Isa din tong kaibigan niya eh. Makasigaw sa telepono akala niya d naririnig. Tss
Huminga muna ng malalim si Chas saka nagsalita.
"Sabi sayo bes eh. Ayaw mo kasi makinig sakin. Sinagot mo pa yang gago na yan. 3 mos lang naman kayang ibigay. Ganyan talaga bes." Eto na eto na favorite linya ng isang bitter na babae. "Wala talagang forever."
Embes na tumahan ang nasa kabilang linya ay mas lalong umiyak pa to. Aba kung ikaw kaya sabihan ng walang forever habang umiiyak dahil sa nag hiwlay kayo ng syota mo, matutuwa ka ba?
"Tumahan ka na nga. Nakakarindi iyak mo sa tenga!"
Ipokreta talaga tong bida natin. Siya na nga tong may kasalanan siya pa ang may ganang magganyan! At hindi pa nakontento binabaan pa talaga ito ng phone! Kaibigan niya ba talaga un? Tsk tsk.
Nagpatuloy sa paglakad sa park si Chasty. Oo mga prends, nasa park sya ngayon ng village nila. Bakit? Aba malay ko sakanya! Joke. Favorite spot niya dito gumawa ng eksena. Like--
"Sus naman talaga! Mga kabataan nga naman ngayon, inuuna ang landi kesa sa pag aaral! Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh ang daming higad na nakakalat!"
Oh shot! Nagsimula na naman ang madaldal na bunganga ng babaeng to!
"Excuse me lang miss, but are you talking to us,?" maarteng tanong ng babaeng nakaupo sa ilalim ng puno (na nakatayo na ngayon) na kasama ang boypren niya.
Humarap sa kanila si Chasty na kanina ay nakasandal sa puno na kung saan nakaupo ang isang higad at shukoy(acc. to Chas). Hindi naman halatang sila ang pinupunto niya diba?
Tinignan muna ni Chasty ang babae mula ulo mukhang paa. Makikita mo talaga sa mukha niya na diring diri sya sa bababe. Bakit? Aba naman kasi halatang nag titipid sa tela mga teh! At halos lumuwa ang pekeng boons neto! Malandi!
"Bakit? Natamaan ba kayo?" nakangiting tanong ni Chasty.
Napataas kilay naman daw tong higad na to. Sponsor ba to ng Nike? Tanong niya sa isip niya. Kasi naman ang kilay ni ate ang taray kulang nalang magmodel sya sa nike. Pwede narin, mukhang paa naman din to eh. Haha dagdag pa neto. Tss ang maldita talaga nito!
"Ano bang problema mo miss?! Pwede ba umalis ka nadito kung ayaw mo magkagulo?!"
Gulo? Bitch please. I love war. Haha . Wala na, baliw na ata to sya.
"Ano?!" sigaw ulit ng babae
Pano ba kasi eh itong bida natin tinignan lang ng nakakaloko ang babae. Akala mo sayang saya sya sa pagpatay neto sa isip niya. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever)
RomanceMeet Chasty, ang babaeng FOREVER bitter na hindi naniniwala sa FOREVER.