Ang totoo nyan magffangirl lang ako kaya ginawa ko to. Hindi ko alam san ko ilalabas tong saya at kilig na to eh. Hahaha! I know kasi naririndi na sila sa kakapost ko sa FB ng tungkol kay Samuel Lawrence!
November 20, 2014
Kumakain kami non ng supper kasama yung dalawa kong ate atsaka yung mom ko ng biglang nagsalita yung ate ko, ang sabi nya "Ay Dey! Nakita ko pala kanina pupunta si Sam sa Rob." syempre na excite ako. Yun lang yung chance ko para makita sya kasi hindi naman ako pinapayagang lumuwas kasi 14 palang ako. Kaya bali first time ko syang makikita dun. So I asked her kung kailan sya darating. Tapos sabi nya hindi daw nya masyadong nakita. Edi habang kumakain tinext ko yung kuya ko. Sabi ko paki tignan yung sa Rob kung kelan nga sya darating. Eh matagal magreply yung kuya eh so I decided na icheck nalang yung fan page ni Sam. So nung nagsscroll ako, sabay na nagtext si kuya ang sabi "Sam Concepcion on Nov.22, 6pm. Baka umiyak ka pa eh" yan yung text nya. Tapos ako nanlamig bigla. Kasi 20 na tapos 22 darating si Samuel, eh wala akong pasok nun so wala akong pera ni piso sa wallet ko. Tapos sakto pa sa 22 wala akong kasama. May pasok ate kong isa tas may OJT yung isa. So ako naman nag emote ako. Umiyak ako nung gabi nun atsaka nung 21. Iyak ako ng iyak kasi yun na nga lang yung time na makikita ko yung Idol ko tapos hindi pa pala matutuloy. Tapos nung 21 ng morning habang naglalaptop ako nakita ko yung ate kong papunta dun sa kung san sya nagoOJT. Nilakasan ko yung loob ko tinanong ko sya kung may OJT sya ng 22. Tapos sabi nya WALA! So ako nabuhayan! As in!
Edi yon, afternoon nun nagbBath ako nagcall si tatay. Tapos dun nagpaalam ako. Pinayagan naman nyako basta wag daw akong hihiwalay kay ate. Edi ako masaya, ag problema nalang ngayon pera! Edi yon, pag uwi ng ate ko galing OJT sabi ko hihiram ako sakanya ng 500 since may 180 akong ipon. Edi pinahiram nyako! Edi okay na.
November 22, 2014
Nagising ako ng 4AM siguro. SOBRANG SAKIT NG ULO KO! As in. Tapos yung feeling ko may kabag ako? So parang kinabahan ako kasi baka anong mangyari. Kaya hindi ko sinabi sa mom ko na may headache ako kasi hindi nyako papayagan pumunta for sure. Edi yon, natuloy kami. 1PM kami umalis ng ate ko. By 2PM andun nakami sa lobby. Wala pang tao, as in wala! Natural 6PM pa yung event. Wala padin chairs, wala lahat, makalat yung stage. Then dahil nga maliit lang yung space, nagtanong kami sa guard kung maglalagay sila ng chairs and kung magbebenta ng Album. Sabi ng guard HINDI! So ako ayun nalungkot, sobra! Inaya ako ng ate ko sa dept store kasi may bibilhin kami don pero nung andun nakami wala nako sa sarili. Gusto kong umiyak kasi iniisip ko na hindi ko man lang sya makikita or hindi man lang ako makakapagpapicture with him. So eto ako lugmok. Tapos dinalian ko, inaya ko na yung ate ko sabi ko mag antay nalang kami dun kahit ilang oras pa. Pumayag naman sya. Tapos may lumapit ng naglilinis tinanong namin kung meron ngang nagbebenta ng Album sabi nya meron, tapos sabi nung isang organizer ata asan daw. Tinuro nung naglilinis yung isang boy isang girl na may hawak na bag. Yung girl may naka sulat sa shirt nya na PhilPop 2014. So pinuntahan namin. AYUN! AKO YUNG FIRST PERSON NA BUMILI NG ALBUM! HAHA! After nun umupo nako sa sahig. Tapos ilang hours pa naglagay na sila ng upuan edi yon, umupo nako mejo malayo nga lang kasi reserve yung mga upuan sa una kasi nga yung mga guest.
5 hours kaming nag antay kasi 6;30 pa lumabas si Sam. Sobrang saya! As in! Kasi sobrang malapitan ko syang nakita. Yung 3 times kaming nagshake hands! Hahah. Tapos nung nang hahug sya, mahahug na sana ako nun kaso humarang yung mga guard! Hahah! Pero okay lang. Tapos lagi syang nag tThumbs up. Dun sa kung saan ako/kami. Syempre dakilang assumera ako kaya mag aasume ako na sakin sya nag Thumbs Up! Hahahah!
Tapos lagi syang nagssmile! OMG! Natutunaw ako, tapos ako lang yung may hawak nun na Album tapos tinataas ko. Sa sobrang kilig ko syempre, then after nyang maperform ang sabi nya may nakita daw syang may hawak ng album! OMG!!! HE NOTICED ME!!!!! OMG!!! AS IN!!! PARA AKONG MABABALIW NUN!!! Sabi din ng ate ko ako lang daw ang may hawak nun na album eh!!!
Edi yon, natatawa na yung mga guest sakin kasi parang mababaliw nako. Nakita ko silang naka smile. So nagsmile nalang din ako. Then after non authograph signing na! Ako yung pinaka unang nagpa authograph! Ako yung pinaka una sa line. So pinaakyat na nila ko sa stage, tas nakaupo nadin si Sam! Eh ang kaso, walang pen!! So paglapag ko ng Album ko, tinignan nyako tas nagsmile sya!! Kasi nga walang pen!! AS IN!! JUSQ!! EDI AKO NAMAN NAHIYA!!! Ang gwapo kaya nya no!! Umiwas ako tingin!! Ang baliw koo!! Hahahha! Pero may selfie kami, 3! Hahahaha! Harthart! Edi yon, ate ko naman yung nagpasign! Sumama ulit ako, pinasign ko yung ID ko sakanya, eh binigay ko yung nakatalikod kasi ang pangit ko dun. Hahaha! Para naman hindi nya makita yung kapangitan ko, pero tinignan parin nya!! 2 times nyang inikot ikot yung ID ko!!! (tapos sabi ng ate ko baka daw nagulat sya kasi ako yung lang yung nagpasign ng ID hahah) Kinilig ako ng bongga! Jusme!! Hahahahha!!
Yun, sobrang saya ko! At sana may next time pa :)
P.S 2 times muntik mawala yung album ko
PSS MAHAL NA MAHAL KO SI SAMUEL LAWRENCE LOPEZ CONCEPCION!!
PSSS SYA YUNG PINAKA UNANG KINABALIWAN KO NG SOBRANG ARTISTANG PILIPINO!!
-MADD #112214 #101792-072100