"goodmorning babe" sabi ni Kaila habang hinahalik-halikan niya ang leeg ko. "tsk, I'm still sleepy" Why does she does this to me everyday? I mean, di niya lang alam dahil sa ginagawa niya may naninigas na sa aking na kung ano. Alam niyo nayun kung ano yun.
"Sleepy mo mukha mo! May classes pa tayo! Kaya dali naaaa!!". Bigla niyang sinipa ang likod ko kaya nahulog ako sa sahig.
"The fuck!!!" sabi ko habang chinicheck kung dumudugo na ang ulo ko. Grabe kaya yung impact ng hulog ko! Una ulo!
"Aba! Are you cussing me? Hoy lalaki ka! pasalamat kang ginising kita! Kapag hindi kita ginising malelate ka at kukulo naman ang dugo ni tita sayo!". Wow. Parang siya pa yung anak ng principal ah.
Palagi kasi akong dinidisiplina ni Kaila para hindi na ako mapapagalitan ni Mama which is technically Principal ng school namin.
"kailangan ba talagang sipain mo ako? Eto na nga oh!! Babangon na!" sabi ko habang tumatayo na sa kama. With matching ikot-ikot pa ng mga mata ko na parang sinong boang.
"Hindi bagay sayo yung maging suplado! Kaya tigilan mo yan! Masusuka lang ako pag tinuloy mo!!". Ano ba nangyayari sa kaniya at ganito siya kasuplada ngayon? Matanong nga..
"Kai!!"
"Hmmm??" sagot niya habang inaayos yung buhok niya.
"Me-meron.." bakit ba ako nauutal??? Tumaas yung isang kilay niya. Suplada signs.
"Merong ano?" Tanong niya habang tinaas na din niya ang isa pa niyang kilay. Signs na malilintikan naman ako neto. Lumunok ako. I just closed my eyes and prayed silently. Sana hindi niya ako kakaratihin. Yung last time kasing tinanong ko siya about sa ganito, sinipa niya ako at sinapak . Dahil dun nabalian ako at kailangan mag stay sa bahay namin for almost two weeks. Grabe ang babaeng to.
Cute at maganda man si Kaila. Pero pag naging kayo na? Jusmiyo, lahat siguro ng mga santos na kilala mo namention mo na sa mga dasal mo para protektahan ka lang sa kamandag ni Kaila. Pero kahit ganun man siya. Mahal ko 'tong babaeng to. I will never in my life regret to have her as my girlfriend. For me, she's perfect. So perfect.
Okay! eto na! Angelo, umayos ka! Pinalaki ka ni Papa na matapang at honest. Kaya mo to! I exhaled one last time pero hindi naman sana for the last time. Eto na!
"Meron ka ba ngayon?"
"ano?" lumaki yung mga mata niya at tiningnan ako ng kanyang makakamatay na tingin. Shickss, eto na!
"Diyos ko! Patawarin mo na ako sa mga kasalanan ko! If this will be my last then I would want to be there with you"
Nilapitan ako ni Kaila habang tinitingnan parin niya yung mukha ko. Habang lumalapit siya, grabe yung tibok ng puso ko.
Babye Mama! Bye Pa! Bye world!
Pinikit ko nalang ang mga mata ako, habang hinihintay yung kamatayan ko.
Isang talampakan nalang ang distansya namin sa isa't-isa. Lumuhod siya para pantayan yung mukha ko. Nakaupo kasi ako ngayon at nakatayo siya kaya lumuhod nalang si Kaila para magkapantay kaming dalawa. Tiningnan niya ako na para bang may gagawin siya. Pero di ko alam kung ano yun. Yung alam ko lang is this day will be my last or either my worst. Hinihintay ko ang katapusan ko ng bigla niya akong niyakap.
Wait--??? Hindi ko pa katapusan ngayon? HAHA! Salamat Lord!! Salamat sa mga santos na tinutulungan akong mabuhay kasama ang babaeng t-- !!!
Natigilan yung pasasalamat ko nang narinig kong humihikbi siya. Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak sa balikat ko. Ano bang nangyayari?

YOU ARE READING
Dreamland (ONGOING)
Science FictionWhat if everything you thought that was real.. wasn't? Everyone you loved, you hated, you cherished was just a cause of your illusions. Join Angelo as he discover that his entire life was just a dream. His family, his friends and the girl he truly l...