Prince and Me Chapter 1

306 2 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law. 

  I am Kath Lopez, a daughter of an elite business man. Incoming first year highschool  na ako and usually, ang mga kasing edad ko na mga kapwa elites ay nag eenroll sa  Prince Academy, isang prestigious school na kilala sa bansa.    I believe that life is full of decisions. Sa araw araw ng buhay natin, kailangan nating  gumawa ng mga desisyon. Babangon ba ako sa kama o hindi? Kakain ba ako ng  almusal o hindi? Sasakay ba ako sa kotse o mag co-commute na lang? Simple  decisions.    Pero naranasan niyo na bang gumawa ng decision kung saan ito ang naging dahilan  para magbago ang pananaw mo sa buhay? Isang napaka hirap na desisyon kung saan  madami kang nasaktan, pero alam mo sa sarili mo that among all of them, ikaw ang  pinaka nasaktan dahil ikaw mismo ay nagsisisi sa nagawa mong desisyon?    I’m now riding an airplane boarding to London, England. I’m leaving everything  behind..... including him. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang paulit  ulit kong sinisisi ang sarili ko sa napakalaking pagkakamali na nagawa ko.    Sana nakuha ko manlang mag paalam sa kanya. Sana nasabi ko manlang kung gaano  ko siya kamahal.    Sana hanggang ngayon, kasama ko parin siya.    Pero sa isang maling desisyon, nawala saakin ang lahat, pati ang kaligayahan ko.     

[2 years ago…]     

Dad - sige na pumapayag na ako! Doon ka na mag enroll sa school na yun! But make  sure na matataas ang grades mo or else ililipat talaga kita sa Prince Academy!    

Kath - I promise dad! I promise na pagbubutihin ko talaga! Thank you dad! Thank you!”     

Nung una ayaw pa akong pag aralin ni daddy dito kasi kumpara nga naman sa  standards ng Prince Academy, walang wala itong school na papasukan ko. Isa pa hindi  daw di-aircon ang mga classroom at maliit lang yung school. Pero wala akong paki  doon. Gustong gusto ko talaga mag-aral sa school na yun. Gusto kong mamuhay ng  simple. Ayoko ng makihalubilo pa sa mga mayayaman na wala namang ibang ginawa  kundi ang mang kutya. Doon kasi sa dati kong school, madalas akong nabu-bully ng  mga kaklase kong babae. Sabi naman ng ilan kong mga kaibigan ay naiingit lang yung  mga nambu-bully saakin dahil ako daw ang madalas ilaban ng teacher namin noon sa  mga quiz bee contests pati narin sa mga kung ano anong beauty contest sa school.    Oo, marahil yun ang dahilan, pero grabe na akong na-trauma doon. Masyadong  competitive ang mga tao to the point na nagagawan nilang saktan ang kapwa nila para  manalo lang. Kaya naisip ko, siguro kung doon ako sa mas simpleng school, wala ng  mangyayaring ganito.    At hindi nga ako nagkamali. Naging masaya ang stay ko sa bago kong paaralan.  Mababait yung mga kaklase ko. Well hindi sila katulad ng mga kaklase ko dati. Let say,  mas mahaharot sila at mas padalos dalos kumilos. Pero kahit ganun ang mga yun, mga  tunay silang kaibigan at marunong gumalang ng pagkatao mo.    Freshmen pa lang din ako ay nawili na ako sa pagsali sa iba’t ibang clubs sa school  pero ang pinaka nag enjoy ako ay nung sumali ako sa taekwondo club. Nung una   sumali lang ako para ma-exercise ang katawan ko at hindi ako tumaba kakakain, but it  turns out na nakaka enjoy din pala ang sports na to. Pati narin ang mga kasamahan ko  sa team, sobrang saya nila kasama.    Mga bandang November ng magkaroon ng sportsfest sa school namin. May ilang mga  schools kami na ininvite para lumaban saamin at isa na doon yung Prince Academy,  yung dapat na school na papasukan ko.    At dahil dakilang bitter ako sa mga dati kong mga kaklase na nagaaral sa school na yan  ngayon, lahat ng mga varsity sa iba’t ibang sports na lalaban sa Prince Academy ay  todo encouragement ako para pabagsakin ang school na yan! Bwahahahaha! At  syempre nag practice din ako ng husto no! Hindi ako makakapayag na matatalo ako ng  mga nag hahari-harian at reyna reynahang mga mayayamang matapobreng tao. 

ITUTULOY!!!!

"Prince and Me" - KahtNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon