TALAGA? MAHAL MO AKO? (one-shot story)

194 0 0
  • Dedicated kay Lanie Mesina
                                    

Talaga? Mahal mo ako?

                Sa pag-mamahal dapat hindi tayo napapagod dahil hindi natin alam kung anung pwedeng maging resulta na inalagaan nating pagmamahal para sa isang tao.

                Ilang taon na rin simula ng magkaroon ako ng lakas ng loob para ipag-tapat sa kanya ang pagmamahal ko at kahilt hindi  naman niya ako sabihan na patunayan ko yung pagmamahal na sinasabi ko para sa kanya ay handa akong gawin at patunayan ang pagmamahal ko para sa kanya. Handa akong piramdam sa kanya lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Iyung pagmamahal ko para sa kanya na matagal ko ng isinasaloob.

                Minsan hindi ko siya maintindihan kasi nga ang gusto niya patunayan ko yung pagmamahal ko para sa kanya pero lagi naman niya akong pinagtatabuyan. Katulad na lang kanina.

                Gabi na kasi pero nandito pa rin kami sa recording studio at inaayos na lang yung kaunting problema sa kantang nirerecord nila. He is a guitarist of that band at ako naman isa lang sa mga staff nila pero sa totoo niyan ay hindi lang naman ako isang simpleng empleyado dito sa kompanyang ito kundi ay isang head sa isa sa mga department dito kompanyang ito. Pero dahil nga sabi ko papatunayan ko yung pagmamahal ko para sa kanya ay nag-mumulti tasking ako at pilit na kinakaya lahat ng gawain dito. Sabi nga nila katangahan daw itong pagmamahal ko pero wala akong pakialam. Mahal ko siya at panghabambuhay ko iyong panghahawakan.

                Kanina kasi inabutan ko siya ng coffee at alam niyo ang ginawa niya hindi niya ininom at nagpakuha sa iba at kung anu-ano pa ang sina-sabi; kesyo may gayuma raw iyon o hindi kaya ay malamig na raw, eh kitang-kita naman nila na kakakuha ko lang nun. Tino-topak na naman ang isang iyon. Alam niyo sanay na ako sa kanya. Oo masakit  pero hindi iyon enough reason para sumuko ako. At hindi rin enough reason ang pagiging babaero nia at pagiging sex-addict niya para tumigil aklong mahalin siya at kung tutuusin nga lalo ko pa nga siyang minamahal.

                Pauwi na ako kasi pagod na pagod na ako. Hindi ko na sila inintay uwi and for naghihintay na rin ang baby ko, I mean yung aso ko na bigay niya.

                Habang nag-iintay akong ng masasakyan ay may humintong sasakyan sa harapan ko at natuwa naman ako sa lumabas mula ruon, si Kevin, vocalist ng isa pang bandang hawak ng company namin.

                “Sabay kana sa akin, alex.” Aya niya. Inakbayan pa ako ng mokong na ‘to. Claso kasi kami.

                “Sige ba.” Sagot ko naman. At piningot naman niya ang ilong ko. Akma na sana niyang bubuksan ang pintuan ng biglang may humila sa akin at nagulat ako ng makita ko kung sina, si Greg at madilim ang mukha.               

                “Oh! Bakit?” bulong kong tanong sa kanua. Hinila lang iua ako at naglakad ng naglakad.

                “’Tol, wala namang bastusan.” Dinig naming sigaw ni Kevin at mukhag walang balak sumagot si Greg kaya ako na lang ang sumagot.

                “Bye Kev, next time na lang.” sigaw kong sagot at lalo namang humigpit ang hawak ni Greg sa akin.

                “Tumigil ka nga. Isa pa.” sigaw naman niya sa akin ng huminto kami sa harap ng sasakyan niya.

                “Sakay.” Pinagbuksan niya ako at sinunod ko naman siya. Madalas siya ganyan kapag may mga kasama akong iba pero hindi naman sa feeler ako kasi lalo na kapag lalaki at lalo na kapag si Kevin ang kasama ko, ganyan yan.

                Buong biyahe tahimik lang ako kasi naman natatakot ako kay Greg.ang dilim ng aura at ang bilis magpatakbo. Nakarating kami sa tapat ng apartment ko.

TALAGA? MAHAL MO AKO? (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon