Manggagantso

32 4 0
                                    

Hindi alintana ang pawis na dumadanak sa leeg ng dalagita, habang ang binata ay todo ang tingin sa matatambok niyang dibdib. Napansin ito ng dalaga ngunit siya ay ngumiti lamang, waring nagbibigay aliw sa binata.

Nakipagkamay ang binata sa dalaga na siya namang tinanggap nito. Nagkatitigan sila, hanggang sa nahulog ito sa lalim ng tingin ng binata—nakakapang-akit.

Ngumiti ito sa binata, nahihipnotismo sa malalalim nitong mga mata. Lumandas ang kamay nito sa makinis nitong mukha, dahan-dahang lumakbay sa maninipis na balahibo hanggang sa mapupula nitong labi, kinagat ng binata ang hintuturo nito na siyang kinaungol ng dalaga. Dumako naman ang kamay ng binata sa bandang likuran ng binibini hanggang sa nagkang dikit ang kanilang katawan, nag-init ang kaniyang damdamin alinsunod sa pagtibok ng kanilang mga puso. Dinikit pa lalo ng binata ang kaniyang matipunong katawan hanggang sa bumulong ito sa dalaga.

Nanigas ang dalagita, nanlambot sa matigas na bagay na dumidikit sa kaniyang tiyan—waring tinutusok tusok ito, tumingin ang dalaga sa binata na mayroong nakakalokong ngisi. At sabay sabi nitong 'hold-up 'to, akin na yang wallet mo'.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon