Karayaan

19 1 0
                                    

"Mama si papa?" Tanong ko, nangiti lang si mama. Bata palang ako nangungulila na ako kay papa. "Nagtatrabaho lang s'ya sa malayong lugar anak, dadating din s'ya"

At ngayong araw, magtatapos na ako ng kolehiyo, labis labis ang galak kong makita s'ya, habang binabagtas ang daan patungo sa unahan kasama si inay, habang sinusuot ang kumikinang na mga medalya,  naiiyak na humarap sa manonood- nandoon si itay, nakangiti, nanlalaking mga mata ang ginawad sa kaniya, kasabay ng pagpatak ng butil ng ulan ay ang paglagaslas ng aking inipong damdamin para sa kaniya. Tumakbo sa dako nya, ngunit habang ako'y patungo, ay ang paglitaw ng isang magandang babaeng may bitbit-bitbit na supling sa kaniyang tabi- pamilyar. Hinagkan ko siya ng mahigpit. "Anak, asawa ko si Kate" gumuho ang aking mundo nang malaman na may iba pala siyang pamilya, subalit walang mas may iguguho pa nung may ipakilala pa s'ya sa akin. "Anak si Kat, anak ko, kapatid mo"- ang matagal ko nang kasintahan.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon