Survey|

84 6 4
                                    

Tahimik ang gabi. Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng bahay. Maririnig mo ang bawat daan ng tricycle sa tapat ninyo at bawat kahol ng asong galit na galit sa 'yo sa hindi malamang kadahilanan. Mag-aalas dose na ng madaling araw at humihilik na ang mga kasama mo sa bahay. Naglalaway na rin ang kasama mo sa kwarto kaya pinuktyuran mo sya para magsilbing pamblack mail kapag gusto mong magpalibre ng mamahaling ice cream at donut. Ang hihimbing ng tulog nila pero ikaw, puyat sa kakacram ng mga assignment na nakatambak sa lamesa mo. Gustuhin mo mang matulog e hindi pupwede dahil lumagok ka ng tatlong tasang kape kaninang alas onse. Mulat na mulat ang iyong mga mata at medyo may kaitiman na ang iyong mga eyebags kaya mukha ka ng k-pop star. Pero sa bandang mata lang.

Cellphone sa kaliwang kamay at lapis naman sa kabila. Pinapanood mo din ang pagwink sa'yo ng cursor sa Microsoft Word. Iniisip mong "Buti pa yung cursor nagwiwink sa'kin, pero si Daniel Padilla pag nagka epilepsi lang sguro magwiwink sa'kin." Maririnig mo ang notification sound ng facebook chat kaya agad agad mong puputulin ang pagtititigan ninyo ni cursor. Masisilaw ka sa blueng rectangle na nasa ibaba ng screen mo at mapapasin mong may number 2 na nakalagay dito. Susuriin mo kung kilala mo ba yung nagmesage sayo. Pero dahil bangag kana nga, mawawalan ka na lang ng pakialam at ikiclick na lang ito. Tatambad sayo ang napakahabang link sa isang photo sa facebook at mababasa mo ang mga salitang "Pa like po. Para sa aso ko." Kukunot ang noo mo at makakapagmura ng bahagya. Yung tipong "Shit" lang. Isiseen mo si kuyang palike at tatanggalin ang chatbox nya sa napakaganda mong screen. Babalik ka ulit kay cursor at makikipagtitigan ng limang minuto. Titignan mo ang oras sa cellphone mo at ibabato ito sa kama. 12:27 na pala. Kahit tamad na tamad ka, sisimulan mong magtype, katulad ng ginagawa ko ngayon. Mapapahikab ka ng ilang beses at magtutubig ng bahagya ang pagod na mga mata.

Sa kalagitnaan ng pagtatype mo, maririnig mo na naman ang notification sound ng facebook. Muling kukunot ang noo pero pupunta ka pa din sa facebook mo. Susuriin mo ulit ang pangalan ng nagmessage sayo at matutuwa dahil hindi si kuyang palike ang nagparamdam ulit sayo, kundi ang kaibigan mo. Bubuksan mo ang message nya at mapapailing ng konti. Sa mensahe nya, kinumusta ka nya at sinabing ang tagal mo daw magreply. Kasunod nito ang attached file na "Survey.doc" ang pangalan. Ang huling mensahe nya ay kung pwedeng pakisagutan ang survey na binigay nya sayo at mahal na mahal ka daw nya with matching kissy face emoji. Dahil bored ka at alam mong para sa project naman nila 'tong survey na 'to, ikiclick mo.

Magloload ng konti yung file at after 5 seconds, tatambad na ang mga laman nito sayo. Babasahin mo ang unang katanungan na "Nagkaroon ka na ba ng kasintahan?" Mapapangiti ka at mapapailing muli. Maaalala mo ang pangalan nya pati na rin ang hitsura ng pagmumukha nya. Kakapain mo ang keyboard at itatype ang "Oo." bilang sagot.

"Gaano kayo katagal naging magkasintahan?" ang pangalawang tanong. Mapapahikab kang muli ng malalim at magpupunas ng mata. Muli, maaalala mo ang lahat ng pinagsamahan ninyo. Kung paano mo sya lait laitin, at kung paano ka nya minahal ng sobra na hindi mo alam kung totoo nga ba o trip trip lang nya. Tatatak muli sa isip mo ng huling mensaheng isinend nya sayo. Ang mensaheng naghiwalay sa mga landas ninyo. Nakasimangot mong itatype ang "HIndi ko na alam." sa blank na nasa ibaba nung question. Isscroll down mo ang page at mababasa ang pangatlong question ng bruhilda mong kaibigan na gumawa netong kaletse letseng survey na ito.

"Galit ka ba sa kanya?" Dito, mapapafacepalm ka. Mapapangti ka ng labas ngipin at sasabunutan ng bahagya ang bangs mo. Kung may bangs ka. Pero kung wala edi... hair extension? Mapapaisip ka kung sinadya ba talaga ng kaibigan mong sayo ipasagot itong survey na 'to para magtrending ka sa classroom nila. Mapapaisip ka din na picturan sya habang naglalaway kapag nagsleep over kayo para sa paghihiganting paplanuhin mo eventually. Unwilling kang magtatype sa keyboard ng "Dati, pero ngayon hindi na." bilang sagot kahit labag naman sa kalooban mong sumagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Survey| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon