..

26 0 0
                                    

CHAPTER 1

"AYA!!!!"

Nagising ako sa sigaw na yun. Panaginip lang pala. Tch. Bwisit na scene na yun. Hindi ko na yun nakalimutan simula ng umuwi ako ng Pinas. Hanggang sa panaginip ko tuloy nakikita ko parin yun. Kainis!

"Ya~ Ppal li! We're gonna be late!" Si Kuya Ethan yun. Ang aga aga nakasigaw na naman. At pumasok pa talaga ng kwarto ko para doon dito sumigaw. Tae naman oh? Kung kailan naman puyat ako saka pa ko pilit na ginigising!

"AYA!! I told you that you need to sleep early, right? Hindi ka na naman sumusunod sa akin! Isusumbong na talaga kita kay Daddy!" Psh! He's always like that. He loves to threathen me about my band. Lagi na kasi akong late nauwi. Lagi din naman siya nandun sa bar na pinagtutugtugan namin. Ewan ko ba dyan sa Kuya ko na yan! Puro banta, hindi naman ginagawa. :P

"Alright, alright! Babangon na po." sabi ko tapos humiga ulit sa kama at pumikit.

"Gising na sabi!!" sabi ni Kuya at tinulak ako sa kama. Ayun! Nahulog na nga ako. Tumawa lang naman siya ng malakas.

"OPPA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sinigawan ko na siya.

"Atleast, gising ka nang talaga." sabi niya tapos lumabas na ng kwarto.

Hay nakuu~ Ikaw ba naman magkaroon ng kapatid na may pagka-abnormal kung minsan e. Hay ewan! Sabado naman ngayon at sa Monday pa yung start ng klase pero kung makapam-bulabog tong kapatid ko akala mo may sunog. =___= Inaantok pa talaga ako.=_=

Oo nga pala, Maria Athena Mendez nga po pala. 16years old. As of now, tambay muna kasi bakasyon.. Half-korean, half-filipino. Kakauwi ko lang ng Pilipinas para dito ipagpatuloy yung pag-aaral ko.. Para na rin tuluyan ko na syang malimutan.. Si Kuya Ethan kasi binitbit pa ko dito e. Namimiss ko na tuloy yung luto ni Mama. =___=

May pupuntahan kasi si Kuya. Hindi ko alam kung saan. Basta ang sabi niya lang may pupuntahan siya ngayon at ihahatid niya ako sa bahay ni Lee. Akala ko pa naman kasama niya ko sa pupuntahan niya. Hindi pala.. (─.─) Binagalan ko lang yung kilos ko. Bahala siya dyan mag-hintay. Pwede naman niya kong iwan dito sa bahay mag-isa e. Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain para hindi ako mamatay sa gutom.

"Gongjooya!!!" sumigaw na naman siya! Buti na lang at nakabihis na ko. Hay nakoo~

"I'm coming! You don't have to shout! Okay?" sabi ko sa kanya ng makababa ako.

Tapos ayun! Dumaan muna kami ng Mall para kumain at bumili ng pang-regalo niya.

"Kuya, pupunta ka ba mamaya?" tanong ko kay Kuya Ethan nung nagtitingin-tingin kami ng pang-regalo niya.

"Maybe. I don't think so. Wae?"

"Oh! I love this jeans!" sabi ko habang hawak yung jeans na natipuhan ko.

"Sino isasama mo?"

"Baka si Kohleen o kaya si Japs.."

"Talaga? Isasama mo si Japs?" (*-*)7

"Hindi na pala. Natu-twinkle nanaman yung mga mata mo e." Tch. Naman~ papansin talaga itong kuya kong to. =___=

"Ewan! Twinkle ka dyan?! Tantanan mo ko sa pang-aasar mo. Sumbong kita kay Umma na nagdala ka ng babae sa bahay e." pananakot ko sa kanya.

Oo, minsan nagdadala yan si Kuya ng babae sa bahay. Puro mga ka-fling niya. Tch. Ewan ko ba dyan at napaka-playboy. Feeling close pa saken yung iba. Tch. Ayoko sa kanila. Gusto ko kay Kohleen babagsak si Ethan Oppa. Childhood friend namin si Kohleen. Bet na bet ko sya para sa kuya ko. Sabi ko nga sa mga parents ko na i-arranged marriage nila yung dalawa dahil sa sobrang gusto ko ng loveteam nila pero tinatawanan lang nila ako. Ayaw ba nila sa suggestion ko? Maganda naman diba? Pero mag-bestfriends sila Kuya at Kohleen. Pero gusto ko maging mag-asawa na sila. Ayoko ng mag-bestfriends lang. Tch.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

. <HiATUS>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon