Ikaw kilala mo ba ang iyong Ina?

725 43 29
                                    

"ANG PINAKA MAMAHAL KONG SINUNGALING NA NANAY!"

 -------------------

                        "Ang walong pagsisinungaling ni nanay"

 

Ipinanganak akong salat sa yaman. bata pa lang ako, madalas na kaming sumala sa pagkain. Kapag minsang meron kaming makakain sa hapag, isinasalin ni inay sa aking pinggan ang parte ng kanin niya at habang ibinibigay niya ang kanin niya sa akin, ay sinasabi niyang.... 

"Ka...inin mo na 'tong kanin ko, anak! Hindi ako nagugutom"

-Yun ang unang pagsisinungaling ni nanay sa akin nang lumalaki na ako, nakikita ko ang nanay kong nanghuhuli ng isda sa ilog sa likod-bahay namin para daw makakain naman ako ng masustansiyang pagkain kahit paano at hindi lang puro gulay. Kapag nakahuli siya ng dalawa ay iniluluto niya ito at ihahain sa'kin. Minamasdan niya ako habang kumakain at minsan ay kumukuha ng ilang pirasong laman sa tinik na tira ko. Inalok ko yung isang isda pero agad siyang tumatanggi...  

"Ubusin mong lahat yang isda, anak! Hindi ako kumakain niyan"

-Yun ang pangalawang pagsisinungaling ni nanay para matutusan ang pag-aaral ko ay tumatanggap si nanay ng labada sa mga kapitbahay naming may-kaya. Mula umaga hanggang gabi, halos nakababad na siya sa labahan. Minsan nagising ako nang hatinggabi at nakita kong naglalaba pa rin si inay kaya sinabi sa kanya na magpahinga na siya pero ngumiti lang siya sa kin...

"Matulog ka na uli, anak! Hindi pa ako pagod"

-Yun ang pangatlong pagsisinungaling ni nanay me malaking programa sa paaralan namin, sinamahan ako ni inay at naghintay siya sa akin sa gitna ng init ng tirik na araw. nang matapos na ay sinalubong ko siya ng yakap. inabutan niya ako ng tubig sa plastik na may yelo pero nakita ko ang kanyang tumatagaktak na pawis sa noo kaya sinabi ko sa kanyang uminom din siya ng tubig ngunit tumugon lang siya...

"Inumin mo na yan, anak! Hindi ako nauuhaw"

-Yun ang pang-apat na pagsisinungaling ni nanay nang pumanaw si itay, mag-isang tinaguyod ni inay ang buhay namin sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Lalong naging hikahos ang buhay namin at madalas kapos kami sa pang-araw-araw na gastos. May mga kapit-bahay kaming nagpapayo kay inay ng mag-asawa uli para may katuwang siya sa pagpapalaki sa amin pero mariin siyang tumanggi...

"Kaya kong mag-isa ito! Hindi ko kailangan ng asawa"

-Yun ang panglimang pagsisinungaling ni nanay nakatapos ako ng pag-aaral at nagkaroon ng maliit na pagkakakitaan. Kahit paano ay nakakatulong na ako sa pang-araw-araw na gastos namin habang patuloy pa ring nagtitinda si inay sa palengke. Nuong unang araw ng sahod ko ay iniabot ko lahat kay inay ang buong suweldo ko pero isinauli niya lang ito sa akin...

"Mas kailangan mo 'to, anak! Marami pa kong pera rito"

 -Yun ang pang-anim na pagsisinungaling ni nanay medyo sinuwerte ako at gumanda ang posisyon ko sa kumpanyang pinapasukan ko. Malaki na rin ang aking sahod. katunayan, minsan ay nabigyan ako ng bonus para makapamasyal sa Amerika ng dalawang linggo. Napagpasyahan kong si nanay ang isama ko doon pero umayaw siya...

"Iba na lang isama mo, anak! Hindi ako sanay sa marangyang buhay"

 -Yun ang pampitong pagsisinungaling ni nanay hindi nagtagal ay nagkasakit si inay ng kanser at labas-masok na siya sa ospital kadalasan. Kinakailangan niyang sumailalim sa operasyon para sa kanyang karamdaman. awang-awa ako sa kalagayan niya at naluluha ako tuwing pinagmamasdan ko siya. Nangayayat nang husto si inay pero gayunpaman ay nakuha pa rin niyang ngumiti...

"Huwag kang umiyak, anak! Hindi ako nakakaramdam ng sakit"

 -Yun ang pangwalong pagsisinungaling ni nanay at pagkatapos niyang banggitin ito, pumanaw na ang pinakamamahal kong inay.

---------------------------

Isa sa mga kaibigan ko sa FB ang nagsabi na ilagay ko ito sa Wattpad :)

Salamat sa isang magandang kwento ♥

This STORY is not my OWN. Credits to the OWNER :)

Eight Lies of my Loving MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon