Stock With Them (one shot)

78 0 0
                                    

Stock With Them (one shot)

"Naku ano ba naman yan. Late na ako" late na talaga ako as in L-A-T-E. Pano ba naman kasi, nakalimutan kong may pasok pala tsaka ang ganda kaya kanina nung panaginip ko. Hinahalikan daw ako ni Jerick my loves na boyfriend ko, errr, ex ko na pala siya. Bigla naman akong nalungkot, nakalimutan ko, break na pala kami. Last week pa.

Never mind about that. Naglalakad ako papuntang school. Naglalakad nga ba eh halos tumatakbo na ako. haha. okay ako na ang waley. -_-

Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi niyo pa ako kilala. Ako pala si Akane Miyokoyamashi,halata naman sa pangalan ko diba. ako ay half japanese at half aray!!

Sh*t, nahulog yung isang paa ko sa manhole malapit sa school. Gahd, ang baho. Phew, ewww.

"hahaha." tawa ng mga schoolmates kong nakakita sa akin

" Ang tanga mo Akane, dahil diyan binreak ka ng boyfriend kong si Jerick eh. haha" tinignan ko kung sino yung nagsalita at nakita kong si Janine Rosales na mukhang paa. Ang pinalit ni Jerick na mukha ring paa sa akin. bagay nga talaga sila, parehas silang mukhang paa.Akalain mo yun, my bago na pala siya bago niya ako i-break. Never mind na diyan sa mga ka ek-ekan na yan.

Sinubukan kong umalis sa ta-tangang manhole na to pero di ko kaya. Nakalubog ang isa kong paa remember?

"haha, ang tanga mo talaga Akane. Kita mo na ngang may babala na may naka bukas na manhole dumaaan ka parin. Pffft." sabi ni Janine na mukhang paa. Tsss. Mahuhulog ba ako dito kung nakikita ko? Mas tanga pa rin siya.

Ang dami ng nakatingin sa akin. ughh. Please somebody help me. Nangingilid na rin ang mga luha sa mata ko. Hiyang hiya na rin ako sa sarili ko. Bat ba kasi ako lapitin ng kamalasan. Kasalanan talaga ni Jerick tong mga nangyayari sa akin eh. Sinubukan ko ulit tumayo pero di ko talaga kaya.

"hahaha...pffft...haha" tawa nilang lahat.

Bigla na lang may humawak sa aking mga kamay at tinulungan akong maka-alis sa bwisit na manhole na yon. Titignan ko na sana kung sino yung taong tumulong sa akin pero tinago na niya lamang ang ulo ko sa dibdib niya tapos kinaladkad papuntang...ewan?

"What the f*ck?" sigaw pa ni Janine. Hindi ko na lang pinasin yung sinabi niya. Sinuksok ko na lang ang mukha ko sa dibdib ng lalaking tumulong sa akin. Alam kong lalaki ito at alam ko kung sino ito.

Bakit niya ako tinulungan? Ang tanga niya, lalo lang akong mahihirapan na kalimutan siya dahil sa ginawa niya.Miss na miss ko na siya, miss na miss ko na tong amoy niya, itong yakap niya, lahat lahat miss na miss ko na.

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako kasi basa na ang damit niya. Huminto na kami sa paglalakad, tinignan ko siya.

"Bakit mo yun ginawa" tanong ko sa kanya.

"Anong gusto mo, pabayaan na lang kita don at pagtawanan ng iba? Isang linggo l pa lang na hindi kita kasama napahamak ka na agad?!" sabi niya

"Yun na nga eh, lapitin ako ng kamalasan ng dahil sayo! At saka isa pa, kung maka asta ka parang boyfriend pa rin kita! Diba wala ka ng pakialam sa akin tulad ng sabi mo noon, na hindi mo ako minahal kahit katiting man lang sa loob ng dalawang taon, na pinaglaruan mo lang ako at pinaniwalang mahal na mahal mo ako" grabe na rin yung pag-iyak ko, hindi na rin ako makahinga pero hindi ko na pinahalata pa.

"oo totoo lahat ng sinabi ko sayo. Buti nga pinatagal ko pa kasi naawa ako sayo. Ang tanga mo nga kasi paniwalang paniwala ka naman. Isa kang uto-utong babae!"

"tama na please, tama na" pakiusap ko sa kanya. Ang sakit sakit na kasi. Napaupo na lang ako sa sahig, ngayon ko lang napagtanto, nasa likod pala kami ng gym. Umalis na rin siya, iniwan na naman niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stock With Them (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon