Malalim na Dalampasigan

14 1 0
                                    


Malalim na Dalampasigan



-scar


Isang katanungang nabubuo sa kaisipan, karamihan talaga sa'tin ngayo'y tila nauuhaw,
uhaw sa kapangyarihan at kayamanan, hindi alintana kung kaibigan o pamilya.
Ang tanging gawain ay gumawa ng alipusta, astang angat ngunit ang utak sabaw.
Hindi mo rin masasabing mga tanga, pero mababaw ang kanilang mga pag unawa.



Tingin sa malayo upang tanawin ang luwag ng espasyong malalakaran, buhat ng bigat sa balikat.
Isang depinisyong hindi marunong makakuha ng komedya at drama, umiigting ang poot.
Aking kaalaman at kaisipan ay di hahayaang lumipas at sa iba ay mailipat.
Kagandahang taglay hindi mo maalintana sa labas at sa pisikal, kundi ang namamahay sa pinakaloob.



May iba pa ngang sitwasyong pwede nang palitan ang kanilang mga mukha ng pera,
iba nama'y nagpapakasasa sa pang aabuso, karangyaan at balot ng pilak at ginto.
Hindi nararapat na maging ganito ang tagpo sa'tin kung hindi hinayaang lumala,
ang mga pangyayaring lamangan at pandaraya ay naging kaakibat na ng mundo.



Maaring manhid ka na, at nagpapakamartir sa mga nararamdaman mong sakit sa damdamin,
isang kalabit sa'yong gatilyo'y nakaabang ang galit at puputok na.
Kahit di mo tanungin, mukha at mga kilos ang siyang magpapaamin.
Ibinulong sa sarili na gustong maghiganti at saka umalpas dahil nagsasawa na.



Ipinaparatang sa balikat ang napakataas na paglubog at hindi nakaakma ang mga lebel.
Tuwang tuwa ang taksil sa kaniyang gustong ipabatid at iparinig.
Pananahimik na lamang ang sadyang sagot at wag ikumpara ang pula sa kahel.
Umaastang may dunong at di nagkakamali, mukhang naluto ang utak sa pagiging makitid.



Mga simpleng komentong may patama at pilit pa rin na idinidikta sa karamihan,
mistulang naging tanga tangahan sa nalalamang abilidad at talino.
Wala ka nang dulot na maayos, walang silbi ang iyong mga payo at walang kaibigang malalapitan.
Hindi mo makuha kaya gumamit ka ng ibang tao, ginawaan ng istorya, galaw na pangdesperado.


Hindi ka naman talaga dapat igalang, isa kang inutil na nagdudunong dunungan.
Itinatataas ang bandilang pula at dilaw, tila magkakaaway ang tagpo, marka ng dahas.
Nagpapataasan ng ihi, nabasa ng sariling simi at mga bagay na may karumihan.
Masyadong marami ang suhestyon at nailatag na batas.



Tila politika ang nangyayari at hindi nakasaad sa tamang aksyon at sistema,
ang paninilip sa akda ng isang may abilidad at pagnanakaw ng tamang pagkilala.
Kahit ikaw ay aral, ngunit ganito makitungo magmumukha kang buwaya,
na walang kabusugan at ang pagkatao ay nababalot ng pandaraya.



Mataas ang tingin mo sa sarili mo ngunit kakarampot ka lang naman sa mundong ito.
Hindi ka pa nahasa sa tunay na karanasan, karahasan at ibang pagsubok.
Lumilipad ka ng mataas at tumatakbong mabilis, mauubos din ang lakas mo,
at sa oras na ika'y bumagsak walang sasalo sa'yo at walang kahit sinong sasama sa'yo.



Kaya't kung nalalaliman ka sa dalampasigan maaring ikaw ay nagkakamali sa iyong tinatahak,
hindi mo alam na kaduluhan ng karerang napili ay siyang iyong pagbagsak at kapahamakan.
Sisingilin ka sa iyong utang, mga pandaraya sa katotohanan at nakaabang ang isang panaksak,
na itatarak sa iyong pusong punong puno ng kasakiman at kasamaan.


Pagbagsak mo sa dalampasigan lalanguyin mo ang lalim nito, na kahit na mababaw ay mistulang lunod.Nakabakas ang utak mong walang laman, maitim na puso at lugmok sa malalim na dalampasigan.Hindi nagkakamali ang tadhana, sa lahat ng paniningil sa iyong mga ginawa, lahat ng mga tagapanood,sa buhay mong sinayang mo sa walang katuturan dahil sa iyong pagkauhaw sa yaman at kapangyarihan.





"Hindi porket nakakaangat tayo sa iba, may karapatan na tayong hamakin ang ating kapwa. Ang mundo ay bilog, kung minsan tayo ay nasa itaas at minsa'y nasa ibaba".

Malalim na DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon