Here it is ;)

40 1 2
                                    

*Sa Bahay

Time Check: 6:10 pm

"Ana!.." Hay tinatawag na naman ako ni Mama.

"Bakit po!?" May iuutos kaya?

"Kumain ka na lang dito pag gutom ka na. Nakapag luto na ko." Sus. yun lang naman pala.

"Osige po!" Teka ako nga pala si Ana Lea Gonzales. Junior Highschool sa St. Louis. Regular student sa isang regular school.

THE NEXT DAY

*Sa school

Pasok sa school gate. Lakad sa quadrangle. Akyat ng hagdanan hanggang 3rd floor. Kuha ng gamit sa locker. At lastly, pasok sa classroom. Yan ang everyday routine ko. Pero maaga ko ngayon kaya nag libot muna ko.

lakad..

lakad..

*kringggg!..*

Bell na. Pagtalikod ko sakto nakita ko si Patrick. :) <3

"Hi Lea :)" Grabe ang cute niya talaga ngumiti. :"">

"Hi din Pat. :) Sige akyat na ko bell na kasi baka hinahanap na ko ni Grace. Bye ;)" Kailangan ko na umakyat baka hinahanap na ko ng ka-locker ko.

"Sige Bye :)" Hayy. Tuwing nakikita ko siya laging kong naaalala kung ilang years na ko may crush sa kanya.

( "*"- meaning po niyan scences from past)

Since Grade1 crush ko na siya. Isang beses nga sinabi ko pa yun sa bestfriend ko eh.

*"Jersey alam mo ba crush ko si Patrick" Si Jersey nga pala yung bestfriend ko na lagi kong kaaway at lagi kong kaparehas.

"Hala crush ko din kaya si Pat" Sabi na eh. Mag kakapareha na naman kami.*

Tapos yung kuya ni Patrick lagi akong tinatawag na stalker. Kaya lang naman ako tinawag na stalker ni Kuya Jian dahil tumatawag ako sa bahay nila minsan. Ewan ko ba kung bat ko ginagawa yun.

Pero simula nung mag 1st year highschool kami di na ko inaasar ni Kuya Jian. Classmate ko pa rin si Pat hanggang 1st year pero nung 2nd year until ngayon di na kami magkaklase. Marami rin akong naging kaibigan na nag tatanong kung sino crush ko. Katulad ni Mira

*"Ana sino nga pala crush mo?" Marami pero SIYA talaga yung angat.

"Si Pat" Matipid kong sagot.

"Classmate mo siya since grade 1 diba?" Nasabi ko nga pala kay Mira yun.

"Uhhmm.. Oo." Crush ko na siya Grade 1 palang </3

"So.. Since Grade 1 crush mo na siya?" Nag nod na lang ako para malaman niyang oo ang sagot ko.

"Inlove ka na ata sa kanya eh" Huh? Ako? Di rin.

"Hindi nuh. Crush lang"*

Yan yung paulit-ulit nilang tanong sakin at yan din ang paulit-ulit kong sagot.

Ang alam ko nga nasabi ko na yun sa kanya eh. Nung 2nd year kasi ako tinanong ako ng kuya ni Pat.

*"Lea diba naging crush mo si Pat?" Tsk. Di na ko mag sisinungaling.

"Oo mula grade 1 hanggang 1st year." Pero ang totoo hanggang ngayon.*

Actually kahit ngayong 3rd year na ko crush ko pa rin siya. Hay. Kelan kaya niya malalaman? Masaya na ko kahit malaman lang niya. Okay na kasi ako na friends kami.

~THE END~

- EyaLea -

On Going Love Story :)Where stories live. Discover now