chapter 2

15.8K 228 52
                                    

Oh, damnation!

Pakiramdam ko sinagasaan ako ng tren.

Halos di ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang pananakit lalo na iyong gitnang bahagi.

Mukhang napuruhan yata ako ni Felan kagabi.

Teka, bakit dito ako nagising sa kwarto niya? Di ko naalalang nagpunta kami dito kagabi.

At, nasaan na ang magaling na lalaking iyon?

Akmang pilit kong bumangon nang bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok ang bagong ligong si Felan na may dalang tray ng umuusok na pagkain.

"Good morning Miss, breakfast on bed,"  magiliw niyang bati sa'kin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan.

Tinawanan niya lang ako habang inaayos niya iyong mga pagkaing dala.

Pagkatapos ay malambing niya akong binalingan at ginawaran ng masuyong halik sa tungkil ng ilong ko.

" I'm sorry, you're sore. I just couldn't stop myself last night," sinsero niyang bulong at kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi bago inilalayang makaupo nang maayos.

Napakurap-kurap lang ako habang pinanood siyang ayusin ang mga pagkain at iniumang ang kutsarang may pagkain sa harapan ng bibig ko.

" Eat up, Miss ...dahil pinagod kita , pagsisilbihan kita ngayon," nakangiti niyang pahayag.

"Lagi mo kaya akong pinapagod!"  nakaingos kong sabi habang ibinuka ang bibig upang masubuan niya.

" Kaya nga lagi kitang inaalagaan, 'di ba?" nakatawa niyang sagot habang pinagpatuloy ang pagpapakain sa'kin.

Tama nga naman siya. Masyado akong spoiled sa kanya. Tingnan mo nga naman, ako na nangangarap makabingwit ng isang Carson ay kasalukuyang pinagsisilbihan ng isang Carson.

"Alam ko gwapo ako kaya stop staring at me. Don't worry, I'm all yours,"  kumindat niyang anas habang nakatitig sa'kin.

Di na ako nakapagreklamo dahil pagkabuka pa lang ng bibig ko upang magsalita ay agad na niyang isinubo sa'kin ang kutsarang may lamang pagkain.

Minsan talaga nakakalimutan kong may taglay ring kahanginan ang Carson na ito.

Given na nga sa pagiging Carson ang pagiging gwapo pero sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay palagi itong ipinagngangalandakan sa akin ni Felan.

Akala niya siguro bulag ako at di napansin kung gaano kapungay ang asul niyang mga mata na napapalibutan ng malalantik ng pilikmata na tinalo pa ang pilik mata ko dahil sa haba.

Idagdag pa iyong perpektong pagkakatangos ng ilong niya bumagay sa maamong tabas ng mukha niya kabaliktaran ng totoo niyang pagkatao.

Huwag nang idagdag ang natural na mapula niyang mga labi na dahilan ng kalimitang pagkakawala sa sarili ng sinumang babaeng ngingitian niya.

Ang mga labing naglakbay na sa bawat sulok ng katawan ko.

Mga labing laging may nakahandang ngiti sa lahat upang ikubli ang tunay na Felan.

Ang Felan na kilala ko.

Ang Felan na kinatatakutan ng lahat ng mga taong may halang na kaluluwa.

"Isang titig mo pa at iisipin kong muli mong gustong magpaisa. 'Di ba nga masakit pa–"

"Felan!!" gigil kong putol sa kabulastugang lumalabas sa bibig niya.

" Yes, Miss? You want it hard and fast?"  mapang-akit niyang anas habang kagat-labi akong tinitigan.

Only You (Carson)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon