Chapter 4

141 4 3
                                    

"Break na tayo, Adrian."

"B-but.. B-babe!" Sabi nya saka niyakap nya ako tapos tinulak ko sya sa chest nya.

"Wag ka nang pupunta dito." Tapos lumabas na ako sa bahay.

Andito ako sa tabi-tabi. Umiiyak. Hinihimas ang ulo ko. Ang sakit pala kapag broken hearted. Sobrang sakit! Palibhasa kasing Adrian na yun! Mangloloko! Wala na akong tiwala sa kanya! Lumayas na sana sya sa buhay ko! Childhood Friend ko pa naman sya! Ugh!

"Ashley? Ah, Babe!" Bakit sya nandito?

"Baekhyun.." Niyakap nya ako.

"Anong problema?"

"Naniniwala na ako sa'yo Baek. Hiwalay na kami ni Adrian."

"Ah," Pinat nya yung likod ko.

---

"Oh anak? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Mama. Kakadating nya lang galing sa trabaho.

"M-ma.." Nakayakap ako kay Mama.

"Anong problema? Bakit ka umiiyak?" Talagang nag aalala si Mama. Syempre.

"Ma.. Break na kami ni Adrian.." Eto nanaman ako. Umiiyak nanaman.

"Hayaan mo na anak. Wag mo na mahalin yun. Sa mukha palang mangloloko na! Susmaryosep. Mag move-on ka na anak para di ka na masaktan. Kalimutan mo na sya. Humanap ka ng Boyfriend katulad ng Papa mo, Yung hindi ka iiwan hangga't sa pag tanda nyo. Andito lang ako sayo anak, sumosuporta." Pinunasan nya yung mga luha ko. Napa-smile ako sa sinabi ni Mama. Mahal ko talaga ang inay ko.

"Teka nak, Si Baekhyun? Kawawa naman yun. Sagutin mo na yun, grabe ang pagmamahal nya sayo. 6 years ka nya minamahal! Pagbigyan mo na sya! Sige na anak!" Pati si Mama alam nya na love ako ni Baekhyun. Pumupunta kasi si Baekhyun dito sa bahay. Paborito ni Mama si Baekhyun dahil ang Cute daw, Palabiro, Laging nakatawa. Di naman alam ni Mama na Pervert yung mokong na yun!

"Try ko po Ma,"

---

Andito na ako sa school, Hinatid ako ni Kuya Andy. Dalawa lang kaming magkapatid. Kaklase nya si Adrian noon.

"Hello Ash!" Bati ni Steph.

"Si Sheena?" Tanong ko.

"Pinauna ko na, baka hilahin nanaman tayo ulet. Hahaha!"

"Ahh haha!"

"Hi Babe!" Si Baekhyun.

"Ah sige, maiwan ko na kayo ah! Sige Ash!" Umalis na sya. Pupuntahan si Sheena.

"Kamusta? Nakamove-on kana?" Tanong ni Baekhyun.

"Oo Baek."

"Hay salamat!"

"Tara na?" Papunta na kami sa Classroom.

---

Tapos na ang klase. Uwian na. Kaya naisipan kong pumunta sa Park.

"Ah, Guys. Mauna na ako ah? Magagawin pa kasi ako." Sabi ko kila Sheena.

"Sige. Ingat ka Ash! Bye~!" Sabi ni Steph.

"Bye Ash!" Sabi ni Sheena.

"Bye."

Palabas na ako ng Gate. Nang nakita ko si Baekhyun sa Waiting Shed. Pinuntahan ko sya dun.

"Hi Baek!" Bati ko sakanya. Hindi nya kasama mga kaibigan nya?

"Oh, Hi Babe!"

"Sama ka?" Tanong ko sakanya.

"Saan? Ida-date mo ako? Yiee!"

"Tinatanong lang kita kung sasama ka sakin sa Park. Pwede?"

"Bakit?" Tanong nya.

"Magpapahangin lang."

"Sige!"

Habang naglalakad kami papunta sa Park tutal malapit na. Hinila ko sya papasok sa Park tas tumakbo kami.

"Baekhyun, may sasabihin ako sayo."

"Ano yun Babe?"

"Hindi na kita babawalan tawagin akong 'Babe'. Mahalin mo ako hanggang sa magtanda tayo. Simula ngayon, tatawagin na rin kitang Bae. Sinabi ko nga rin sayo na nag move-on na ako. Alam kong hindi mo ako lolokohin. Ayaw ko na kay Adrian. Naaawa ako sayo, yung effort mo. Babayaran ko rin ng pagmamahal ko. Sana naman wag mo akong iiwan. Alam mo, Crush kita nun kaso may Boyfriend na ako nun. Hindi na kita crush. Love na kita. Sorry kasi lagi kitang sinisigawan, sorry sa mga ginawa ko sayo. Sasagutin na kita. I Love You Bae!" Napatitig sya sakin at bigla nalang akong hinalikan sa labi. Pagkatapos nya akong halikan ay niyakap nya ako. Yung yakap na iba, yung ayaw nya ako pakawalan. Hindi ko sya iiwan, hindi nya rin ako iiwan. Naniniwala na ako sakanya. Love ko na sya eh!

"Thank you, Bae! I Love You Mooore! Promise, Di kita iiwan. Tandaan mo yun! Thank you talaga! Pinagbigyan mo ako!" Ako naman ang yumakap sakanya.

"Alam mo, ikaw ang unang nakakuha ng First Kiss ko! Walang hiya ka! Hahaha! Hindi ko hinahalikan si Adrian sa Labi!" Sabi ko.

"Haha! Tama ako! Ako ang First Kiss mo! Ikaw rin ang First Kiss ko!" Sabi nya. Ang Cute nya talaga tumawa.

"Haha! Sige uwi na tayo, gagabi na." Sabi ko saka tumango sya.

---

Naglakad lang kami ni Baekhyun. Andito na kami sa bahay.

"Thank You Bae, Hinatid mo ako. Sige umuwi ka na. Ingat ha!" Sabi ko sakanya.

"Sige Bae, Uuwi na ako. Parang may kulang ata?" Tinuro nya yung labi nya.

"H-ha? Cheeks nalang!" Kinissan ko yung Cheek nya.

"Haha. Sige!" Paalis na sya.

"Bye Bae!"

"Hep hep hep! No saying Bye! Magkikita pa naman tayo bukas eh. See you!" Ha-ha-ha! Maarte rin naman pala si Baekhyun!

"Oh sige na nga! See you! Ingat ha!"

"I Love you Bae!"

"I Love you too, Bae!"

Dating the Pervert GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon