Panimula at Pangwakas

971 36 2
                                    

Once Upon A Broken Heart

Shermahal P.O.V:

"Nakakainis! Gusto kong tirisin yung babaeng kasama niya!" Namumugto ang mga matang saad ni Mherah.

"Aba! Hoy, babae! Kaibigan mo lang si Jed. Hindi boyfriend. Huwag kang umakto na girlfriend. Wala kang karapatang magselos." Taas ang isang kilay na sermon ni Sarah.

"Shut up, Sarah. Ikaw talaga. Sawi na nga yung tao." Si Kathie.

Umiling na lamang ako at niyakap si Mherah. "Tsk! Bugbugin at sipain na lang natin si Jed sa... Isipan." Biro ko.

"Kainis ka!" Umiiyak na hinampas ako ni Mherah. Tumawa lang ako.

"Buti pa tong si Sheh, solve na ang lovelife. Eh tayo, poreber single na ata o kung meron man puro sakit sa bangs lang yung nakukuha." Si Niz.

"Hoy, huwag nga kayo. Don't lose hope." Sagot ko na lang habang nakangiti.

They're my best of friends at nandito kami nagtipon-tipon para pakinggan ang hinaing ng isa sa mga kaibigan naming sawi sa pag-ibig.Wala akong idea kung paano o gaano yung sakit na nararamdaman ni Mherah. Hindi ko naman naranasan ang masaktan pagdating sa lovelife.

I am Shermahal. Sheh for short. 19 years old. College. And happily inlove with my oh so perfect boyfriend 'Sky Montecillo'. Graduating na siya samantalang nasa third year pa ako. 1st year high school pa lang ako nang niligawan niya. Hindi ko iyon inaasahan because he's my elementary crush. He's my first love and my first boyfriend. At alam ko, siya na rin ang huli. He loves and take care me a lot. Sobra pa ata sa iniisip ko. At wala na akong mahihiling roon. Ni minsan hindi kami nag aaway kapag kasi hindi ko gusto, hindi niya na rin niya gusto. Kapag naiinis ako, nilalambing niya agad ako.

Nagbeep yung cellphone ko. Kinuha ko yun at binasa.

From: Oppa 

Message :
Where are you? Magkita tayo sa parking lot.

Hindi ko pa man siya nakikita, kinikilig na ako. Siguro nga, I'm madly inlove with him. Lunod na ako.

"Bess, I have to go. Nagtext si Sky." Paalam ko sa kanila.

"Hmp! Puro ka na lang Sky. Nakakatampo na." Si Sarah.

Ngumisi lang ako. "Mahal ko naman kayo. Pagbigyan niyo na ako. Miss ko na yung tao."

"Aba, kahahatid lang niya sayo, ah. Miss mo na agad." Si Kathie.

"Ganun talaga pag inlove." Saad ko bago tumingin sa umiiyak pa ring si Mherah. "Bess, tama na yang pag iyak. Iinom mo na lang yan ng paracetamol nang guminhawa yang pakiramdam mo."

Imbes na tumawa si Mherah mas lalo lang itong bumunghalit ng iyak. Napakamot na lang ako. I really don't have an idea to comfort her. Umalis na lang ako roon.

Naabutan ko si Sky na kausap ang isang di kilalang babae. Tumikwas ang isa kong kilay. Mukhang nag-eenjoy sila because they both laughing. Nakacrossed arm na lumapit ako sa dalawa.

"Oppa..." Malambing kong tawag kay Sky.

"O' Sheh..." Nakangiting lumingon sa siya sa akin. Nawala tuloy yung inis ko sa bruhang kasama niya. "Meet Jenny. She's my classmate during my elementary days. Jenny, si Sheh girlfriend ko."

Once Upon A Broken Heart ( Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon