My Heart Beats Faster when You're Here <3 (One Shot Story)

44 1 1
                                    

          tik tok tik tok.... Rinig na rinig ko yung orasan sa sobrang katahimikan. Panu, sembreak na tapos nandito lang ako sa kwarto ko maghapon nagfa-facebook. Biglang nagring ng malakas yung phone ko... ~Riiiiinnnnggg, riiiinnnngg~ "Aba may nakaalala sakin?" [ Cindy! Punta ka daw dito sa park ngayun na.. Emergency daw!! Si Travis naaksidente!!!] Sabi ni Bianca na nagpapanic. "Ha?!" Yung lang nasabi ko tapos binabaan na nya ako ng phone..

          Aba! Loko lang? Pero teka, si Travis naaksidente daw? Sa Park?! Joke ba to?! Anu bang trip nito. Pero dahil malapit lang ung bahay namin sa park, nagpasya akong magpunta dun. Habang naglalakad, tinawagan naman ako ni Troy, barkada ni Travis. [ Hello Cindy, nasan ka ba?! ] "Papunta na ako bakit ba?" , Habang naglalakad, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Bukod sa hingal,Nag aalala din ako kay Travis. Nasabi ko na ba sa inyong dati pa ako may lihim na pagtingin sa kanya? Bata palang kami magkakilala na kami. Ilang beses na nya kasi akong niligtas dahil clumsy ako kumilos at dun nagsimula ang pagkakaibigan namin...

          Malapit na ako sa park ng makita ko ang kumpol ng mga tao. Yung puso ko parang mahuhulog na sa sobrang bilis ng tibok dahil sa kaba at pagod. Hanggang sa unti unting nahati sa dalawa yung kumpol ng mga tao. Actually, ung mga tao na yun, sila sila ung mga kaibigan ko. Nang mahati ito, lumabas sa gitna si Travis may hawak hawak na card board tapos may nakasulat na "LOOK UP". Pag tingala ko sa itaas, nakita ko yung isang banner na may nakasulat na "WILL YOU BE MINE?". Tapos lumapit si Travis at tinanong ako "YES o OO?" Grabe hinampas ko sya sa kaba. Eto namang puso ko mas lalong tumibok ng mabilis dahil sa di malamang nararamdaman. 

          Dahil dun, nalaman ko na matagal na rin palang may gusto sakin si Travis kaya naman sinagot ko sya :DD 

🎉 Tapos mo nang basahin ang My Heart Beats Faster when You're Here <3 (One Shot Story) 🎉
My Heart Beats Faster when You're Here &lt;3 (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon