Lumaki ako sa probinsya ng Rizal. After kong grumaduate ng Grade 6 ay agad kami lumipat dito sa lungsod ng Valenzuela na kung saan may pinamana ang lolo ko sa papa ko na isang eatery business. Una pa nga ayaw ni mama na lumipat kami kasi, totoo naman na masaya na buhay namin sa probinsya. Mas matipid kumpara sa Valenzuela. Pero, mas masaya dito, kung tutuusin. Kasi 'halos' nasa kalignaan ka na ng Maynila.
Dahil laki ako sa private school, pinasok ako ni mama sa isang private school, ulit. Pinapili pa ako ng faculty doon kung anong section na gusto ko. Nung una, nagulat ako kasi mayroon palang ganun? Sorry, innocent eh. Kaunti lang kasi kami nung elementary so hindi ko inaasahan na marami palang nagaaral dito sa school na ito.
Nung pagpasok ko ng first day, first year highschool ako, medyo masaya ako kasi ang babait ng mga kaklase ko, noon. Pero, nung nasa kalagitnaan ng third grading, may napanood ako sa TV5 na Anime at doon ko sinimulan ang pagiging Otaku girl ko. May ginaya akong anime character doon na si Sunako Nakahara, kaya medyo napabayaan ko yung sarili ko, yung image ko din. At ng dahil din sa pagbabagong iyon, nagbago na din ang tingin sa akin ng mga classmates ko.
Hindi na nila ako gaano pinapansin kapag nagse-share ako ng anime stuff, or kapag nakabili ako ng gamit from Comic Alley, mga ganun. Minsan nilalayuan na nila ako kasi parang daw akong baliw at kamukha ko daw si Sadako. Kalagitnaan din ng third grading, may isang gangster na nanligaw sa akin na siyang binasted ko agad. Kasi nga gangster, palagay ko kasi pinagtripan lang nila ako nun at saka masyado akong bata para makipagboyfriend.
Ang taong iyong ay s'yang nagsira ng highschool life ko.
After a week na nabusted ko s'ya, nag announce s'ya sa buong section namin na simula ngayon daw ay kill on sight daw ako sa kanila. Meaning, pagtripan daw ako. Ganun kasi usually ginagawa ng lalaking 'to. Balibhasa kasi dito din nag elementary, at lider ng isang junior gang kaya maangas. Sinimulan nila akong ibully sa pamamagitan ng pagtali ng bag ko sa upuan, panglalait, pagtapon ng gamit ko sa basurahan, and the likes. Wala akong laban nun kasi... Marami sila. Magisa lang ako nun. Maski ibang section pinagtripan din nila ako. Ganun kalupit ang lalaking 'yun. Mabuti na lang at may Anime sa buhay ko, na kahit anong gawin nila, masaya pa din ako.
Ilang taon ko din iyon tiniis. Mas lumala pa nga nung dumating kami ng second year na halos duraan at batuhin ako ng libro at once na nasabi n'ya sa akin na 'mas bagay kayo ng basurahan kasi parehas kayong basura!', pero hindi pa din ako naimik. Ang rason ko kung bakit hindi ako nagsumbong, dala nga ng takot. Pero gustung-gusto ko ng umalis sa section na 'yun. Halos masira na nga mga grades ko ng dahil sa kanila, dinadaan ko na lang kasi sa absent at cut class para lang iwasan sila. Oo, sa sobrang pangbubully nila sa akin halos wala na akong mailuha kakaiyak araw-araw.
Nang matapos ang second year, bakasyon, ay nagkaroon ako crush. Barkada s'ya ng kapatid ko. Nagkakilala kami ni Ivan Trinidad nung lumipat sila dito din sa Valenzuela. Nagkatextmate kami nun hangga't sa first day of school ng third year, doon ko na siya sinagot. S'yempre, yung ganung issue agad kalat sa section namin. Salamat sa aking kaibigan na sina Antoinette May Ferno na hindi ako iniwan sa kabila ng pangbubully na sa akin at pagiging weirdo ko. Nung una nga, hindi makapaniwala si Antoinette kasi hindi naman daw ako masyadong nag aayos. Wala eh, maganda.
Medyo tumino na yung mga classmates namin at nagiba na din yung trato sa akin simula nung nawala si Lemuel Jon Borja, yung leader ng Junior Gang sa school. Bakit? Kasi daw inuwi sa probinsya ng dahil sa katigasan ng ulo. At saka hindi na daw kasi ako weird kaya daw ako nagkalove life. Di ba, judgemental pa din sila.
Yung relationship namin ni Ivan ay hindi nagtagal dahil sa niloko lang pala n'ya ako. Nakakainis. Sobrang sakit. Halos buong efforts ko binigay ko sa kanya tapos ganun lang gagawin n'ya?! First love ko pa naman s'ya.
Mabuti at nandyan si Antoinette para tulungan akong maka-move on sa first love ko. Oo, naging chill din yung una at pangalawang pasok ng grading until nagtransfer yung pinsan ni Lemuel na si Lord Vladimir Borja sa school.
Hindi lang yung natirang highschool life ko yung ginulo nito, pati buhay ko.

BINABASA MO ANG
Kooky Affetto
Ficção AdolescenteSometimes, he just wants to know her because of curiosity. Well, what if, the leader of the gang suddenly falls in love with an Otaku girl?