Situation #1

1.4K 18 3
                                    

Hi, ako si basil, popular na studyante, matalino? Matangkad? Syempre, mayaman? Naman at higit sa lahat gwapo heh~ and pinaka goal ko sa buhay ay maging popular sa skul namin, bakit? Simple lang dahil gusto ko syang mahanap, ang babaeng pinangakuan ko na mamahalin ko, lahat....lahat ay para sa kanya *ngiti* heh~

Sa paaralan

"Pre gandang umaga! Asan na yung bagong game na sinasabi ko sayo?" Tanong ni jeil....na kaibigan kong lalake, mula pagkabata prens na kami ehehe syempre naman. "Ah? Pare mukhang naiwan ko eh *ayos ng buhok* tayo na mag be-bell na pare! At andyan na si kelly tayo na pre" nagmamadaling sinabi ko sakanya, si kelly pinaka popular na babae sa skul namin, eh kasi naman matangkad! Maganda matalino at mayaman, parang ako lang ayun oh~ ahaha pero syempre ang babaeng yun parin pero...nalimutan ko na ang pangalan nya ang tanging alam ko lang ay, ang boses nya. Hindi ko napansin na nasa harap parin pala ako ng classroom namin. "HOY? Mr. Giemenez! Ano satingin mo ang ginagawa mo dito!" Sigaw ni ma'am Felli....masungit na titser samin ha~ay "ah? Natulala po ako sa kagandahan nyo ma'am eh" biro ko ,"ikaw naman! Geh na nga pasok na" sabi nya, ehehe syempre dapat marunong ding mambola *ngiti* ah nalimutan ko unang araw pala ito ng pasukan at....4th year na ko....paaano kaya to....mahahanap ko kaya sya.....
"ATTENTION everyone! May bagong istudyante tayo ohk? Kakalipat lang nya galing sa france kaya kung ako sainyo mag tino kayo! Pupuntahan ko lang sya" sigaw ni ma'am.....france?? Hmm? Sino kaya yun?.......

Sa hall way

"Eh? Ikaw ba si Kyra Brooklyn Heimz?" Tanong ni ma'am "ah? O-opo" sagut ng babae "wow? Ang nakalagay sa paper mo ay halos dun kana lumaki? At hindi man lang nag bago ang accent mo *ngiti* aba'y tamang tama to huh" sinabi nyang galak na galak kay kyra.

Sa classroom

"Ohk guys so eto si Kyra Brooklyn Heimz, dito lang sya nagbabakasyon every year at dun sya nagaaral, nagkataon lang na kailangan nya ditong magtagal dahil sa trabaho ngg kanyang ama, at mag tratransfer din sya" sabi ni ma'am...... "ah sige na Kyra mag pakilala ka na" dinagdag pa nya "ah a-ako nga pala si Kyra Brooklyn Heimz ahh.....s-sana maging kaibigan ko kaya" sinabi nyang nakayuko......lahat ng tao ay nagtatang kung bakit ganun ang kanyang mukha? Makapal na salamin at magulong buhok....tila ba'y isang multo na nananakot, pero nang tiningnan ko sya ng mabuti ay maganda naman ang kanyang mga balat, maputi, at tama lang ang kanyang height..........pe-pero......na-natatakot narin ako sakanya d-dahil iba ang tingina nya sa mga t-tao. "Dito ka uupo katabi mo si Mr. Giemenez" sabi ni ma'am...."hu-h?" Tugon ko.....a-ano daw? ANONG SABE!?......

Pagkatapos ng klase

"Pare....sa kamalasmalasan ahahahaha ikaw pa ang katabi nya" asar ni jeil "tsk ewan ko ba kung bakit ako pinagtripan ni ma'am kakainis....." sabi ko, "geh pare may bibilhin lang ako dito sa store geh una ka na" sabi ko kay jeil, kailangan ko bilhin yung libro na pinabibili ni mama *tring-tring* tunong ng pinto sa store "musta na po kuya enz ehehehe" kamusta ko kay kuya enz may-ari ng book store "ah? Wala eh ah magsasarado na pala agad ako may bisita kasi kami sa bahay eh pwede bang bukas nalang?" Sabi ni kuya enz "ah? G-ganun ba? Ah sige ingat nalang" sabi ko naman. Hmmm sino kaya yung bisita nya.....baka mahahabol ko pa si jeil "sige po *takbo*" paalam ko kay kuya enz, nasan nakaya si jeil *takbo* ha, ha! ha, ha! Asan na si- *BOOM* Ah? Si-sino? May nabangga ako habang tumatakbo "ah? Pa-pasenya na ha? Ohk ka lang ba?" Tanong ko "ah....oo" nakayuko nyang sinabi, he? Parang narinig ko na yung boses na yun huh? "Ah! Ganun ba! Si-sige nagmamadale ako, pasensya ulit" sabi ko sakanya *takbo* ha! Asan kana jeil!

Sa bahay

Ha~ay hindi ko na nakita si jeil, kainis yayayain ko sana sya dito sa bahay eh "MA! maygagawin daw si kuya edz di ko pa nahahanap yu-" sigaw ko, at nakita ko ang isang pamilyar na lalake sa may sofa kasama si mama "ah? Pa-pasensya na po........psst ma!?" Sutsut ko kay ma, "ah? Te-teka lang po" paalam nya sa kausap nya "dito tayo" sabi ni mama "ah geh po," nagpunta kami sa may kusina "ah si Mr. Heimz yan nakalimutan mo na ba? Sya yung papa n
i kay! Ikaw naman! Sigaw sigaw ka pa! Hay nako," sabi nya "huh?? Heimz.....pa-parang narinig ko na yun" sabi ko "at dito na muna titira si kay huh? Wag ka magalala kasi dati halos dito na matulog yun at may kwarto sya dito ehehe aba'y naging pren ko rin mama nun eh." Sabi nya.....huh? Kay? Bakit? Parang di ko pa naririnig yun...."kay? Sino yun mama?" Tanong ko "SABI KO- ko na! ikaw! Hay sandali lang at kinakausap ko pa si Mr. heimz hay umakyat ka at ayusin mo yung kwarto mo at magiging kwarto nya akyat na" sabi na "ah geh po" hmmm???? Kay? Sino kaya yun?.......heimz?.....h....e.....i.......m......z.......narinig ko na talaga yun!.....

Kinabukasan

"Hay eto nanaman....*ayos ng buhok*" ang gwapo ko talaga ehehehe "uy....pare..........tingnan mo sa may upuan mo sa classroom" sinabi ni jiel sakin na mukhang takot na takot "ah? Bakit?" Tugon ko "TINGNAN MO NALANG" sigaw nya "ah? Si-sige" sabi ko naman, habang lumalakad ako ay tila ba pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, at pagtingin ko sa upuan ko may nakasulat na "SALAMAT!" at nakasulat to ng parang asa horror na movie!!!! Aahh~ ano to? At kulay pula pa ang pinangsulat.....ANO TO!......natapos ang klase, at halos lahat ay takot parin sa gumawa noon "pa-pare sigurado kabang ohk ka lang?" Tanong ni jiel "sy-syempr pare.....tayo na kaya pare" tugon ko naman, hay di ko nga napansin yung transfer na pumasok eh

Sa bahay

"Ma! Dito na ko dala ko na yung libr-" nakita ko yung transfer na studyante ba-bakit andito sa bahay? Dala lahat ng gamit at nakaupo sa may sofa namin? "Ma?" Tanong ko "ah?.......sya nga pala si kay? *ngiti*" sabi nya "hu-h? Mama????????" Sigaw ko....

......(End of Chap 1)......

First time in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon