A Sadist's Kiss
P R O L O G U E
"Ano nang gagawin natin ngayon Ricardo, ang lahat ay unti-unti nang nawawala sa atin, paano na ang anak natin?" seryosong tanong ni Betty sa kanyang esposo..
"Wag kang mag-alala mahal ko makakagawa rin tayo nang paraan sa lahat nang eto. Wala tayong kasalanan sa mga pangyayari, hindi natin alam na ganoon ang sitwasyon, hindi rin natin kasalanan na mahalin natin ang isa't-isa at magbunga nang isang anak. Kung may pagkukulang man sa mga nangyari sa atin walang iba kundi ang sariling magulang natin.." tugon naman ni Ricardo sa esposa..
Isang mahigpit na yakap ang kapwa ibinigay nang mag-asawang Betty at Ricardo sa bawat isa. Kapwa may kaya sa buhay ang mag-asawang Betty at Ricardo, hindi man sila isang bilyonaryo ngunit di naman sila ang klase nang pamilya na salat sa kahit anu pa man. Masasabing kapwa silang dalawa ipinanganak na may gintong kutsara sa kanilang mga labi. Bago pumanaw ang kani-kanilang mga magulang, natupad na rin ang kanilang mga pangarap may saring pabrika si Betty nang mga lingerie at si Ricardo may sariling law firm. Taon na rin sila nagsasama at sa awa nang Poon biniyayaan sila nang isang napaka gandang angel. Si Hailey eto ang kayamanang hinding-hindi nila maipapagpapalit sa kahit na anu pa mang bagay.
Nag-iisang anak si Hailey kaya naman lahat nang naisin nang dalaga'y natutupad at nasusunod, ang lahat ay ibinibigay nang kanyang magulang para lang maging masaya ang bata, dahil eto lang naman ang kanilang angel kaya sunod sa layaw. Ngunit isang dagok ang dumating sa kanila nang magsimulang malaman nang kani-kanilang kaibigan ang lihim nang mag-asawang DeOcampo.. Mahabang taon ding iningatan nang mag-asawa ang trahedyang kanilang pilit na tinatago, ngunit dahil na rin sa kamag-anak nila nabunyag ang kanilang lihim. Lihim na marahil kahit sino ay hindi sila maiintindihan nang nakakarami, at kahit magpaliwanag sila, iisa lang ang magiging tingin sa kanila ng iba, makasalanan silang mag-asawa.
Isang taon matapos ikasal sina Betty at Ricardo, isinilang na rin si Hailey nang lumitaw ang Mama ni Betty. Sa paglitaw nang Mama ni Betty, dito nagsimula ang masalimoot na kabanata nang buhay nang mag-asawang Betty at Ricardo. Magkapatid sina Betty at Ricardo. Oo ikinasal sila at nagkaanak nang hindi nila alam na magkapatid sila. Magkapatid sila sa ama, anak nang Papa ni Ricardo si Betty sa labas, si Betty ang bunga nang pagtataksil nang Papa ni Ricardo sa kanyang Mama. Halos pagtakluban sila nang langit at lupa sa kanilang nalaman. Ngunit sino nga ba ang may kasalanan? Sino ang dapat na sisihin? Hindi na nila matatakbuhan ang lahat, mahal nina Betty at Ricardo ang isa't-isa hindi bilang magkapatid. Nanatili ang lihim sa kanilang pamilya. Ngunit may kasabihan nga na walang lihim na hindi nabubunyag.
Sa paglipas nang mga araw, kasabay nang paglabas nang lihim nang mag-asawa, unti-unting nawawala ang kanilang mga ipinundar, ang negosyo ni Betty na dating matatag ay halos isa-isang nawawala ang kanyang mga kasosyo dahil malas daw sila, at ayaw nang kanyang mga amiga na mahawaan nang kanilang malas sa buhay. Ang lawfirm ni Ricardo wala na ring nagtitiwala, dahil lang sa isang kasalanang hindi naman sila ang may gawa at hindi nila kagustuhan ang mga nangyari. Hindi man aminin ni Hailey maging s'ya ay labis na naapektuhan nang mga pangyayari. At sa paglabas nang kanilang lihim dito magsisimula ang delubyo sa buhay ni Hailey.
~~~
"I need to do this pare, dahil kung hindi ako ang malilintikan sa amin, malaking pera ang nawala sa akin dahil kay Hailey at hindi ko naman alam na, pabagsak na pala ang negosyo nang kanyang mga magulang.." paghihimutok ni Alden sa kaibigan..
"Kung ganoon handa ka talagang mawala sa'yo si Hailey kapalit nang lahat?" tanong nang kaibigan ni Alden..
"I don't love her either, kaya ko lang naman s'ya nilapitan dahil sa pera nang pamilya n'ya.." walang gatol na amin ni Alden sa kaibigan..
"Pare lintik sa ganda ang nobya mo. Pero may alam akong paraan ang tanong papayag naman kaya si Hailey sa gagawin mo, isa pa kailangang virgin s'ya.. Baka naman nalawayan mo na yon?" natatawang wika ni Gilberth sa tinuran.
"Anong ibig mong sabihing may alam ka? Ako nang bahala kay Hailey, wala naman na s'yang magagawa kailangan n'yang bayaran ang nalugi at lalo't kailangan kung makuha ang perang nawala sa akin.." tugon muli ni Alden.
"Mukang kumbinsido na nga akong hindi mo talaga minahal ang babaeng yon.. Ang tanong berhen pa ba yon?" tanong ni Gilberth.
"Hindi ko pa s'ya nagagalaw, dahil saksakan ng konserbatibo noon kahit pa nga lumaki naman sa modernong panahon.. At alam kong wala din naman taong nakakagalaw pa sa kanya.. Teka nga bakit mo pala tinatanong yan?" ganting tanong naman ni Alden.
"Pwede natin s'ya isalang sa isang auctions, yong mga babaeng binibili nang mga mayayamang lalaki, na handang gumastos para lang sa babaeng berhen, alam mo ba yon?" tanong muli ni Gilberth..
"Ano?" gulat na tanong ni Alden.
"Kung ako sa'yo mas makakabuting wag mong ipaalam kay Hailey ang plano mo, for the sake of your money.. At ihanda mo na rin ang sarili mong tuluyang mawala na sa'yo si Hailey.." muling wika ni Gilberth..
"You mean. Ibebenta ko s'ya?" tanong ni Alden sa kaibigan..
"Exactly. Pero sinusigurado ko sa'yo, makukuha mo ang pera mo may tubo pa.." sagot ni Gilberth.
~~~
"Walang hiya ka Alden, paano mong nagawa sa akin to? Akala ko ba tutulungan mo ako?!" habang pinagbabayo ni Hailey ang dib-dib nang nobyo di naman maiwasan nitu na maiyak..
"Kaya ko nga ginagawa to para tulungan ka.." tugon ni Alden sa nobya.
"Pero bakit dito mo ako dinala? Alden sandali.." habol pa ni Hailey sa nobyo.
Iniwan ni Alden ang nobya sa isang prebadong bahay, wala na s'yang nagawa at di nakatakbo dalawang lalaki ang may hawak sa magkabilaang braso ni Hailey. Mga lalaking maskulado at malalaki ang katawan na kayang-kayang bitbitin si Hailey. Natanaw nalang nya ang sasakyan ni Alden na papalayo sa lugar na iyon, matapos iyon ipinasok s'ya nang dalawang lalaki sa loob nang malaking bahay. Ipinasok sa isang silid at ikinulong doon.
****
BINABASA MO ANG
SANTILLIAN SERIES "A Sadist's Kiss" (Garrett Santillian) [Completed] Under Editing
General Fiction"Sometimes it's better to do It up in the bed, than you explain It in a pharagraph of words.."