Hindi naman napipigilan ang pusong magmahal, di'ba?
Oo. Alam kong torpe ako. Pero hindi ko lang talaga kayang sabihin ang nararamdaman ko. Lalong-lalo na't may mga possibility na hindi magiging maayos o maganda ang kalalabasan ng mga gagawin ko.
Alam ng barkada ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. At lahat sila nagsasabing subukan ko raw. Hindi lang nila alam na, araw-araw kong sinusubukan pero hindi ko talaga kayang gawin.
Marami na akong pagkakataong nasayang. Wala na akong magagawa kung ganun na talaga.
Dinaan ko na sa biro pero walang nangyari.
Pero wala nga ba?
May pag-asa ba?
Mahirap eh.
Sobrang hirap.
Lalo na kung nakasisigurado kang...
...may pwedeng mawala at mabawas.
Mahirap magtiis...
Mahirap maghintay...
Mahirap umasa...Pero bakit ba, kung ako naman ang walang ginagawa?
Pipigilan na lang itong damdaming baka sakaling mawala.
A/N: Hi again. Side story ni Kyle. ^-----^ Haha. Masakit ba? Joke.
Thanks for reading. Arigato.