Chapter 5

6 0 0
                                    

Chapter 5

(Diego POV)

Hi readers namiss niyo ba ako, Anyway pagkatapos namin kumain ng lunch pupunta na sana kami sa room ng may bigla kaming nakita ng mga grupo ng mga babae --- I mean fans namin na may inaaway na isang babae sa tapat ng hallway ng school namin and I notice na yung girl ay si  Ms. Delos Reyes mabuti nga sa kanya yan kulang pa nga yan sa ginawa niyang kakahiyaan sa akin.

"Brod diba si Delos Reyes yun." -Jhon

"Oo nga Brod kawawa naman siya tulungan natin." -Nicolo

"Tsk Bakit naman kayo maaawa sa kanya?" -Sabi ko

"Pare hindi ka ba naaawa sa kanya." -Bryan

"Hindi bakit naman ako maaawa sa kanya at saka kulang pa nga yan sa ginawa niyang kahihiyaan sa akin." Sabi ko sa kanila

"Pare alam mo masamang gumanti lalo na sa mga babae at saka diba sabi nila ang mga babae hindi sinasaktan kundi minamahal." -James

"Oo nga pare at tignan mo siya ngayon diba nakakaawa siya dahil sinasampal siya ng mga babae tapos siya lang isa diyan walang laban kundi umiyak nalang." -Jhon

Napa-isip ako doon sa sinabi nila Jhon at James tama nga sila nakakaawa yung babaeng yun kahit na may ginawa siya sa akin at hindi rin tama na gumanti sa kanya. Sa tagal na tingin ko sa kanya hindi pa rin tumigil ang mga babaeng kaaway niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong tulungan siya.

"Oh pare saan ka pupunta?" -Kirby

"Basta sumunod na lang kayo."

Naglakad na kami papunta doon sa hallway kung saan nag-aaway ang mga babae.

"Hey girls stop that." Sabi ko nang makarating na kami sa kanila.

"Ah, hello Diego hehehe" Sabi ng mga babaeng fans ko at tumakbo na sila palayo sa amin.

Tinignan ko ngayon si kyla Delos Reyes at tinignan rin niya ako pero bigla na niyang iniwas ang tingin niya sa akin at pinunasan ang kanyang luha at umiyak ulit. Kailan kaya siya matapos sa pag iiyak niya ano para tuloy siyang bata.

"Tumayo ka na nga diyan wala na sila." Sabi ko

Hindi pa rin siya tumayo tigas nang ulo no saan kaya siya inilihi ng nanay niya

"Hoy tumayo ka na diyan para kang bata." Sabi ko

Sa wakas tumayo na rin siya at pinagpag ang uniform niya.

"Salamat sa tulong huh." Mataray na sabi niya at aalis na sana siya pero hinawakan ang braso niya para pinigilan ko siya

"Teka sandali mag-usap muna tayo." Sabi ko sa kanya at binatawan na ang braso niya

"Huh?" Sabi niya

"Mag-usap tayo tungkol sa ginawa mo sa akin." Sabi ko at nakita ko ang panlalaki ng mata niya sa huling sinabi ko.

"A---ah...ehh....sorry hindi ko sinasadyang gawin yun plss. wag niyo akong bugbugin." Sabi niya na parang natatakot.

"Anong bugbugin pinagsasabi mo sabi ko mag-usap tayo wala akong sinabing bugbugin ka." Sabi ko

"Sabi ko nga eh sorry sorry talaga." Sabi niya

"Ewan ko sayo sumunod ka na lang sa akin pwede." Sabi ko sa kanya sabay hinila ang isang kamay niya.

"H---hoy saan mo ako dalhin?" Sabi niya

"Sa empyerno gusto mo." Pilosopong sabi ko ang kulit niya kasi eh

"Pwede ba wag mo akong pilosopohin tinatanong kita ng maayos." Sabi niya

"Alam mo ang kulit mo." Sabi ko sabay huminto sa paglalakad namin at binitawan ang kamay niya.

"FYI hindi ako makulit ganito lang talaga ang ugali ko kapag may nagsasabi sa akin ng hindi totoo." Sabi niya

"Sa may stock room oh masaya ka na." Sabi ko nakakainis talaga ang babaeng ito.

"Anong gagawin natin doon?" Tanong niya ulit ang kulit niya talaga ano ba siya unli paulit-ulit.

"Mag-usap nga ang kulit." Sabi ko

"Sorry" sabi niya

Naglakad na kami papuntang stock room hindi ko na siya hinawakan ha baka isipin niyo na gusto ko siyang hawakan Hindi noh. Mabuti na lang maliit lang ang tao dito sa hallway ngayon dahil lahat sila nasa cafeteria kumakain kung marami pa sigurong tao dito ngayon pinagtatawanan na nila kami-----este siya lang pala.

Alam niyo bakit ayaw ko tulungan ang mga babae kahit na nakakaawa sila kasi dati may Gf ako na mahal na mahal ko at binigay ko ang lahat sa kanya at hindi ko pinakinggan ang sinasabi ng mga tropa ko na niloloko lang daw niya ako nag away pa nga kami ng mga tropa ko nun kasi sinabi ko sa kanila na mali sila at saka may tiwala ako sa Gf ko pero nung bumisita ako sa condo niya na may kasama siyang ibang lalaki doon ko nalaman na sana nakinig na lang ako sa mga tropa ko at doon ako nawalan ng tiwala at awa sa mga babae.

Nakarating na kami dito sa stock room kung saan kami mag-uusap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

2 Gangster fall inlove with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon