Komprontasyon sa Isang Demonyo

871 11 5
                                    

Feb. 11, 2110

Mahal Kong Diary,

               Sawang sawa na ako sa mundong ito… Kahit saan… sa telebisyon, sa radyo, kahit saan… Puro patayan, nakawan, iisa lang ang laman. Bumili ako ng DN Card (Daily News Card), pagbukas ko sa aking Card Reader,  ang Headline:

”Pitong Taong Gulang na Bata, Ginahasa ng Guro...”

               Para saan pa ang mga relihiyon? Sino ba ang sinasamba ng mga tao ngayon? Si Allah ba? Si Buddha ba? O ang Diyos naming mga kristyano… si Kristo?

               Bakit ko pa nga ba itinatanong ang walang katuturang tanong na ito… Isa lang ang maaaring sambahin ng mundong walang pag-asa… Sa likod ng mga lumilipad na sasakyan, mga nagtataasang gusali, sa kahangahangang kaunlaran ng teknolohiya… Sa likod ng pag-unlad ay nagkukubli ang nag-iisang panginoon ng masamang mundong ito… ang KASAKIMAN.

               Ngunit kanina lamang ay natuklasan ko ang isang katotohanang nagkukubli sa likod ng mga katotohanang dati ko nang nalalaman… misteryong nagkukubli sa likod ng pag-unlad. Isang misteryo ang nagpabago sa saili kong paniniwala.

               Kanina, kakahimbing pa lamang ng pulang at kakasilip pa lamang ng buwang hugis arko na kumikinang sa kagandahan ng mapusyaw na liwanag, pasakay ako sa aking bagong pulang HOVER CAR na maghahatid sana sa akin pauwi, ay may pangyayaring naglapit sa akin sa karit ni Kamtayan. Isang Delivery Truck ang sumalpok sa SKYSCRAPER na kalansay pa lamang na gawa sa bakal ang naitatayodoon mismo sa pinagparadahan ko ng aking sasakyan.

               Yumanig ang lupa dahil sa puwersa ng pagsalpok ng ambuhalang trak at pagkakalas ng mga bakal mula sa itinatayong gusali.

               Nakita ko ang pagbulusok ng mga nakalas na bakal patungo mismo sa aking mga mata nang maipikit ko ang mg ito dala ng takot. Kasabay ng pagdilim ng aking mga paningin ay nadama ko ang tibok ng aking puso… TUG-DUG… TUG-DUG… TUG-DUG… Simbilis at sinlakas ng isang libong torong sabay-sabay nagwala..

               Pagmulat ng aking mga mata, pula’t itim ang mga kulay na bumulaga sa aking paningin. Ang mga kulay ay mukhang kasing gaspang ng balat ng buwaya.

               Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata, mga matang nagtatanong kung bakit nakakapagtanong pa ang mga matang dapat ay wala nang buhay, ay nagkukubli sa katahimikan ang tinig ng nagpapasalamat kong puso… nagpapasalamat sa pulang imaheng nagligtas sa aking buhay.

               Nang malimot ng aking katawan ang gulat, nasilip ko ang bagay na nagligtas sa akin. Mayroon siyang pakpak na tulad sa paniki, mga matatalim na tinik na nagmumula sa napakakapal na pulang balat na tila nagsisilbang baluti, mga matatalim at mahahabang kukong gawa sa bakal, tila mga sandatang para sa pagkitil ng buhay, at mga pulang matang nakatitig sa akin, tila nais akong tunawin.

               Napupuno ng mga tao ang paligid ko noon… mga taong mas inuna pang matakot at maawa sa karanasan ko kaysa tulungan ako… mga taong nang  magpakawala ang ng  sigaw na makabasag pinggan sa tinisay nagbulasan sa takot… takot na nabuo at nagkaroon ng anyo sa imahen ng halimaw na lumilipad sa aking harapan.

Komprontasyon sa Isang DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon