Memories: One

2 1 0
                                    

One - “He Came Back

“Andiyan ka lang naman pala,” kinuha ko ang aso ko na kanina ko pa hinahanap “pinag-alala mo pa ako.”

Ilinagay ko siya sa puwesto niya which is outside my bedroom’s door. Kinuha ko ang food niya at ilinagay ito sa food bowl niya. “Bye Kinah, be good here ah?” atsaka ko niyakap ang aso ko na ang pangalan ay Shekinah at bumaba na sa stairs.

“Mom, I’ll be going to school na. Bye, I love you!” sigaw ko kay mama na nasa kitchen, may ginagawa. Bigla namang nag-ring ang phone ko, someone’s calling, and it’s my best friend.

“Hello Alexandra?” I answered the phone call.

“Where are you? Dadaan ako diyan sa inyo. Kung wala ka pa sa school, sumabay ka nalang sa’kin.” She said, at tila ba nagda-drive nga siya.

Lumabas ako ng bahay, “Perfect, wala ding maghahatid sa’kin ngayon eh. You are a blessing Alexandra!”

Narinig ko na tumawa siya dahil sa sinabi ko, “I’m almost there na, and that means I’ll end the call. See you there Kyzara, bye!” at tinapos na nga niya ang phone call.

Nag-salamin muna ako at nakitang hindi pa pala ako nagsu-suklay. Kaya kinuha ko ang comb ko atsaka sinuklayan ang buhaghag kong buhok.

Kakatapos ko lang din mag-suklay, may nag-beep na sasakyan sa harapan ko. It’s my best friend—Alexandra. Pumasok agad ako sa front seat ng car niya para tabihan siya.

“Good morning Kyzara!” bati niya sa’kin na tila bang, parang ang saya niya. “May sasabihin ako sa’yo mamaya! Gosh!” Bakit kaya napaka-enthusiastic niya ngayon? Eh madalas bad mood siya kapag umaga eh.

Nag-seatbelt muna ako bago magtanong sa kaniya. “Oh, bakit parang ang saya mo ata ngayon?” She looked at me with her right brow raised. “Akala ko ba, ‘mornings are really irritating!’ ” I copied how she sounds and how she acts kapag sinasabi niya ang phrase na ‘yon.

She just laughed atsaka sinabi niya sa akin na mamaya sasabihin niya. I just nodded. Hanggang sa makarating kami sa school, she’s still smiling. Smiling so wide, ano kaya ang nagpapasaya sa kaniya ngayon? Nanalo ba siya ng lotto? Haha.

Binaba niya ako sa school gate, ipa-park niya pa kasi ang car niya. Yes, we’re still High School Students but she already got her own car. Actually, marami na sa amin dito sa school ang may sarili nang car. Spoiled yung mokong na ‘yon eh, and also may pera naman sila kaya binilhan siya ng family niya. And me, may pera naman kami ah but I still don’t want to have my own car. #DefensiveAngAteNiyo

Hinila kaagad ako ni Alexandra papasok sa school, ang bilis niya ah, may lahi ba siyang the Flash? And ang daming nag-greet sa kaniya ng ‘Advance Happy Valentine’s Day’ ah. Ay wow, ba’t siya lang? ‘Di ba nila ako nakikita? Haha. February na pala, ang ‘month of love’ daw. Napansin ko din habang naglalakad kami sa hallways, ang dami nang decorations for Valentine’s. Ano kaya yung mga activities for this month?

Nakarating na pala kami sa locker namin, kinuha ko ang books na kailangan ko for our morning classes. Sinilip ko si Alexandra, pero nakatulalang ngumingiti siya sa harapan ng locker niya.

“Xandra? Okay ka lang?” Tinanong ko siya, nag-aalala na din kasi ako eh. Baka kailangan nang ipadala ‘to sa mental hospital.

“Ah? Oo.” nag-pause muna siya at isinuot ang bag niya, “Let’s go?” she asked. I zippered my bag close and my locker shut. Then we started walking towards our first subject.

---

Maya-maya lang, natapos na namin lahat ng morning subjects. Dumerecho agad kami ni Alexandra sa cafeteria para makakuha na ng pagkain. Gutom na ‘ko eh! Ba’t ba?!

“Ako nalang ang mago-order. Pumunta ka na sa table natin.” Sabi ko at pumila na sa linya sa counter. Ilang minuto, pagkatapos kong makuha at mabayaran ang mga pagkain, sumunod na ako kay Xandra patungo sa table namin.

Umupo agad ako, kinuha ang kutsara at tinidor, at kinain ang fried chicken na ni-order ko kanina.

“Gutom na gutom ka nga talaga, confirmed.” ani ni Xandra, na ang grape juice naman ang iniinom.

“Grabe— ” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang nabuga ni Alexandra ang iniinom niyang juice sa mukha ko.

And the cafeteria was filled with chaos. All of the people looked at the door, including the server, Alexandra and others. I also looked at the door where everyone is looking at.

Oh.

He walked to a large table with many students around— which I believe are his new friends. He looks so different now. Wow.

But I’m glad to see you again, Sebastian Azrel Garcia.

***

Author’s note:

What do you think? Is Kyzara related to that man? How?

By the way, thank you to those who thinks that this story will have a great success. Lovelots! And see ya!

@sofiwenzxc

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Azrel's Special MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon