Chapter 6 - I love you

567 90 5
                                    


DALTON

Hindi ako makamove on! nahalikan ko rin ulit siya sa wakas. Her lips were so soft, ugh. Nagising ako mga bandang 7 am para maipagluto ko pa si Yana na breakfast. Nagluto ako ng favorite niya dati fried rice with matching isda. Natapos ko rin ang pagluluto ko ng marinig ko siyang nagsalita.

"Aga naman magising nito" sabi niya sa sarili niya. I smirked. Sumulpot na ako sa bedroom para magsalita.

"Siyempre, kailangan ko maghanda ng almusal para sa bebe loves ko" pajeje kong sinabi, kasi palagi siyang naaasar doon. Ang cute lang niya kasi pagnaaasar.

"Kadiri, jeje mo Dalton" maarte niyang sinabi.

Ilang mga kulitan, lambingan, tampuhan at halikan ang nakalipas, sa wakas nakapunta na rin kami sa pool. Medyo mainit ang sinag ng araw dahil mga bandang 11 am kami nakapunta. Pumunta ako kay Mark habang si Yana ay pumunta kay Ella. Mayroon doon maliit na bar para sa mga nags-swimming sa gabi, pero ayoko uminom ngayon kasi my girl is here, pero baka uminom parin ako fuck. Nakapagready na kami at naghubad na rin ako ng t-shirt mga ilang minuto ang nakalipas at lumapit sa akin si Yana.

"Huy, magdamit ka nga" saway niya sa akin.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Masyado bang nakakasilaw abs ko?" mayabang na tanong ko kay Yana.

"Share mo lang? Andaming nakatitig na babae sayo. Magsuot ka na ng damit!" pagpilit niya.

"Ayaw, hmp" sabi ko at nagcross-arms.

"Bahala ka nga 'di na ako makikipagdate sayo!" sabi niya at tumalikod. Niyakap ko siya at nagsalita.

"Joke lang! Ito na nga o nagtt-shirt na ako" sabi ko.

"Good boy" sabi nito.

Pumunta na kami sa pool at nagswimming. Tinanong ako kanina ni Yana kung saan daw ako natutunong magswimming. Swimming athlete kasi ako dati kaya marunong talaga ako. Naglaro kami nila Mark, Ella, at Yana. Si Ella ay nakapasan sa mga balikat ni Mark, habang si Yana naman ay nakapasan sa balikat ko.

" Kung sino unang matumba, talo!" sigaw ni Ella. Tumango kami bilang sagot.

Nagsimula na kami maglakad ni Mark upang umatake. Binilisan ko ang paglakad ko para mas mauna kami. Naghawak kamay na sila Yana at Ella sa taas upang magtulakan. Tawa lang ng tawa si Yana, shit ngayon ko na lang ulit narinig yung tawa niyang ganon. Yung parang bumalik kami sa dati. Ayoko muna sabihin sa kanya na ako yung dating nagpupumilit na ako ang jowa niya, dahil baka mapalayo nanaman ang loob niya sa akin. Naramdaman ko na may pumapalo sa akin, si Yana.

"Hoy, tulala ka n-" hindi niya na natuloy ang sinabi niya nang bumagsak siya. Hindi ko napigilang hindi tumawa.

"Epal!" irritadong sigaw niya sa akin.
Habang ako ay tawa parin ng tawa.

"Bahala ka nga diyan!" sigaw nito.

"Lagot!" sigaw pareho ni Ella at Mark. Ako ito 'di parin nauubusan ng hangin sa katawan at tawa parin ng tawa. Nakita kong seryoso ang muka ni Yana at nag walk-out. Shit, bad, bad, bad, wrong move Dalton! Agad akong umahon at tinanggal ang t-shirt ko dahil basang-basa na ako, nagpunas rin ako gamit ang provided towel ng hotel. Hinabol ko siya papunta sa bench dahil doon siya pumunta.

"Y-yana! sorry pinagtawanan kita" pahingal kong sinabi. Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa
pags-scroll sa cellphone niya. Kaya kinuha ko iyon at itinaas.

"Ano ba?!" sabi niya habang natingkayad.

"Bleh, 'di mo makukuha liit!"
pang-aasar ko.

"Give it back!" sabi niya. Tumingkayad ulit ito pero nasub-sob ito sa dibdib ko. Napatingin ako sakanya at kitang-kita mo na namula siya.

Meeting my DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon