pagdating ko sa bahay ay bigla kong naalala si Misoo. teka, kinarma ba ako dahil ginalit ko siya kanina ? hindi niya naman siguro tinawagan si hailey upang awayin ako diba ? pch
sinilip ko ang bahay niya . teka parang sarado ata wala ba siya ? saan naman pupunta iyon eh wala naman siyang kaibigan dito sa village namin at hindi talaga naglalakwatsa iyang batang iyan .hhmmmm
dahan dahan akong umakyat sa puno niya . nang malapit na ako sa pinto ay nababasa ko na ang nakapaskil dito
"Soya banned . do not enter"
Aba aba aba ! bastos tong batang ito ahh !
tok tok tok !
" hoy Misoo !"
walang sumagot
"Misoo buksan mo , alam ko nandiyan ka "
sipain ko na ba ?
"sisipain ko tong pinto mo!"hakhak tingnan naten,
"subukan mo " ha ? teka . parang ang layo naman ata ng boses ni Misoo
lumingon lingon ako. sa baba , sumilip ako sa bintana at wala pala siya sa loob aba ! nasaan ?
"look up "
tumingala ako at andon nga siya sa kabilang sanga na mas mataas . hindi ko kase makita kanina dahil nag camouflage ang punyeta naka kulay green !nakakasuka parang caterpillar .
"oh ba't nandiyan ka ?" nangangawit na paa ko dito sa hagdan
" ba't nandiyan ka din ? hindi mo ba nababasa ? youre not allowed here "
" ang OA mo Misoo alam mo iyon ?"
"hindi . mas OA ka Soya sana mas alam mo iyon "
haisstt , kahit kailan bastos tong batang to.
" baka nakakalimutan mo , Ate ako "
" wala namang pinagkaiba, ma Ate o bunso ka pa parang grade 1 ka parin kung umasta " WHAT !
" HOY MISOO ! sumosobra ka na ha "grrrrrt galit na ako oo
nag poker face lang siya at itinutok sa akin ang watergun niya . ahhhhrrrggh ! ba't ang malas ng araw ko ngayon ?
"oops !oopps ! okay bababa na ako tumigil ka Misoo ha !" at wala na akong magagawa kundi lubayan nalang siya . baka mamaya mahulog pa ako dito dodoble mga pasa at bukol ko sa katawan " PANGET !!!"
HINDING HINDI KITA PAPANSININ HANGGANG ISANG BUWAN !
*kinabukasan*
Hello world !
Linggo. mag sisimba pala kami ! kailangan ko nang maligo
(after 1 hour and 21 mins)
woah, ang bilis ko no ?hihi
naka floral dress ako. parang summer lang ? gusto kase ni mama ang mga ganito minsan tuloy napagkakamalan kaming kambal ni Misoo dahil halos magkaparehas kami ng mga dress at si mama ! nag tutwinning pa minsan so triplets na hakhak ang ganda kase ni mama parang hindi umedad .
"goodmorning everyone ! I'm done !" maligaya kong bati pagkalabas ko ng kwarto
"akala ko nga hindi ka na matatapos eh "
ang Misoo ! hmmp ! hindi ko siya papansinin . huhu ang bad ko linggo pa naman ngayon di bale magdadasal ako ng mahaba mamaya"wow ang ganda niyong dalawa bagay na bagay sainyo ang mga pinamili ko " mama
pinagmasdan ko si Misoo at parehas pa talaga kami ng damit . hay coincidence lang ba to ? di bale, mas maganda parin ako hikhik
YOU ARE READING
Halfworld
Teen FictionAng storyang ito ay binubuo ng iba't ibang uri ng normal at kakaibang tao. Namumuhay sila sa hindi perpektong mundo at samu't saring katanungan ang dapat nilang bigyan ng sagot upang bigyan ng linaw ang lahat ng mga pangyayari . Saan ngaba sila nagm...