Prologue:

6 0 0
                                    

I am a Princess.

Not known to my immortal kinds.

I am different.

I was raised differently from the other Princesses

My story? Is a mess- full of chaosity.

Because I am for destruction only.

Because I was only born for the evil domination.

*******************


Bumukas ang pinto ng silid ng Prinsesa at iniluwa doon ang manggagamot ng mga Austmid Royalties na si Petercian. Ito'y maliit at nakasuot ng ordinaryong kulay abong kasuotan mula itaas hanggang baba. Nabaling ang kanyang tingin sa Reyna at sa Princesa. Ang Princesa ay natutulog, ngunit magkagayun paman ay kitang-kita mo parin ang kanyang paghihirap kahit sa pagtulog, marahang hinahaplos ng Reyna ang buhok ng anak na Prinsesa.

Yumukod si Petercian bilang pagbibigay respeto sa Reyna at Prinsesa. "Reyna Helsin, ano ang maipaglilingkod ko sainyo?" Magalang na tanong ni Petercian habang sya'y puspusang kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Tagaktak din ang mga butil ng kanyang buo-buong mga pawis.

"Ang Prinsesa. Iyong tukuyin ang kanyang karamdaman." Labis ang pag-aalala ng Reyna sa anak atsaka tinitigan sya. Ang kanyang mga matang kulay dilaw ay punong-puno ng pangamba "Hindi mamataan ng aking kapangyarihan ang kanyang karamdaman, kaya nakikiusap ako Petercian." Ani Reyna, tumango ng marahan si Petercian


Ipinikit ni Petercian ang kanyang mata at sa pagbukas nito ay naging purong asul na ang mga mata nito. Hudyat na isa sya sa mga Austmid na nabibilang sa mga manggagamot. Lahat ng may puting kapangyarihan ay isang Austmid, iba-iba ngalang ang katayuan sa buhay. Sila ay ang mga Austmid na may iba pang pangalan bilang pagbibigay indekasyon sa kanilang katayuan.

Biglang natigil si Petercian "Hindi sya natutukoy ng aking kapangyarihan lamang. At kung iyo pong mamarapatin nais kong hawakan ang palad ng prinsesa upang ito'y aking matukoy, dahil tiyak na gagana ito, walang pag-aalangan." Abiso ng manggagamot, seryosong tumango ang Reyna.

Dahan-dahang hinawakan manggagamot ang palad ng tulog na Prinsesa, ito'y pumikit atsaka pinakiramdaman ang loob ng Prinsesa.

Gumuhong mundo ng immortal...

Pagkatalo ng mga Austmid...

Babaeng nakaitim na Cape na may hood...

Ngumingiti habang sinisilayan ang mundo na gumuguho...

Paglakas ng mga Termañes Dark Dimensional Power...

Dugo...

Mga labi...

Itim na kalangitan...

Sphere m Academy: THE UNWANTED PRINCESS (On-hold)Where stories live. Discover now