Chapter 2

4 3 0
                                    

LAURENCE POV

'Ang ganda niya pa lalo' sabi ko sa isip ko habang nakatingin kay Irah

Nalaman ko kasi na darating siya galing sa Baguio kung saan siya pumunta noong maghiwalay kami akala ko noon ay babalik siya pero nalaman ko nalang na dun na siya nag-aral at di na bumalik pa at ngayon lang siya bumalik hinintay ko siya hanggang sa bumalik siya ng sa gayon ay makapagpaliwanag ako pero di na siya bumalik. Bumalik lahat ng alaala namin sa isa't isa ng makita ko siya ngayon habang nakaupo sa bangko na gawa sa kawayan habang kasama si Alodia na nakilala ko noong kami pa nakatingin si Irah sa malayo na parang ninanamnam ang ihip ng hangin napangiti ko siyang tiningnan at di ko naiwasan na malungkot at maluha dahil yung babaeng niloko ko ay nasa harap ko na at parang okay na okay na.Biglang tumayo si Irah at bigla din akong nagtago sa may puno ng mangga para di ako makita at ng makita ko siyang tatalikod na ay tinago ko ng mabuti ang sarili ko para di niya ako makita at ng makadaan na siya sa harap ko ay sinundan ko siya ng tingin at nagpasyang sundan pero patago pa rin at mabuti naman at di niya na halata na may sumusunod sakanya. Nahinto siya sa isang lugar

Ang lugar na yan

Tiningnan ko ang malaking puno na kaharap niya natigilin siya ng konting segundo saka lumapit sa puno lumapit din ako pero di gaano kalapit  yung sakto lang para makita ko kung anong ginagawa niya at yun na nga nakita ko siyang nilapitan at hinawakan ang inukit ko noong pangalan naming dalawa. Napapikit ako habang naalala ko nanaman yung panahon na yun

~~FLASHBACK~~

"Oy Laurence ikaw ang taya ah" sabi ng mga kalaro ko naglalaro kasi kami ng taguan

" Oo na sige na ang daya nyo naman" sabi ko

"Dun ka sa malaking puno humarap ah" sabi nila

"Oo sige na bilisan lang ninyo ha hanggang sampo lang bilang ko" sabi ko at naglakad na patalikod at pumunta sa puno na napakaganda

"Ano magbibilang na ako ha" malakas na sigaw ko

" Sige magbilang kana Laurence walang daya yan ha" sabi nila

"Sige, Isa" sabi ko habang humapit sa puno at patakod na naupo malinis naman dun at tanging nahulog lang na tuyong dahon ang nandoon at di mainit kasi natatakpan ang araw ng madaming dahon

"Dalawa" pagbibilang ko pa

"Tatlo"

"Apat"

" Lima"

"Anim"

"Pito"

'Huhuhuhuhuhuhuhu'

Nabigla ako ng may marinig akong umiiyak sa takot ko ay bigla akong napatayo at napalayo sa harap ng puno

"May tao ba jan?" sabi ko habang takot na nakatingin sa puno

Walang sumagot kaya lumapit ako ng bahagya at dahan dahang nilapitan yung banda kong saan naririnig ko yung iyak at nagulat ako ng bigla may nakita akong batang babaeng ka edad ko ang nakaupo at umiiyak agad ko itong nilapitan

"Hoy Bata bakit ka umiiyak?" tanong ko sa bata na tumingin naman sakin at sumisinghot singhot

"Inaway ako ng kalaro ko di daw nila ako isasali sa laro nila" umiyak nanaman ito habang nakatingin sakin

"Tumigil kana kakaiyak mo bata ,ito oh" bigay ko sakanya ng panyo at tinanggap niya ito at pinunasan ang luha sa mata at saka tumingin sakin

"Sino ka?" tanong niya

" Ako si Laurence, ikaw?" pagpapakilala ko

"Ako si Irah" sabi nito at tumayo bigla kaya napatingin ako sakanya

"Pwede ba ikaw nalang kalaro ko?" biglang sabi nito habang nakatingin pa sakin

"Ha? Oo sige ba" sabi ko at tumayo na rin at hinarap siya

"Sigeeee Yeheyyyy may kalaro na ako" sabi nito na tawang tawa

" Sige buti nga din may kalaro na din ako" sabi ko

Naging magkaibigan nga kami ni Irah simula bata hanggang sa lumaki kami kapag may umaaway sakanya ay agad kong pinagtatanggol at kapag nahihirapan siya sa school works niya at tinutulungan ko siya naging maganda ang pagkakaibigan namin at ng sumapit ang birthday ko 15th birthday ko ay inaya ko siya sa puno na yun at dun kami nag kwentohan

"Tanda mo pa ba noong una kita ditong nakita umiiyak ka pa nun" kwento habang tawang tawa

" Oo at umiyak ako nun dahil di ako sinali sa laro HAHAHA" tumawa siya habang inaalala yun

" Natakot ako nun kasi naglalaro kami ng taguan tapos bigla akong may narinig na iyak kaya natakot ako" kwento ko pa habang tumatawa

"Iyakin ako nun kasi e" sabi ni Irah

"Kahit ngayon din naman" sabi ko at tumingin sakanya at nakita kong nakatingin sa sa puno

"Anong tinitingnan mo jan?"tanong ko habang tumingin sa tinitingnan niya

" Kung iukit kaya natin pangalan natin dito hanggang sa tumanda ba tayo ay nandito pa rin itong puno na ito?" patanong na sabi niya

" Oo naman teka may kukunin ako" sabi ko habang hinanap sa bag ko yung gunting at lumapit sa tinitingnan niyang part ng puno at inukit ang pangalan naming dalawa

Laurence And Irah

"Ayan oh" sabi ko ng matapos ko yung iukit

Nakita ko siyang ngumiti ng malaki at namamahang lumapit sa inukit ko at hinawakan yun saka tumingin sakin ng sobra at doon ko lang nakita na ang ganda niya pala lalo na kapag nakangiti kaya napangiti din ako sakanya

~~END OF FLASHBACK~~

Napabalik ako sa realidad ng makita ko siya naupo dun at nakayuko di ko alam ginagawa niya kaya nilapitan ko unti at nabigla ako ng marinig ko ang hikbi na, Umiiyak siya gusto ko man siyang lapitan at paaluhin sa pag iyak pero di ko kaya kaya halos mangilid din ang luha ko kasi alam ko nasasaktan pa rin siya kaya imbes lapitan siya ay tiningnan ko nalang siya sa malayo at ng makita ko na di na siya umiiyak at parang nakatulog ay dun lang ako lumapit dahan dahan akong lumapit at saka lumuhod at pinakatitigan siya

'Noong una kitang tinitigan ay akin ka pa pero di ko aakalain na sa sunod kong titigan ka ay tiwalay na tayong dalawa'

Matagal akong naganoong posisyon nakatingin sakanya habang siya ay parang himbing na himbing sa pagkakatulog gusto kong hawakan ang mukha niya pero natatakot akong magising siya at makita niya ako at ganon ang pagkabigla ko ng bahagya siyang gumalaw at imunulat ang mata

"Sino ka?" biglang sabi niya at tumayo habang ako naman ay nakatingala sakanya at gulat na gulat din

"L-auren-ce?" utal na sabi niya habang nakatingin sakin

"Irah" tumayo din ako at humarap sakanya na miss ko na makita ang mukha niya bigla akong nakaramdam ng lungkot habang nagkakatitigan kaming dalawa mata sa mata at nadismaya ako ng mag iwas siya ng tingin at pagbaling niya ay nagulat siya ng nakita na nakatingin pa rin ako

"Kamusta kana Laurence?" biglang tanong niya at pilit na tinatago niya ang pag kautal

"Okay naman,Ikaw Irah kamusta?" tanong ko

"Maasyos naman siguro yung lagay ko masaya" sabi niya at ngumiti

"Buti naman kung ganon" sabi ko

Bigla akong napatingin sa bulsa niya ng mag ring ang cellphone ni Irah at nakita ko na may tumatawag sakanya at  sinagot niya agad ito

"Excuse me" sabi niya sakin kay at ipinakita na may kakausapin lang siya,tumango naman ako kaya tumalikod na siya

Lumayo siya unti para di ko marinig ang pinaguusapan nila kaya tiningnan ko siya habang nakatalikod at nagpasyang umalis na tahimik akong lumisan doon at alam ko na hahanapin niya ako doon pero tama na yung konting minuto na nakita kita Irah

'Sa susunod na magkita tayo di na tayo tulad ngayon dahil sa sunod babalik tayo kung saan nagsimula ang nakaraan nating dalawa'

The Past And PresentWhere stories live. Discover now