In Love With My Gangster Teacher - ALEXANDER KUROSAWA [One-Shot]

1.4K 51 10
                                    

SUBWAY STATION 

*beng* 

*bugsh* 

*pak* 

*blagsh* 

Isang natural na araw ng bugbugan nanaman para sa grupong Magic Five at ano pa nga ba ang inaasahan? Panalo nanaman sila. Ano pa nga ba ang inaasahan mo sa pinakamalakas na grupo sa buong asya. 

Si Alexander ay nakamasid lamang sa isang banda. Nakakasigurado na kasi na kaya na ng mga kagrupo nya ang laban. 

"Sa susunod na maghahamon kayo... Kilalanin nyo muna kung sino ang kinakalaban nyo." seryosong saad ni Kris. 

"Sensya na Boss! Di na mauulet!" pagmamakaawa ng isa sa mga nakalaban nila. 

'Hayss. Napakalakas ng loob na maghamon, mga wala naman pala' anang isip ni Alexander na napaismid na lang. 

"At sa susunod sa morgue na kayo didiretso mga bastardo." sigaw ni James. 

"Halika na! Nagsasayang lang tayo ng oras dito!" tumayo na si Foxx at nag-ayos na ng uniporme nya. 

Akmang hahampasin ng isa sa mga nakalaban nila si Keith ng mabilisang lumapit si Alexander dito.

Agad nya itong hinawakan ng mahigpit sa leeg nito kasunod ang pagtingin nya dito ng titla nakamamatay. 

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. 

"K-KUROSAWA!!" bulalas ng lalaki kasunod ang pagkatakot dito. 

"Subukan mo! Nang maaga mong marating ang paraiso!" pinandilatan ito ni Alex at inismidan. 

Pagkabitaw dito ni Alex ay dali-dali itong tumakbo kasama ang iba pang mga bastardo. 

Lumapit si Foxx kay Alex at umakbay sa balikat nito. 

"Chillax lang pare!" Sabi ni Foxx kay Alex. 

"Oo nga pala, may bago daw tayong teacher aah." pag-iiba ng usapan ni James. 

"Chikas nga daw pre!" excited na sabat ni Kris. 

"WOW?! Sana sexy at maganda!" Kieth. 

"Tama ka dyan pare!" pagsang-ayon nito at nakipag-apir pa kay Keith. 

"Teka mga pare. Si Alex, anlalim nanaman ng iniisep oh! Si Miel nanaman siguro!" saad ni Foxx. 

Sinamaan sya ng tingin ni Alex. Tumahimik naman ito na tila naiintindhian nya na ayaw pag-usapan ni Alex si Miel.

Humiga sila ng nakapila sa damuhan sa may tabing ilog. 

"CUTTING TAYO!" masiglang panimula ni Keith. 

"Nagka-cutting na nga tayo diba?" pambabara ni James. 

"Bobo yan si Keith eh! HAHAHA!" sabi naman ni Foxx. 

"Weeh? Hiya naman ako sayo Foxx?" pagbabalik nito kay Foxx "Ibig kong sabihin, mayang shift!" pagpapatuloy nito. 

"Okay! I'm in!" Kris. 

"Sure. Favorite subject ko ata yan eh." papito-pitong sabi ni James. 

"Ako din!" sabi ni Kris pagkatapos hithitin ang sigarilyo nya. 

"Ikaw Alex?" tanong ni Keith dito. 

Tumayo na si Alex at nag-ayos ng uniporme. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love With My Gangster Teacher - ALEXANDER KUROSAWA [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon