Love at First.... BITE?! [2]

800 12 1
                                    

Chapter 2 Bitten

Pumasok na kami sa classroom. Buti nalang talaga may dumaan na teacher. Sinamaan ako ng tingin ni Zero pero syempre di ako nagpasindak sa kanya.

May mga assigned sits na kami. May mga pangalan na nakadikit sa mga armchairs namin. At dahil V ang start ng surname ko, ayun dun ako sa dulo. Loner na naman ako dito. Pero ayos na din itong alphabetical atleast malayo ako dun sa worst nightmare ko.

Lumapit naman si Yunice sa akin at umupo sa tabi ko.

"Oh bakit nandito ka?"

Tanong ko sa kanya habang inaayos yung mga gamit ko.

"Wala lang. Salamat nga pala kanina ah." sabi nya sabay tingin sa pangalang nakadikit dun sa inupuan nya.

"Ayos lang yun. Sanay na naman ako sa kanya."

"Vlad Cri...us? V...." kumunot yung noo nya. Tiningnan ko naman kung ano yung binabasa nya.

"Vryconia" sabi ng isang di pamilyar na boses.

Sabay kaming napatingin ni Yunice sa pinanggagalingan ng napakagandang boses na yun. Ang gwapo ng boses nya.

Natulala kami pareho ng bestfriend ko. Napakagwapong nilalang naman nito. Artista ba to? Maputi sya pero mas maputi pa din ako. EMO style yung buhok nya pero unlike the other emo guy na mukhang mabaho this guy look so yummy... I mean so clean. I love his eyes. Di sya totally singkit pero makikita mo na may pagkachinito sya. Super black ang mga mata nya. Wow. Matangos ang ilong at ang cute ng lips nya. Parang heart shape. Basta ang gwapo nya. Perfect feature.

"Upuan ko yan di ba? Tabi nga!" sabi nya kay Yunice na halatang naiinis.

Aba may attitude pala itong mokong na to ah.

Tumayo naman si Yunice na parang di affected sa sinabi nitong lalaking ito. Sya siguro si Vlad. Pinili ko ng manahimik. Tama na ang isang away sa araw na ito. Yumuko nalang ako sa mesa ko dahil di ko mapigilan ang sarili kong titigan sya. Naririnig ko ngang nagbubulungan yung mga kaklase kong babae.

Maya-maya lang dumating na yung teacher namin. Mukhang wala namang balak mamansin tong katabi ko. Wala din akong balak batiin sya noh. Masungitan pa ako.

Nagpakilala naman kami isa-isa. Ito ang ayoko sa lahat eh. Mapapahiya na naman ako. Si Zero pa. Panigurado may gagawin na naman tong kalokohan.

"Miss Villegas" tawag sakin ni Ma'am Carmona.

Homeroom teacher namin sya. Isang salita lang ang mapangdi-describe ko sa kanya and that's T.E.R.R.O.R. Yep, she's a terror teacher. Super strict at sunget. Medyo mataba sya at may edad na pero OA kung magmake up kaya clown tawag sa kanya ng mga kaklase ko.

Lumakad na ako papunta sa harap at sa kamalas-malasan ay madadaanan ko pa ang upuan ni Zero. Dahan-dahan akong naglakad. Kahihiyan na naman to. Nagulat ako nung biglang tumayo si Zero at inakbayan ako.

"Good luck Theia." tapos ngumiti sya ng nakakaloko. Alam ko yung ngiting yun. May kalokohan na naman to kaya bigla akong napalayo sa kanya.

Pumunta na ako sa harapan dahil masama na ang tingin sakin ng teacher namin.

"Hi, I'm Altheia Devone Villegas but you can call me Theia."

Bigla namang umepal si Zero.

"How do you spell your name? Can you write it in the board."

Ano to elem.? Kailangan ko pa isulat yung name ko? As if naman di nya alam yun. Kaso itong magaling kong teacher nakisang-ayon naman. Lakas trip ah. So ako naman itong si sulat. Nagulat nalng ako ng marinig ko silang lahat na nagtatawanan maliban lang dun sa isang lalaki sa dulo na mukhang may sariling mundo. Nakatingin sya sakin pero walang expression yung mukha nya. 

"Silence!!" sigaw ni ma'am Carmora. 

Natahimik naman lahat pero nakatingin sila sa akin na para bang ako yung pinagtatawanan nila. Parang nga lang ba? Tumingin ako kay Yunice at tinuro nya yung likod nya. Nung una hindi ko nagets pero naintindihan ko din naman. Lumakad ako papunta sa upuan ko habang tinatanggal yung nakadikit na papel sa likod ko. Binasa ko naman yung nakasulat.

'WANTED BOYFRIEND parang awa nyo na patulan nyo na ako.'

Nag-init talaga ang dugo ko. Pasalamat sya may teacher kundi baka di na ako nakapagpigil. 

Mabagal lumipas ang oras. Siguro dahil badtrip ako. Syempre nakakabastos naman yung ginawa nya di ba. Laking tuwa ko talaga nung uwian na. Pero mabilis ding naputol ang kaligayahan ko ng ipatawag ako dahil may piano lesson daw ako. Nakakainis naman oh. Kung kelan uwing uwi ako tsaka pa may humahadlang.

Gabi na rin kami natapos. Madami kasing pinatugtog sakin dahil matagal din akong nahinto sa pagtugtog. Nagbakasyon kasi eh. Buti nalang maliwanag yung buwan kaya di na ako masyadong natakot sa paglalakad. Medyo malayo yung bahay namin pero walking distance pa rin naman.

Habang naglalakd ay nagulat ako sa nakita ko. Si Vlad yun ah at lumiko sya sa may eskinita. Matingnan nga. Pagsilip ko ay nakita ko syang nakatayo dun at nakatingala. Problema nito? Nilapitan ko sya.

"Vlad?? Ikaw ba yan?"

Lumingon sya sa akin. Di ko alam pero bigla akong kinilabutan. Dahan-dahan syang lumapit sakin. Nakaramdam ako ng takot sa kanya. Kakaiba na kasi yung tingin nya sakin.

"Ah sige. Una na pala ako." tumalikod ako sa kanya at nagsimula ng maglakad.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin mula sa likod. Napakahigpit. Halos di na ako makahinga. Napasigaw nalang ako sa sunod nyang ginawa. Napakasakit. Kinagat nya ako sa may balikat. Pinilit kong kumawala pero masyado syang malakas. Bigla nalang akong nagblack out.

Love at First... BITE?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon