Ilang taon na ang nakakaraan ng huling makita ni CD Lapira si Clarissa.
Alam nyang may gusto ito sa kanya noon pa man pero bigla nalang itong naglaho ng parang bula.
Hindi nya alam kung saan nya ito hahanapin lalo pa't ngayong sikat na sya dahil sa paglabas nya sa telebisyon...
Hindi na sya nagkaroon ng oras para hanapin pa ito dahil kaliwa't kanan ang offers sa kanya...
Kung sana pinahalagahan ko sya noon pa, siguro nagsawa na sya sa kakahabol sakin, di nya lang alam...
Sambit ng utak nya..
Samantala..
"Wala ka na talagang naalala clarissa??" Sambit ng matalik nyang kaibigan
Umismid sya sa kaibigan sabay sabing:
"Wala na akong pake sa nakaraan ko, basta masaya na ako ngayon."
Namamasyal sila ngayon sa parke, hindi nya mawari kung bakit gusto nyang pumunta dito...
Alam nyang sampung taon na ang nakakaraan ng magka-amnesia sya...alam nyang maraming ala-ala ang nawala sa kanya, subalit hindi na nya iyon iniisip dahil para sa kanya masaya na sya...
"Saglit may ice cream oh! Bili tayo!"
Aya ng kaibigan nya...
"Basta libre mo??" Sagot naman nya habang nakangiti
"Lagi naman eh! Dito ka lang ha!?" Sambit nito sabay takbo sa mamang nagbebenta ng ice cream...
Sa di kalayuan, may natanaw syang lalaki, nakakatitig ito sa kanya at tila gulat itong makita sya...
Lumapit ito sa kanya at niyakap sya...
Laking gulat nya sapagkat hindi naman nya ito kilala..
"San ka nagpunta, bakit bigla ka nalang nawala??" Sabay kalas ng yakap sa kanya.
"Oh! Eto na clarissa! Diba gusto mo ng strawberry?!" Sigaw ng kaibigan nya,
Subalit nagulat ito ng makita ang lalaking yumakap sa kanya..
"Carl David Lapira A.K.A CD Lapira??" Sambit nito...
Agad syang nagulat sa sinabi nito,
Bakit kilala nya yun eh kagagaling lang namin sa Korea?
Tanung nya sa utak nya..
Lumayo ang kaibigan nya at ang lalaki at saka nag usap ng masinsinan...
Anu ba yan! Ubos na yung ice cream ko, di pa sila tapos mag-usap!
Sambit ulit ng utak nya matapos ang ilang minutong pag aantay...
Maya maya pa, umalis na rin ang lalaki.
Tumayo sya at lumapit sa kaibigan ng may konting inis sa isipan...
"Sinu ba sya??" Inis nyang tanung sa kaibigan
Ngumiti ito nang malapad sa kanya sabay sabing:
"Sya ang first love mo bago ka pa man magka-amnesia..." sabay lakad nito paalis..
Naiwan sya sa kinatatayuan nya habang nakatulala sa kaibigan dahil sa gulat nya...
"Oh anu! Tayo na!" Sigaw nito..
Tumakbo naman sya papalapit dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/27158940-288-k674985.jpg)
BINABASA MO ANG
May Amnesia si Clarissa?
Short Storythis is about Clarissa, who was deeply inlove with his crush... ang storya pong ito ay parte ng aking book story na kung saan hindi ko pa napopost... ^---^