Umpisa

5 2 1
                                    

Simula noong namatay ang mahal kong ama sa  isang aksidente ay hindi na naging masaya at naging madali ang pamumuhay namin ng aking ina at ng aking kapatid na si ailene.at habang wla ang aming ina sa aming bahay upang maghanap ng desenteng trabaho,kami naman ng aking kapatid ay nagbibenta ng kendi sa labasan ng simbahan upang makatulong sa aming ina.

Hanggang isang araw ay may lumapit sa amin isang maganda at mayaman na babae na bumaba sa isang magarang sasakyan at  agad itong bumili ng kendi sa amin ng aking kapatid habang doon sya sa aming harapan ay agad itong nag salita.

" Ano ang inyong mga pangalan mga bata?.ako nga  pala si Erza Cruz"agad na sabi sa amin ng babae

"Ako nga po pala si  Allia at ito naman ang aking kapatid na si Ailene" magalang kong sagot sa kaharap naming babae

"Kayo lang ba nag nandito?asan ang mga magulang ninyo?"

"Ang aming ama ay namatay sa isang aksidente at ang aming ina naman ay naghahanap ng trabaho."

"Kung gayon nadito kayo para tumulong sa ina nyo,tama ba ako?"

"Opo tama po kayo,ginagawa namin ito upang makatulong kami sa aming ina."

"O sige dahil dyan uubusin ko ang tinitinda nyo ngayon ng makauwi na kayo.at isa pa kung wla pang mahanap  na trabaho ang inyong ina ay pwede nyo itong akong tawagan dyan sa numero na nakasulat dyan sa papel .okay ba yun?"masiglang tanong sa amin ng babae pagkatapos nyang ibigay saamin ang kanyang calling card

"O sege po maraming salamat po ma'am Erza ,heto na po pala ang lahat ng kendi.salamat po uli,sana bigyan pa po kayo ng diyos ng masagana at masayang buhay!"masayang ani ko sa kanya habang inaabot ang isang supot ng kendi

"Walang anuman,o sya papasok na ko Allia ng makahabol ako sa misa ha."

"O sege po.paalam po!"

Pagkaalis ni ma'am Erza ay agad kaming umuwi sa inuupahan naming bahay

Nang dumating kami sa bahay ay agad kaming nagpahinga ng aking kapatid,at ng nakapagpahinga na ay agad na kaming gumawa ng aming homeworks at mga kakaunting gawain sa aming bahay.

Gabi na ng dumating ang aming ina sa aming bahay halos pagod ito dahil sa kakahanap ng trabaho.ng nakaupo ito ay agad kaming pumunta ng aking kapatid sa kanyang harapan at  nag mano.

"Ma, kumusta po ang pahahanap ng trabaho? Nakahanap po ba kayo?"agad kong tanong sa aking ina

"Okay naman.kahit nakakapagod,pero hindi agad ako nakahanap ng trabaho dahil maraming nagaaply ngayon."

"Okay lang po yun ma, ay ma!may ibiigay ako sa iyo sandali lang."

Agad naman ako pumunta sa aming kwarto at kinuha na yung calling card na ibinigay ni ma'am Erza sa akin kanina

"Ano iyan anak?"agad na tanong saakin ng aking ina nang agad akong bumalik sa kanyang harapan.

"Numero po yan ng isang mabait at mayaman na babae,nadoon po kasi kami ni Ailene upang mag benta ng kendi sa labasan ng simabahan ng ibigay yan sa amin.dahil itinanong nya saamin kung naasan po kayo kaya sinabi ko na naghanap kayo ng trabaho kaya ibinigay nya iyan sa amin at sabi nya tawgan nyo po raw siya kung gusto nyong magtrabaho sa kanya ma."

"Salamat anak ha.o sege tatawagan ko iyang numero dyan sa may tindahan."ani ni mama habang ngumingiti

"Okay po"

Agad namang umalis si mama upang pumunta sa kalapit na tindahan upang makitawag sa binabayarang telepono halos kinse minutos  bago sya bumalik sa bahay siguro ay matagal tagal silang nagusap ni ma'am Erza.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My SeñoritoWhere stories live. Discover now