Hope's pov
Nagising ako dahil sa sobrang lamig, iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa binatana. gabi na pala?
tumayo na ako at pumasok sa cr upang mag ayos. balak ko kasing pumunta sa sm ngayon upang mamili ng damit ko at kung ano ano pa. gusto ko sana isama sila eleina kaya lang mas gusto ko ngayon na mag isa.
pag tapos ko mag palit ng damit kinuha ko ang bag ko at bumaba na. " ohh hope saan ka pupunta?" tanong ni nanny " sa sm lang po may bibilhin lang " sagot ko at ngumiti, " ahh sige mag text ka sakin ha?" bilin nya. saka ko naman naalala ang phone ko naiwan ko pala sa kwarto ko.
pumasok nako sa kwarto ko at sakto nakita kong may natawag "unknown"
ang naka lagay. sino naman ang kukuha ng number ko?sinagot ko iyon at nang hintay ng mag sasalita."hope? hello?" rinig kong sabi ng boses lalaki sa kabilang linya. "sino to?" tanong ko, "hey this is yohan, nakuha ko phone number mo kay eleina" nanlaki ang mga mata ko, binigay nila eleina? jusko! yari sakin yung dalawang yun!
"uhm bat ka napa tawag?" tanong ko, "uhm wala naman may lakad kaba ngayon?" sabi ni yohan. napakunot noo naman ako sa tanong nya. "yeah meron bakit?" takang tanong ko. " saan? hatid kita gusto mo?" lalo akong nag taka sa ikinikilos nya. bakit nya ako ihahatid? ano ko sya driver? duhh!
"nako wag na, may kotse naman ako. thanks bye" sabi ko, "uhm hope wait-" pinutol kona ang tawag at inilagay ang phone ko sa bag kong dala.
weird gosh..
pag sakay ko sa kotse ko nagpatugtog ako at mabilis na tinahak ang daan papunta sa mall.
agad kong pinark ang kotse ko at lumabas sa kotse ko.
pag pasok ko naghanap na agad ako ng store na merong magagandang damit. "miss may iba pa kayong size neto?" tanong ko sa sales lady. "uhm wala na po maam eh" sagot nito, napa busangot naman ako. sayang ang ganda panaman.
nag hanap pa ako sa ibang store at marami rami narin ang nabili kong damit. "oo nga pre eh hahaha" napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang halakhakan ng mga boses lalaki. nanlaki ang mga mata ko ng makita si malden na may kasamang mga lalaki.
binilisan ko ang lakad ko upang di nya ako pamansin. buti nalang di nya ako nakita, pumunta ako sa isang book store at tumingin tingin din. mahilig talaga ako sa mga books lalo na pag romance.
bumili ako ng apat na libro at napag isipang kakain muna ako bago umuwi.
naghanap ako ng pwedeng kainan. tumigil ako sa paglalakad ng makita ko mismo sa harap ko ang lalaking nagbaliw sakin 2years ago. matagal kaming nagkatitigan na para bang gulat na gulat na makita ang isat isa.
hindi ko alam kung anong gagawin ko. gusto ko syang yakapin pero tumataas ang pride ko. sobrang namiss ko sya, naka uwi na pala sya ng pinas?
humakbang sya palapit sakin na ikina gulat ako, hindi ako maka galaw na para bang isa ang statue. ngumiti sya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "dito lang pala kita makikita" sabi nya at ngumiti. nag iba na boses nya!. nanatili akong naka tingin sakanya. "what? are you just gonna stand there and look at me like that? huh? my hope?" tuluyan ng bumagsak ang luha ko at mahigpit syang niyakap. he called me "my hope" once again...
"i missed you hope" bulong nya habang magkayakap kami, lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya. "I- i missed y-you too claude" my voice cracked. hinigpitan nya ang yakap nya sakin at hinaplos ang buhok ko.
lumayo na kami sa isat isa at pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. "shh dont cry hope ako lang to" pabiro nyang sabi, tumawa naman ako at ngumiti. " kamusta kana?" seryosong tanong nya " okay lang" sagot ko at ngumiti. " ikaw? kelan kapa naka uwi dito sa pinas?" tanong ko "actually di alam ng parents ko na andito nako. and simula nung umalis ka sa paris umalis narin ako, andun lang ako sa likod ng upuan mo sa airplane" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. " so 2years kanang andito? tapos hindi alam ng parents mo?" di maka paniwalang tanong ko " yes ganon na nga" sagot nya at ngumiti. " saan ka nag sstay?" tanong ko " sa isang subdivision na walang nakakakilala sakin" sagot nya.
BINABASA MO ANG
Make it together with the badboy
Teen Fictionmalden clint ruciz is one of the famous sons of the ruciz family, they own a really big company in every country. malden is really different from his brother claude martix ruciz. his brother is travel a lot and focuses on their business while malden...