Hoy Allen!
Akala mo ba napakagwapo mo?
Gunggong, hindi!!!!!!
Oo, with 6 exclamatory marks kasi hindi ka gwapo!
Charot, sige, medyo. kasinggwapo mo yung biceps ni Chris Evans. Slight lang.Akala mo ba di pa ako nakakamove on sayo?! Weh kupas ka na, eh! Duh, di mo ba alam nung nakipag break ka sakin, andami ko na agad nahanap na gwapo? Oo, sobrang gwapo kesa sayo.
Isa-isahin ko, ah. Si Tristan, Juan, Leo, Justine, Kyle, Luis, Harris sa Engineering.
Lucas, Anjo, Jun, Kiko, tsaka Arthur sa CommArts.Sobrang dami pa kaso di ko na matandaan mga pangalan.
Akala mo ba sumagi ka sa isip ko? Eww, mahiya ka nga! Ang kapal naman ng kalyo mo sa mukha kung yan ang inaakala mo.
Moved on na ako, uy!
Di nga ako naglupasay nung nakipaghiwalay ka sakin nung December 26 last year, 11:39 p.m sa text, tangina ka.Tinanggihan ko nga yung alok ni Mary Ann na mag-inuman dahil nga daw broken ako.
Wtf, ako broken? Di uy!Kanino, sayo? Sa red lips mo? Sa mukha mong napakaamo? Sa mata mong parang laging nanunuyo? Sa boses mong pang Wish 107.5 bus guest singers ang levels? Sa sayaw mong parang tanga? Di uy! Moved on na ako, ano.
Naka move on na ako dun sa 745 nights na magkakwentuhan lang tayo ng kung anu-ano.
Lipas na yun. Wala na sakin yun.
Alam mo ba, tawang-tawa ako noong December 26, 11:50 p.m. Bakit? Eh kasi napakaduwag mo, eh.
Nakngtucha, napakabading mo pala! Sa text ka pa talaga nakipag break???
Putanginang "Ayoko na Iska. Dont want u anymore." Ambobo mo para sa isang running for batch Summa Cum Laude.
Wala man lang proper punctuation marks, jusko. Di ka ba nakinig kay Maam Heraldo sa English nung grade 8?Putangina, ganun ganun na lang yun? Wtf, dude, di mo ba nabalitaan yung proper break-up etiquette?
Eto ha, tatlo lang naman yon, eh.
1. Man up, do not break-up thru e-mails.
2. Don't give reasons, it will sound like an excuse.
3. Say goodbye properly. Don't be a dog - just leaving without saying so.
Bobo ka talaga tangina ka. Dalawa dyan, di mo ginawa! Ambobo talaga ng puta.
Oo, bobo ka!
Kasi wala kang alam!
Di mo nga alam na hanggang ngayon, ang sakit pa rin sa kalooban na wala na tayo?
Bwiset ka, eh.
Di ko matanggap-tanggap sa sarili ko na ayaw mo na sa'kin.
Puta ka, bakit?
Bakit?
Di ba ako naging mabait sayo?
Len, bakit? Dahil ba di ako maganda? May nakita ka na bang iba? May nagpapasaya na ba sayo? May nang-akit ba sayo?
Bwiset, di ko alam saan ako nagkulang, Len.
Ang alam ko lang, sumobra ako.
Sobrang nagmahal
At ngayon, sobrang nasasaktan.
Pucha, Len, alam mo ba, hinanap kita nung December 27, 12:30 a.m sa inyo.
Gustong-gusto kong pasukin yung bahay niyo. Kaso baka magising ko si Tita, kawawa naman yun, lagi na ngang puyat tapos gigisingin ko pa.
