Chapter 3- Camp5

64 2 4
                                    

CHASE ⬆️⬆️⬆️

***********************************************************************

MARK'S P.O.V

Sobra na talaga yung mga babae na yun. Di nya talaga kami kilala?

Kami lang naman ang sikat na Boy Band dito sa campus na to. Kami ang Camp5. Ang grupo na kinakatakutan, tinitilian ng mga babae at tinitingalang bad boy sa school. Ako pala si JUNN MARK BERNARDINO. 15 years old. Vocalist and guitarist sa grupo. Syempre gwapo at mayaman.

Ito pala ang members ng Camp5:

TRISTAN JAKE LEE. 14 years old. Pinakabata sa grupo. Magka-year lang kami kasi nag-advance siya. Siya ang Guitarist sa grupo. Siya ang pinakamatalino at pinakatahimik sa amin. Gwapo at mayaman.

DWAYNE MCNIEL MONTICELLO. 15 years old. Siya ang drummer sa grupo. Siya ang basagulero sa kanilang lima. Gwapo, mayabang, mayaman, at sobrang mapang-asar.

VINCENT JOHN GONZALES. 15 years old. Siya ang pianist. Gwapo, mayaman at sobrang kulit. Siya ang womanizer sa aming lima dahil siya ang mahilig sa mga babae. Madami na siyang pinapa iyak na babae dito. Isa siya sa kinaiinisan ng lahat.

At ang pinakahuli...

AUSTIN CHASE LEE. 15 years old. Ang leader ng Camp5. Gwapo, mayaman, nakakatakot at di masyadong nagsasalita. Nagsasalita lang yan pag may kailangan o may tatanungin ka. May pagka mysterious siya. Di ko nga alam kung bakit naging bestfriend ko siya. Oo, bestfriend ko siya. Kapatid niya nga pala si Tristan Jake Lee.

Kami ang boy band na in demand. 😉😉😉

IZZALEE'S P.O.V

~Dismissal~

"Gayle, talaga bang ayaw mong tumira sa mansion?"

Pangungulit ko kay Gayle na dun tumira sa mansion. Eh kasi naman sa condo unit niya daw siya titira. Di ba't nakakatakot pag mag-isa lang siya dun? At sa gusto rin namin na makasama siya.

"Ayaw" tipid niyang sagot.

Masanay na kayo sa mga tipid niyang sagot. Ganyan lang talaga siya. Di siya masyadong nagsasalita. Magsasalita lang yan pag may kailangan siya, may itatanong siya o may itatanong ka sa kanya. Tapos nakakatakot tong pinsan kong to kahit di to masyadong nagsasalita. Titingnan ka lang niyan, patay kana. May time din naman na sweet siya at palabiro pero sa amin lang niya pinapakita. Ewan ko ba. Pero mabait yan pag mabait ka din sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nandun si lola." Sagot niya.

"Eh, ano naman kung nandun si Lola?" Tanong ko.

She gave me death glare. Sabi ko nga sa inyo, nakakatakot ang tingin ni Gayle.

"Sabi ko nga, iniiwasan mo si Lola." Nakakatakot ang tingin ni Lola. Lalo na't pag galit siya. Mas nakakatakot pa kaysa kay Gayle. Natatakot nga kaming dalawa ni Haylee. Ewan ko nga lang kay Gayle. Parang di naman siya takot kay Lola, iniiwasan lang niya. At ngayon lang naman iniwasan ni Gayle si Lola. Pero kahit ganun si Lola, mahal namin siya at alam namin na mahal niya kami, protective lang si Lola kaya sa strict. May times naman na sweet si Lola. "Kung ayaw mong tumira doon, pwede bang mag-sleepover ka na lang dun mamaya?" Tanong ko.

Nag-nod siya. Eh, madali lang naman palang kausap. Naglakad kami papuntang carpark.

"Dala niyo ba ang sasakyan niyo?" Tanong ni Gayle.

Umiling kaming dalawa ni Haylee. Napatingin ako kay Haylee. Himala! Di siya nagtetext.

"Tss." Gayle.

Sinundan lang namin si Gayle pamunta sa Pink Porsche. Witwew! Holy chic car!

"Hop in guys" pag-aya ni Gayle.

Sumakay na kami and we drove off.

GAYLE'S P.O.V

*Mansion*

Nakarating na kami sa mansion. Ipinark ko na ang sasakyan ko. Bakit parang ang tahimik nila simula pa kanina? Tumingin ako sa kanila. Nakadilat ang kanilang mata at nakanganga. Bakit ganyan ang mukha nila?

"You're a reckless driver, Gayle!" Haylee

"Do you really want us to be dead at this early age? Oh come on!" Izza

Napatawa ako. Di pa kasi nila alam na drag racer ako. At yun ang dahilan kung bakit iniiwasan ko si Lola Almyra. Baka malaman niya at patigilin niya ako sa pagdra-drag racing.

"Talaga lang Gayle ha! At natatawa kapa." Izza

"Nakakatawa kasi ang mukha niyo kanina. HAHAHA" ako. Pumasok na ako sa mansion para di na sila maka angal. Talaga namang nakakatawa yung itsura nila kanina. Nakapasok na ako at bumabati ang mga maids ang bodyguards sa amin. Bumati narin kami.

"Ma'am Kia--" bago pa ituloy ang sasabihin nang butler ko ay pinutol ko na.

"Gayle" pag-correction ko sa kanya.

"Ay, sorry po. Ma'am Gayle, diresto raw mo kayo sa dinning room para mag dinner. Nandun po silang lahat." Butler Brix.

Tumango ako. "Sanayin mo na Gayle ang itatawag mo sakin."

"Yes Ma'am Kia--Gayle." Butler Brix

Di ko na siya pinansin at naglakad na pamunta sa dining room. Wait lang, anong lahat?
Nakarating na kami sa dinning room at di ako makapaniwaka sa nakita ko.

**************************************************************************
Sorry readers if short lang to. Babawi ako next update. ☺️☺️Promise ✋✋✋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally InloveWhere stories live. Discover now